Nora Aunor on her much talked-about return: "Basta ang maisu-sure ko, babalik at babalik ako diyan."

"May mga naghintay ba kanina? Wala naman akong sinabing uuwi, bakit pumunta kayo dun? Dapat kasi kay Kuya Germs lang kayo nakikinig at magtatanong, kasi siya kasi ang unang makakaalam niyan," says Nora Aunor about her fans who waited for her at the airport.


Hindi nga natuloy ang inakalang pagbabalik sa Pilipinas ng Superstar na si Nora Aunor ngayong araw, July 21.

Matatandaang naging malaking usapin ang napabalitang pag-uwi sa bansa ni Nora pagkatapos ng walong taon paninirahan sa U.S. Pero hindi nga ito natuloy.

At para mapatotohanan na nasa Los Angeles, California pa rin si Nora ay tinawagan siya ng kanyang kaibigan na si German "Kuya Germs" Moreno sa radio program nito sa dzBB na Walang Siesta kaninang hapon.

Ito ay para si Nora mismo ang magsabi ng dahilan ng hindi pagkakatuloy ng kanyang uwi ngayong araw.

Narito ang naging pag-uusap nina Nora at Kuya Germs sa radyo:

Kuya Germs: "Ni (tawagan nila sa isa’t isa), bumati ka muna sa ating mga listeners."

Nora: "Magandang hapon po sa lahat ng mga nakikinig ngayon kay Kuya Germs. Sa lahat ng mga nandiyan sa booth, sa mga nagsisigawan kanina, binabati ko po kayo.

"At kamusta na po kayo, nami-miss ko na rin kayong lahat. Sa aking mga pamilya, mga anak, at sa aking kapatid na si Buboy [Villamayor], at siyempre si Ni [Kuya Germs]."

Kuya Germs: "Ni, yung mga nasa airport naghintay kanina..."

Nora: "May mga naghintay ba kanina? Wala naman akong sinabing uuwi, bakit pumunta kayo dun?

"Dapat kasi kay Kuya Germs lang kayo nakikinig at magtatanong, kasi siya kasi ang unang makakaalam niyan.

"Ang Ni ko ang unang makakaalam kung ano ang gagawin ko, kung hindi baka i-break ako niyan!"

Kuya Germs: "Ni, ito lang, linawin natin. Totoo ba na may nagbigay sa ’yo, nag-sponsor ng ticket na ikaw ay makabalik dito? Is that right?"

Nora: "Opo Kuya. Ako naman ay nagpapasalamat at dahil may nagmamagandang-loob na nag-offer nga ng ticket para makabalik ako diyan sa Pilipinas.

"Dahil ang sabi nga niya, nanggaling nga siya sa Pilipinas at talaga naman nga daw hinihintay ako ng mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sinabi niya, ’Kung gusto mo, kung uuwi ka, puwede ako magbigay sa ’yo ng ticket.’

"So, kinonsider ko naman yun, sabi ko, sige.

"Kaya lang, ang nangyari nga, may negosasyong namagitan sa inyo ni Suzette [Ranillo] at sa isang malaking station, so sinabi ko rin sa kanya ’yon.

"Ang sabi ko, ’Bakit hindi na lang muna natin hintayin yung resulta ng usapan nila Kuya Germs at saka ng isang malaking istasyon. Nang sa ganun, pagdating ko naman diyan, para naman magkaroon ako... hindi darating yung darating ako diyan.’"

Kuya Germs: "Okey, naintindihan naman ng nagmagandang-loob?"

Nora: "At first, hindi yata niya naintindihan. Kasi ang gusto niya, dahil nakapagpa-book na siya, ayaw na niyang ipagpaliban yung pag-alis ko kasi masisira daw ang kredibilidad niya.

"Sabi ko nga, ’Bakit naman masisira kung iaatras lang natin ang pag-alis ko? Wala naman sigurong magiging problema doon.’ Yun yung naging issue."

Kuya Germs: "Okey, yun nga, dahil dun, maraming umasa talaga at naniguro. At pati nga yung pagpapakita sa telebisyon na ikaw ay nasa airport, na pasakay ka na ng eroplano, na sabi ko ngang ganyan, e, baka naman ito ay gamit nito nung mga matagal mo nang pag-alis na nakunan."

Nora: "Hindi totoo ’yan, Kuya. Kung meron silang ipinakita, sabi ko nga dun sa nagmagandang-loob na nagbigay ng ticket, ang sabi ko, ’I-postpone na lang natin para hindi ka na rin magastusan.’

"’Puwede namang i-refund yun, e,’ sabi ko sa kanya. Medyo naano yata.

"Pero ang sabi ko naman, bakit naman sasama ang loob niya kung mas maganda naman yung mangyayari, di ba?

"Kung talagang nagmamalasakit siya at lahat, kung ano, yun lang naman yung sa akin."

Kuya Germs: "Ni, hanggang dun lang ano. Ngayon, ito naman ang gusto kong iparating mo sa mga milyun-milyon pa ring mga fans mo na naririto: Ano ang pagkakaiba ngayon ng ating Superstar sa kanyang pagbabalik dito sa Pilipinas?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nora: "Wala pong pagbabago."

Kuya Germs: "Siyempre, yung pagbabago na iniisip nila, dahil doon sa mga intriga na lumalabas ngayon?"

Nora: "Ay naku, oo nga po, Kuya, may nag-ano na naman kaagad na hindi pa rin daw ako nagbabago, hindi na naman daw ako dumating sabi nila.

"Sabi ko, dyusko naman, hanggang ngayon pa rin ba ’yan? Sabi ko, kung darating ako, maayos na lahat ang negosasyon.

"At siyempre, darating at darating ako, di ba, hindi puwedeng hindi."

Kuya Germs: "Nandun yung pananabik mo na makabalik ka na rito, right?"

Nora: "Ay opo, Kuya... Ilang taon na ba ako dito? Walong taon na ako dito."

Kuya Germs: Hindi ko na pakakahabaan, dahil alam kong busy ka diyan para sa preparasyon. Makakaasa ba ang mga tagahanga mo na pag matapos ang negosasyon itong hapon na ito, itong araw na ito, at bago matapos ang buwan na ito ay makabalik ka na rito?

Nora: "Ikaw ang unang makakaalam, Kuya Germs. Kung babalik na ako kung kailan at kung anong oras, lahat-lahat ikaw ang unang makakaalam nun.

"Kaya dapat pakinggan ka nila diyan dahil sa ’yo lang manggagaling ang totoo at kung kailan talaga ako babalik."

Kuya Germs: "Pahabol lang, Guy. Dahil nabanggit ko nga na dapat meron kang commitment diyan ng August 8, nagawan mo na ba ng paraan na kung saka-sakali bago matapos ang buwan ng Hulyo, nasabihan mo na sila na baka hindi ka na maka-attend dun sa invitation nila?"

Nora: "Alam na nila po yun. Talagang inuna ko po yun para walang samaan ng loob. Pumayag naman po, e."

Kuya Germs: "Ni, baka may gusto ka pang iparating... Ang promise ko kasi, I will not make it long ang ating pag-uusap ano, basta maliwanagan lang yung hindi mo pagdating kanina. Baka may gusto ka pang iparating, go ahead."

Nora: "Basta yun lamang po, makinig lang kayo kay Kuya Germs. Si Kuya Germs lang ang makakaalam kung ano ang mga mangyayari. Basta ang maisu-sure ko, babalik at babalik ako diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuya Germs: "Handa ka namang umarte, Ate Guy?"

Nora: "Siyempre naman, Kuya Germs."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN