Bea Alonzo feels Zanjoe Marudo has the qualities of a good husband

Bea Alonzo on why Zanjoe Marudo is good husband material: "Nakikita ko, selfless siya pagdating sa pamilya niya. So, nakikita ko na pagdating sa magiging pamilya niya, magiging responsible rin siya tsaka magiging selfless."


Sabay dumating sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa Diether Ocampo Golf Cup Drive Fore the Youth sa Tagaytay Highlands, Tagaytay City noong Huwebes, July 21.

Galing si Bea sa taping ng Guns and Roses at sinasabing wala pa siya halos tulog. But with Zanjoe beside her, di mo makikitaan ng antok ang rumored girlfriend ng binata.

Sa naunang interview namin with Zanjoe, inamin nitong si Bea nga ang nakakapagpasaya sa kanya.

"O, tama!" natatawang pagsang-ayon naman ng dalaga.

"Confident," hagikhik pa nito.

So, ano ang ibig sabihin ng statement ni Zanjoe at sagot niya?

"I don’t know," sabi naman ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

"What you see is what you get. I mean, we enjoy being together.

"I mean, siguro wala naman kaming dapat ipaliwanag. Parang kung nasaan kami ngayon, masayang-masaya kami.

"Ako, marami akong nadi-discover about him. At marami din siyang itinuturo sa akin.

"And nakakatuwa kasi hindi kami nagiging hindrance sa paggu-grow ng isa’t isa."

So, ano na lang ang kulang sa kanilang samahan?

"Ano bang kulang? Wala naming kulang. Kumpleto naman. Masaya naman," sabi ng young actress.

So, it’s safe to assume na sila na?

"Ay, assuming lang kayo!" tawa niya. "Assuming lang kayo do’n. Why would you want to assume?

"Just leave it like that. Gano’n lang. Let’s all be happy."

According to Zanjoe sa earlier interview namin, kung anuman yung meron daw sila ni Bea ay masaya siya. Ayaw niyang mag-decide nang pabigla-bigla.

"Siya talaga yung magdi-decide?" natatawa namang sabi ni Bea.

Pero nag-agree naman siya after maisip niyang it wasn’t Zanjoe deciding na sila na.

"Tama yung sinasabi niya na di namin pinaplano yung mga bagay.

"Even yung sabihin na nating mga romantic moments or siyempre merong mga gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi namin pinaplano. Like ’eto, yung pagiging involved ko sa golf.

"It’s not as if ginawa ko ’to for me to be with him all the time. Or, para makisali sa mundo niya.

"I did it because I wanted to do it. For myself. So, yung gano’n.

"Parang sumusunod lang kami sa agos. Sumusunod lang kami sa fate."

HER DESTINY? Mukhang maayos ang kanilang samahan at walang nababalitang awayan nila. Masasabi ba ni Bea na si Zanjoe na ang kanyang destiny?

"Too early to tell. I don’t know if he’s my soulmate or if it’s destiny.

"But as of now, somehow nararamdaman ko na dinadala naman kami ni Lord sa tamang direksiyon. Kasi we’re both happy."

Paano niya ide-describe ang relationship nila ngayon?

"A, walang pressure. As in day by day, walang expectations walang...

"Hindi naman walang expectation. I mean, I don’t expect him to be someone that he’s not.

"Yung gano’n. Siya din, gano’n. Yung parang nagugustuhan ko siya for who he is. Yung di niya kailangang mag-pretend to be someone that he’s not."

Characteristic ni Zanjoe that she likes?

"He’s unpretentious. And I think he’s keeping me grounded. Kasi, di ba, parang minsan sa showbiz makakalimutan mo?

"Minsan meron kang aura na artista ka. Yung gano’n na poprotektahan mo yung sarili mo. Na minsan, di ka naman magpu-put ng mask.

"Kahit na malungkot ka, kailangan mong maging masaya para sa lahat ng tao.

"Siya, tinuturuan niya ako na maramdaman kung ano’ng dapat kong maramdaman, kasi nararamdaman ko yun.

"Nagiging mas tao ako dahil sa kanya," sabi ni Zanjoe.

So, she’s hoping na si Zanjoe na ang "the one" for her?

"Siyempre sa bawat tao na makikilala mo, magdadaan sa utak mo, e, na, ’Siya na kaya?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre ayaw mo naman yung madaming tao na magdaan sa buhay mo, di ba? Lalo na kung babae ka.

"So, oo minsan nagdadaan sa utak ko na, ’Eto na kaya yung taong binigay ni Lord?’ Yung gano’n.

"Pero siyempre, hindi ka magse-settle na siya na yun. Eto na yun.

"Siyempre hayaan mo na akayin ka [ng kapalaran] kung saan ka dadalhin."

SETTLING DOWN. Ilang taon na ba siya? Di pa ba niya naiisip mag-settle down?

"I’m turning 24. So if you’re talking about getting married or settling down, we’re far from that," sabi ni Bea.

Magkakasama sila ni Zanjoe para mag-show sa Europe this July 26 para sa Kapamilya Caravan. According to Zanjoe, super excited daw siya.

Ayon naman kay Bea, "Excited ako kasi first time kong mag-France. First time kong mag-Paris.

"Walang definite kung saan kami pupunta pa, but most probably, lalabas kami ng Paris."

Sabi rin ni Zanjoe na he’ll treat her to a romantic dinner in Paris.

"Oo nga daw," sambit naman ni Bea.

"Sinabi nga rin niya sa kin ’yan. Sobra kasing excited ako.

"Di ba, nag-shoot na sila [do’n] ng Lovers in Paris? So, ang tagal niya do’n. Nalibot niya yun.

"Sabi ko, ’Saan ba maganda do’n? Saan yung shopping-an?’

"Siyempre una kong tanong yung shopping-an. Siyempre sabi niya, ’Huwag kang masyadong mag-shopping don, mahal.’

"Dalhin kita... May sinasabi siyang kung saan sila nag-dinner. Yung cast ng Lovers in Paris. Di ba, si KC [Concepcion] tiga-roon? Parang nadala rin siya nila KC, nila Piolo.

"’Isang restaurant na may garden.’ Sabi niya, ’It’s very romantic.’ Yun naman yung gusto ko sa kanya.

"Talagang dinadala niya ako sa mga places na I’ve never been to. Especially mga restaurants.

"Di ba, it’s always nice na ide-date ka sa hindi lang usual na lugar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Or, dahil narinig niya na fancy restaurant yun. Gusto ko yung mero’ng effort na mag-research or alamin kung saan talaga yung magandang restaurant."

Baka dahil sa sobrang romantic ng place ay do’n mag-propose ng marriage si Zanjoe?

"Ano ba," natatawa niyang sagot.

"Sabi ko nga sa inyo, we’re far from that. Wala. Wala pang gano’n.

"Depende sa ring!" pabiro niyang pahabol.

"Kung matatakpan siguro hanggang dito [buong ring finger]," tawa niya ulit.

"Wala pa muna, ano ba? Saka ko na isipin ’yan."

Pero nakikitaan naman niya ng magagandang qualities si Zanjoe para masabi niyang magiging mabuting asawa ito?

"Oo. Kasi parang ano ko naman kasi siya, e. Nakikita ko, selfless siya pagdating sa pamilya niya.

"So, nakikita ko na pagdating sa magiging pamilya niya, magiging responsible rin siya tsaka magiging selfless.

"So, that’s one of the qualities na nakikita ko, kung bakit magiging responsible siyang... husband.

"Parang di ko mabanggit. Wala pa talaga. Ini-enjoy ko muna."

So, ano yung reason bakit mukhang magkasundung-magkasundo sila?

"No’ng makilala ko rin naman siya... No’ng mag-start kaming maging close, parang we were on the same page. All the time.

"So, parang ang ganda. Kasi lahat ng eperiences namin together — like gusto ko ring mag-try ng other things. Like golf. So, same page.

"When he wanted to travel sa New York, we were on the same page. Yung mga ganon.

"Parang nagkakataon talaga. Nagkakataon na lahat ng gusto niyang gawin or kung saan mang estado sa buhay niya, nando’n din ako."

Masasabi ba ni Bea na halfway na sila from the getting-to-know-you stage?

"Sana hindi pa. Kasi mas excited akong makilala yung maraming-maraming bagay involving him.

"Maraming-marami pang mabuti at masamang qualities. Sana wala pa sa kalahati kasi magiging boring na kung mag-e-end na siya."

So, bakit sila nagki-click?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang bagay rin yung he’s older than me. He has experienced a lot of things.

"Tsaka, di ba, kasi nag-dorm siya early age pa lang? So very responsible na siya.

"Ako nag-work ako at the age of 13, pero di ba dito sa showbiz, di ba, marami pa ring... Parang ano ka pa rin, e... parang sheltered ka pa rin kasi nandiyan yung Star Magic. Ipa-pamper ka nila. Yung staff ng ABS [CBN]."

After ng Guns and Roses, according to Bea ay mag-start nang mag-grind ang pelikula niya under Star Cinema na malamang ay ipalabas bago matapos ang taon.

Maganda rin ang rating ng kanyang teleserye with Robin Padilla kaya masayang-masaya raw siya. Pero iba raw ang ligayang dala ni Zanjoe sa puso niya.

"Oo, nagpapasaya siya ng puso ko at nagpapahaba rin siya ng hair ko," pagtatapos ni Bea sa interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN