Zanjoe Marudo is excited to bring Bea Alonzo to a romantic dinner in Paris

"Meron kaming pinuntahan dati do’n ni Piolo ’tsaka ni KC. Gusto ko siyang dalhin do’n dahil sobrang ganda. Dahil nilibre ako ni Piolo ’tsaka ni KC no’ng time na yun," says Zanjoe Marudo about his plan to have a romantic dinner with Bea Alonzo in Paris.


Sa katatapos na fund-raising project na Diether Ocampo—Golf Cup Drive for the Youth—held at Tagaytay Highlands, Tagaytay City kahapon, kapwa nag-participate sina Zanjoe Marudo at ang nali-link sa kanyang si Bea Alonzo. Bilang suporta na rin ito sa kaibigan nilang actor na si Diether Ocampo at sinasabing bonding moment na rin nina Zanjoe at Bea.

To some, parang unlikely raw na pasukin ni Bea ang golf. Baka naman daw dahil hilig ito ni Zanjoe kaya gusto na rin ng actress na laruin ang favorite sport ng rumored boyfriend.

"Kasi ngayon, mas pumapasok siya sa, kumbaga sports. Bagbo-boxing siya, tapos eto. Siguro naintriga siya kung bakit gano’n ako kaano [addicted] sa golf.

"Sa TV pinapanood ko [ang golf]. Ang boring, boring naman pag pinapanood sa TV. Tapos lagi akong naglalaro pag wala akong ginagawa.

"Oo, na-curios siya and yung, naiintriga siya, ’Bakit kaya?’ So, nag-try siya. And para sa isang babae kasi, sobrang hirap ng larong ito.

"Sa umpisa pa lang malalaman mo na talaga agad kung may future ka, o wala.

"So, no’ng sa umpisa, kita mo naman agad na mero’n talaga. Alam mong gagaling siya.

Habang naglalaro sila ng golf sa nasabing tournament kung saan ay magkakampi sila, kapansin-pansin daw na enjoy na enjoy sila sa company ng isa’t isa.

"Siguro kung ano yung nakikita nila. Like yung ngayon, excited kami na magkasama, magkalaro kami sa golf. Kung lumalabas man kami, ginagawa namin yun dahil gusto namin."

Masasabi ba niya na sila na?

"Siguro nando’n kami sa estado na ako gusto ko siyang kasama lagi. And sana yung company ko gusto rin niya.

"And yun, nag-e-enjoy kami na matutunan yung iba-ibang bagay. Hindi lang naman dito sa Pilipinas.

"Like yung pag may mga out of the country [shows]. Gusto ko, dream ko talaga na makapunta kung saan-saan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkakataon na may shows na pareho kaming kasama, so alam mo yun?

"Ang saya dahil sa trabahong to, e, nagagawa naming... nagagawa ko yung mga gusto ko. Bonus pa na kasama ko yung gusto kong tao."

Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya sinasagot ni Bea?

"Actually minsan nakakalimutan ko na, e," tumatawa niyang sagot sa amin. "Dahil minsan, di ko na napapansin, e. Pero siyempre di naman ako nag-aano, nagiging kampante.

"Hanggang ngayon naman, gaya naman ng ginagawa ko simula umpisa, e. Kung anuman ako, e yun naman ang pinapakita ko.

"Kung may pangit man akong ugali. Kung meron man hindi masyadong maganda, hindi ko naman yun itinatago sa kanya.

"Mas maganda yun na habang tumatagal, hindi naman na kami mga bata na, alam mo yun. Ligawan. Na pa-cute, ganyan.

"Nasa stage na rin siguro ako and siya na kailangan bago ka pumasok sa isang bagay, e, talagang sigurado ka na.

"Seryoso ka na at makilala mo talaga yung tao dahil ang hirap na rin magkamali, di ba?"

IT’S BEA. Masasabi ba niyang si Bea na yung babaeng hinahanap niya?

"Oo. Yun naman ang nararamdaman ko. Siguro, di naman ako magbibigay ng time at effort sa isang bagay na alam ko naman na pagsisisihan ko pagdating ng panahon.

Ano pa ba ang hinihintay nila para umamin?

"Sa ngayon, parang wala pa naman akong pinanghahawakan talaga.

"Basta nag-e-enjoy kami kung anuman yung nangyayari sa amin. And sana, marami pang pangarap, e.

"Marami pa siyang dapat gawin and ayoko ring makagulo and makapekto no’n."

So, si Bea ang nakakapagpasaya sa puso niya?

"E, given naman na yun. Oo. Oo, masayang-masaya ako. Maganda yung nangyayari sa kin, di ba?

"Na may tao akong nakilala na tulad niya. And nakikita ko na sana, hanggang pagtagal kung papalain, siya yung tao na iki-keep mo, eh. Gano’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagpasok niya sa buhay ni Bea, aminado raw ang actress na marami siyang natututunan. Gaya ng paglalaro ng golf.

"Siyempre, nakakatuwa na meron napupulot sa ’yo yung isang tao. Kahit kanino naman, e.

"Kahit sa mga kaibigan lang, di ba? Parang pag meron kang nagawa para sa kanila, kaya ang sarap ng pakiramdam, di ba?"

FOURSOME? Balitang aalis sila sa 26th of this month [July] papuntang Europe para mag-show. Ito yung Kapamilya Caravan. This time, magkakasama raw sila nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez at Bea.

"Ang alam kong makakasama ko... Ang kasama, ako, si Bea, Si Angel Locsin si Diet [Diether Ocampo] ’tsaka si Robin."

Pero, sakaling matuloy na kasama si Mariel, di kaya sila magkakailangan? Ex-girlfriend niya ang TV host na si Mariel at kasama niya ang sinasabing pinaka-close na babae ngayon sa buhay niya. Idagdag pang kasama si Robin Padilla na asawa ni Marielle na leading man naman ni Bea.

"Feeling ko, wala naman... dapat ikailang. Di ba, magkakasama nga kami sa show," matipid niyang sagot.

For Zanjoe, nakatuon daw ang isip niya sa ngayon. Sa kasalukuyan. Kung saan ay kasama niya for the first time sa Paris trip si Bea.

"Excited din ako dahil first time ni Bea na makakapunta ng Paris. And ako bilang nanggaling na do’n [for Lovers in Paris taping]. Masaya rin na meron akong maisi-share sa kanya. Na, ’dito maganda rito. Maganda rito pumunta.’"

Naisip na ba niya kung saan niya ipapasyal si Bea. Or, kung saan romatic place niya ito dadalhin?

"Oo, sana isang gabi. Isang lunch, isang gabi may mapuntahan kaming isang magandang restaurant.

"Meron kaming pinuntahan dati do’n ni Piolo ’tsaka ni KC. Gusto ko siyang dalhin do’n dahil sobrang ganda. Dahil nilibre ako ni Piolo ’tsaka ni KC no’ng time na yun," natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ganda-gandang restaurant doon. May garden sa loob. Yun, gusto kong ipakita sa kanya yun."

Dahil sobrang romantic ang lugar, baka pag-uwi nila ay may nangyari nang marriage proposal, or kung anuman?

"’Wag na, ginawa na ni Tom Cruise do’n, e. Sa Batangas na lang ako," paloko niyang buwelta, kasi sa Eiffel Tower nag-propose si Tom Cruise kay Katie Holmes noong 2005.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN