Ruffa Gutierrez on Yilmaz Bektas: "Nagsalita na ako once, eto yung totoong nangyari. I don’t want to keep pushing his button also."

"I just hope na we’ll come to terms with kung ano ang gusto niya. What makes him happy, what makes me happy, and what’s best for the kids. Para sa akin sana matapos siya nang maayos, nang walang masasaktan," says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ruffa Gutierrez na mababalik sa kanya ang nawaglit na anim na pares ng mamahaling sapatos ng kanyang personal assistant na si Jimmy sa isang taxi na minamaneho ni Ariel Dalangin. (CLICK HERE to read related story.)

"It’s really nakakagulat na meron pa ring mabubuting tao na gaya ni Mr. Ariel, yung taxi driver, nagsauli pa ng sapatos.

"Akala ko talaga wala na, e. Sige, okey na yun. I’m sure mas maraming magagandang kapalit," namamanghang lahad ni Ruffa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa kahapon, July 21, sa Imperial Palace Suites para sa ipinatawag niyang presscon para sa bubuuing Bazaar for a Cause na pinamagatang "Ruffa’s Red Carpet." Gagawin ito sa August 19 at 20 sa Newport Mall, Resorts World Manila sa Pasay City.

"But you know," dugtong niya, "sinagot ng Diyos ang mga prayers ni Jimmy at hindi pinatulog lahat ng buong staff, pati si Jun Lalin.

"Ayan, the next day, we got a call at isinauli.

"Hindi naman tungkol sa sapatos ito, tungkol ito sa isang tao na, imagine, ang daming nawawala sa taxi—cell phone, bags—pero hindi naman naisasauli.

"But imagine, six shoes isinauli at ipinadala pa sa radio station!"

Totoo bang more than $7,000 ang halaga ng anim na sapatos?

"Huwag na nating pag-usapan ang presyo!" tanggi niyang kumpirmahin.

Half a million pesos daw ang kabuuang halaga ng mga shoes?

"Hindi, less than that," sabi ni Ruffa.

"I don’t wanna talk about the price kasi mawawala naman yung magandang ginawa ni Mr. Ariel.

"And I really wish na tularan siya ng ibang mga tao."

Tanggap na raw talaga ni Ruffa na nawala ang mga sapatos niya kung sakaling hindi ito naibalik sa kanya.

"Okey lang. Bibili na lang uli. Magiging sad na lang.

"Pero I’m just so happy na may nagmagandang-loob na may nagsauli uli," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ni Ruffa na binigyan niya ng disciplinary action ang kanyang personal assistant na nag-iwan ng kanyang mga sapatos sa taxi.

"Hindi siya suspended. In fairness naman sa akin, pinapunta ko pa siya sa pictorial.

"Siya ang nagi-guilty na nawala niya ang shoes ko!" natatawa niyang kuwento.

Hindi raw naging emosyunal si Ruffa nang mawala ang kanyang mga sapatos.

"Hindi naman ako naiyak. Nanghinayang lang ako sa shoes ko kasi I was really excited to wear them.

"Alam mo naman sa trabaho natin, kailangan natin ng magandang sapatos, magandang damit.

"So, eto, nag-i-invest talaga ako sa shoes, clothes for my job, for my profession as an actress.

"Actually, hindi na ako bumibili ng bags. I just borrow na lang from my mom.

"I’d rather really save kasi I wanna make my children secure for their future," sabi niya.

FOR A CAUSE. Excited naman si Ruffa sa bagong charitable project na gagawin niya, ang Bazaar for a Cause na pinamagatang "Ruffa’s Red Carpet."

"Actually, marami akong events or I do volunteer work na hindi ko na sinasabi ng mga tao. So, that’s also regular yung pagbo-volunteer ko.

"But this one kasi, we really wanna raise funds for the children," sabi niya.

Tatlo ang beneficiaries ng project ni Ruffa. Ang mga ito ay ang Real Life Foundation, Virlanie Foundation for Kids, at House of Joy of Mother Theresa.

Twenty-five celebrity friends ni Ruffa ang inaasahan niyang lalahok sa project niyang ito.

Magsisimula pa lang daw siyang mag-imbita at inaasahan niyang makakaipon siya ng 25 tao sa lalong madaling panahon.

YILMAZ BEKTAS. Samantala, sariwa pa ang isyu sa pagitan ni Ruffa at ng kanyang estranged husband na si Yilmaz Bektas na binansagan niyang "storm and big battle in my life."

Ito ay ang paghahabol ni Yilmaz ng custody sa kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ruffa, "For me, talagang natakot ako doon. Ang daming nangyari na hindi ninyo alam.

"But nagsalita na lang ako at nag-tweet ako no’ng si Yilmaz, kinontak ang GMA News. Kinontak si Ricky Lo, and sent a long e-mail explaining his side and saying things na hindi totoo sa akin.

"Siyempre nalungkot ako, nagulat, at natakot dahil gusto niyang kunin ang mga bata.

"And para sa akin, I’ve taken care of the kids for four years.

"Hindi ko naman sila ipinagkakait sa daddy nila. As a matter of fact, I’ve raised them in the way... I want them to always look up to and love their father.

"And for me, he can visit the kids anytime sa Pilipinas, or go to a neutral area where they’ll be safe," paliwanag ni Ruffa.

Paano nila tinapos ni Yilmaz ang usapan nila tungkol sa kanilang mga anak sa huling pag-uusap nila?

"Hindi pa siya tapos. It’s still hanging. Hindi ko na alam," sabi niya.

"Yes, nag-usap kami. Sabi ko, ’Please be careful with whatever you’re gonna say. Just remember, hindi para sa akin, this is gonna be for Lorin and Venice.’

"Ayoko namang maging masyadong malaking issue, downplaying it.

"And sana maintindihan ni Yilmaz na huwag na naming gawin ito in front of everyone.

"Hindi pa kami nagsi-settle," patuloy niya.

"My lawyer does have a copy of the e-mail that was sent to everyone.

"I just wanna take the advice of my mom and my dad [Annabelle Rama and Eddie Gutierrez].

They advised me na, ’Ruffa, huwag mo nang siraan si Yilmaz. At the end of the day, he’s still the father of your children.’

"Nagsalita na ako once, eto yung totoong nangyari. I don’t want to keep pushing his button also.

"Para sa akin, mabuti nang tahimik. Kailangang isipin ko rin yung para sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin lang, gusto ko lang i-explain ang side ko.

"Kung may magtanong sa akin, palabasin niya [Yilmaz] akong masamang ina... hindi inaalagaan yung mga bata.

"Nakikita naman niya na pinag-aaral ko sa magagandang school. Kumpleto sila sa mga damit, kumpleto sila sa pagmamahalan.

"So, I think bilang ina, wala siyang masasabi sa akin.

"Naiintindihan ko naman kung nami-miss niya ang mga bata."

IT’S NOT ABOUT THE MONEY. Ang pinakamasakit lang daw sa mga akusasyon ni Yilmaz sa kanya ay ang tungkol sa pera.

"Ang pinakamasakit na sinabi niya yung padala siya nang padala siya ng pera, yung hindi ko ginagastos, hindi ko raw ibinibigay sa mga bata.

"Ang sabi ko nga, nasaan ang resibo? Baka maling bank account yun? Give me proof, hindi yung puro salita-salita lang.

"We have courts that can determine what is the truth and what is not.

"I mean, if he does send money for the kids, definitely I will give it to them.

"Hindi naman ako humihingi para sa akin. I made more than enough to take care of myself, to take care of my kids, and even my pamangkin na si David na tinutulungan ko pa.

"Para sa akin, yung ang pinakamasakit dahil hindi totoo... ginagawan niya ako ng isyu sa pera.

"At lahat daw ng kinikita ng mga bata sa pag-aartista, nilulustay ko.

"Gusto ko nga sabihin na yung Goin’ Bulilit... Hello, ang suweldo lang nila doon P2,500! Ginawa ko na ngang P5,000. Sikat naman sila.

"Abonado pa ako sa gas at saka pang-pizza. Nakakaloka!

"Ayoko na, kasi umiinit lang talaga ang ulo ko at nagiging malungkot ako."

Hindi raw mahirap kay Ruffa ang maging single mom.

"Kasi siyempre, you have to divide your time. It’s not easy.

"You have to divide your time. I have the role of both mother and father. And so far naman, nakayanan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLUELESS. Wala pa raw kaalam-alam sina Lorin at Venice sa gulong namamagitan sa kanilang mga magulang.

"Hindi nila alam. Ayoko ring malaman nila dahil ayoko ring maging malungkot sila.

"What they really know is that their father and I are separated. So, tama na ang gano’n.

"Sa edad nila, yun lang ang kailangan nilang malaman for their age," sabi ni Ruffa.

Hindi na matandaan ni Ruffa kung kailan huling bumisita si Yilmaz sa Pilipinas para dalawin ang kanilang mga anak.

"Three years ago na yata, hindi ko maalala sa tagal na."

Base sa sinabi raw ni Yilmaz, ayon kay Ruffa, naghahanap daw ng kanyang atensiyon ang kanyang estranged Turkish husband niya.

"Sabi niya kasi I’m not giving him any attention. He wanted to catch my attention.

"Kasi minsan, when he texts me, hindi na ako sumasagot.

"I don’t want to make him upset. Ayoko na, e.

"Let’s move on. Let’s just try to be the best parents for our kids," saad ng TV host-actress.

Ayaw isipin ni Ruffa na kaya siya ginugulo ni Yilmaz ay dahil hindi ito masaya, hindi tulad masaya happy sa nangyayari sa kanyang career at personal na buhay dito sa Pilipinas.

Marami ang naniniwalang gusto pang makipagbalikan ni Yilmaz kay Ruffa.

"Naku, i-email ko nga siya. Itanong ninyo sa kanya.

"Mahirap namang magsabi na he still likes me, he still wants to be with me.

"You know, it’s different kasi sometimes, pag happy mood siya, ibang sinasabi niya.

"Pag bad mood siya, iba rin ang sinasabi niya sa akin," sabi ni Ruffa.

Hindi lang daw isa ang nabiktima ng bad mood ni Yilmaz. Maging ang GMA News showbiz correspondent na si Nelson Canlas ay nakatikim din daw kay Yilmaz.

"Si Nelson Canlas nga dineath threat. Ako pa kaya? Nakakaloka!" bulalas ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na sinasabi ni Ruffa na masaya siya dito sa Pilipinas at hindi niya nami-miss ang buhay sa Turkey.

"I’m happy here. I’m still busy, I have a lot of work. I’m happy being single and content," nakangiti niyang sabi.

SERIOUS RELATIONSHIPS. Itinuwid naman ni Ruffa ang maling impression sa kanya ng press na karamihan sa mga lalakeng nali-link sa kanya ay hindi seryoso ang mga ito. Kaya naman hindi rin daw nagtatagal ang mga ito at nawawala rin.

"Lahat naman sila seryoso," sabi niya.

"Ako lang ang pumipigil sa kanila kasi hindi pa ako ready.

"Gusto ko matapos muna ang isyu kay Yilmaz.

"Kita mo naman? See? It’s not even finished yet. Nandiyan na naman siya.

"I don’t wanna enter in a relationship at pag-uusapan namin ang future na hindi pa natatapos ito.

"There’s no sense talking about the future because this isn’t over yet.

"Matatapos na ito kasi nag-file na ako ng annulment," paniniguro niya.

Hindi pa alam ni Ruffa kung hanggang saan aabot ang madalas na hindi nila pagkakaunawaan ni Yilmaz.

"I just hope na we’ll come to terms with kung ano ang gusto niya. What makes him happy, what makes me happy, and what’s best for the kids.

"Para sa akin sana matapos siya nang maayos, nang walang masasaktan," asam niya.

American citizens ang dalawa niyang anak. Paano kung sa U.S. masampa ng custody case si Yilmaz?

"Let’s cross the bridge when we get there," tugon ni Ruffa.

"Basta ako, I wish him happiness, I wish him the best of luck.

"I don’t hold grudges on anyone. Kasi mahirap yung gano’n, masakit sa dibdib.

"Matagal na akong nakapag-move on.

"Sana matapos na, sana hindi forever yung problema namin."

What if gustuhin ng kanyang mga anak na bisitahin ang kanilang ama sa Turkey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When Venice and Lorin grow older, they can make their own decisions and then, why not?

"They’re not under my control anymore. And if they’re older, 16 or 18, bahala na sila sa buhay nila," paliwanag ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN