Diether Ocampo says Kris Aquino’s birthday gift for him could be a school building in Bacoor, Cavite

"Si Kris naman kilala natin. Siya yung tipo ng tao na hindi mo na kailangang sabihan. Nagkukusa talaga. She’s very generous. Kaya I won’t be surprised kung bigla na lang may sumulpot na bagong eskwelahan diyan sa Bacoor Cavite, di ba?" says Diether Ocampo about Kris Aquino’s possible birthday gift.


Pangalawang taon na ngayon ng Diether Ocampo Golf Cup Drive Fore the Youth na ginanap sa Tagaytay Higlands, Tagaytay City kahapon, July 21.

Last year ay sa Tagaytay Midlands nila idinaos ang nasabing golf tournament.

Second time na naging part ang nasabing golf competition ng birthday celebration ni Diet (palayaw ni Diether). His actual birthday is July 19.

For the past six years na kasi ay isine-celebrate niya with his K.I.D.S. Foundation sa pamimigay ng regalo at tulong sa less-fortunate na mga kabataan.

With the Diether Ocampo Golf Cup, mas nakakapag-raise siya ng funds para mas malaki ang malikom na pera para sa kanyang charity works.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Every year ’yan, parang ina-anticipate talaga nila [participants]. Kasi, di lang sila nag-e-enjoy playing golf, also nakakapag-contribute din sila sa kawanggawa.

"Dahil sa proyekto talaga ng K.I.D.S. Foundation to begin with [ito]. This time, partner na namin yung Knowledge Channel at yung Kris Peace Library [Kristiyano-Islam Peace Library] talaga.

"Marami akong dapat pasalamatan. Unang-una na diyan sina Best—Bey [Bea Alonzo], si Zanjoe [Marudo], atsaka yung mga regular natin na laging sumusuporta sa even natin na ’to. Sina Monsour [del Rosario], sina Epi [Quizon], at marami pang iba."

Nabanggit niya kanina na kasama yung Kris Peace Library?

"Hindi, iba yun. Baka ma-misinterpret n’yo. Iba yung ano niya," pag-explain niya na hindi ang nali-link na si Kris Aquino ang binabanggit niya.

"Kris Peace Library. Ito yung organization na sinusuportahan namin. This is headed by Armand Nocum. Christian-Islam. Yung ginawa nilang parang training facility.

"Nag-donate kasi kami diyan ng mga facility. Mga libro. Mga 5,000 na mga libro. Pinadala namin sa Zamboanga.

"Maganda rin na nakakatulong tayo sa mga kapatid natin na nasa malalayong lugar, lalo na sa bandang Mindanao. Mahirap puntahan kasi yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every year ay ginagawa namin siya tuwing second quarter, kasi yun yung panahon na pasukan. Kasi ang ano [target], maiano ito sa mga proyektong edukasyon.

"Kasi, maraming mga programa ang Knowledge Channel ’tsaka yung Kris Peace Library. At the same time, of course, yung mga existing programs ng K.I.D.S. Foundation.

"May mga scholar din kami at nagsusuporta din kami do’n sa mga public schools.

"Kaya kailangang continuous yung ginagawa nating mga fund-raising event para ma-sustain yung mga programa."

Observation ng ilang dumalo last year na mas dumami ang celebrities na sumali ngayong taon.

Sabi naman ni Diet, "Si Bea nga nagulat ako. Wala pa ’yang tulog. Galing kami pareho sa Guns and Roses. Dire-diretso [sila sa Tagaytay].

"In fact no’ng nagsu-shoot kami [the night before] sa San Juan, nagtitinginan na kami, ’Anong oras kaya tayo matatapos? Sa Tagaytay pa tayo pupunta mamaya.’ Kaya sobra kong na-appreciate.

"Isang napakagandang regalo ito sa aking kaarawan this year. Kaya todo-todong pasasalamat ko sa lahat ng ating mga kaibigan, at mga kapamilya sa industriya."

Paano siya nag-celebrate noong mismong araw ng birthday niya?

"Nag-treat ako do’n sa mga volunteers ng K.I.D.S. [Foundation]. Nag-dinner kami naman ng family, ’tsaka yung mga Monchters [mga talent sa ilalim ng handler na si Monch Novales ng Star Magic].

"Kasama ko si Bea, si Shaina [Magdayao] at si Enchong [Dee], ’tsaka si Tita Monch Novales, Star Magic.

"So, yun lang. Yun yung medyo grupo kasi namin under Tita Monch."

SINGLE AND AVAILABLE. Last year ay kasama pa niya sa first Diether Ocampo Golf Tournament ang kanyang ex-girlfriend na si Rima Ostwani.

This year ay hindi ba siya nalulungkot na walang special someone especially no’ng birthday niya?

"Alam n’yo po, medyo matagal-tagal na nga. Pero, pagbigyan n’yo naman sana ako na ma-enjoy ko kahit papano itong pagiging single ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di rin naman magtatagal makikilala n’yo rin kung sino yung ilalaan sa atin ng Diyos.

"I’m not in a rush. I’m very happy na, you know, I’m getting big projects left and right.

"I have an upcoming movie that was directed by Quark Henares, yung Rakenrol, and with Guns and Roses, of course. Maraming-maraming salamat sa mga sumusuporta sa teleserye namin."

Ang Rakenrol ay showing this Saturday sa Cultural Center of the Philippines sa Cinemalaya Filmfest.

So, matatagalan bago siya mai-in love uli?

"Hindi naman. Parang gusto rin naman natin na merong nagsisilbing inspirasyon.

"Pero kung sino man yung ipakikilala sa atin ng... Sana, e, ’Ibagsak mo na Lord.’ Parang gano’n na lang, e.

"Kaasi no’ng time na abala naman ako sa aking personal na buhay, di ba, napansin n’yo naman na di ko basta-basta nagagawa yung mga ganitong mga charity events.

"Yung mga projects ko din, di ko rin natututukan. So, it’s very timely that I’m given this opportunity to be single.

"Talagang nama-maximize ko rin yung oras ko para magawa ko yung normally hindi ko nagagawa pag meron akong karelasyon.

"So, siguro its time for me to do that. For the meantime and hopefully balik uli tayo do’n [sa pakikipagrelasyon].

"Work, work, work, tapos do’n naman. Di naman po tayo nagmamadali."

GIFT FROM KRIS AQUINO. Alam ba ni Kris Aquino ang mga pinagkakaabalahan niyang charity works?

"Yes, she’s very much aware do’n sa mga [charity works]. Kasi, si Kris, isa sa mga nakakatulong ko sa mga kawanggawa na mga proyekto.

"Nilambing ko nga siya, kasi tinanong niya ako kung ano yung gusto ko para sa birthday ko.

"I just mentioned to her, ’O, nabalitaan ko, nag-donate ka daw ng dalawang schools sa Ormoc, a. Baka naman puwedeng maglambing na makapag-donate ka rin school sa Bacoor Cavite.’ Kasi that’s my hometown."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang naging sagot ni Kris sa kanya?

"Si Kris naman kilala natin. Siya yung tipo ng tao na hindi mo na kailangang sabihan. Nagkukusa talaga.

"She’s very generous. Kaya I won’t be surprised kung bigla na lang may sumulpot na bagong eskwelahan diyan sa Bacoor, Cavite, di ba?

"I was really hoping and praying for that kasi sabi ko talaga, ano pa bang mahihiling ko, di ba?

"At least it’s something that, you know, a lot of kids, magbe-benefit talaga."

Mas marami siyang matutulungan kung mailalapit niya ang kanyang charity works sa kuya ni Kris na si President Noynoy Aquino.

"Alam mo, sa dami ng mga tumutulong sa atin dito, nagagawa naman natin. Yun yung aspeto na di natin linya. Allthough, siyempre hangga’t maaari [huwag na ilapit sa presidente].

"Kaya naman nating gawin on our own. Very supportive naman mga kaibigan natin.

"Nagagawa naman natin ang mga projects and events na sama-samang pinagtutulungan para maitaguyod. It’s not that impossible.

"Mahirap luminya sa mga [may kinalaman sa politics]. Medyo pulitika na yun, e," saad ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN