Jericho Rosales takes acting and directing classes in New York; wants to penetrate international scene

Asked to comment on rumored marriage plans of ex-girlfriend Heart Evangelista and Daniel Matsunaga, Jericho Rosales says: "I cannot comment on that, sobrang seryoso nun. Sa akin naman walang masamang tinapay sa akin, basta masaya siya, I’ll be happy for her."



Bago pa man lumipad pa-New York noong July 21 si Jericho Rosales para sa dalawang buwang pag-aaral ng directing at acting, iginawad sa kanya last Sunday sa ASAP Rocks ang platinum award para sa album niyang Change under Star Records.

Nang maka-usap ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday si Jericho sa ASAP, hindi maipaliwang ng actor/singer ang saya sa karangalang natanggap dahil alam niya na patunay lamang ito na hindi siya nagkamali na sugalan ang pagkanta. Noon ay marami ang kumukuwestiyon kung mayrooon pa ba siyang lulugaran sa pagkanta lalo’t mas kilala siya bilang isang mahusay na aktor.

"Masarap ang pakiramdam sa pagsuporta sa akin bilang singer, bilang writer. Alam mo ’yun na naging parte ako ng pag-produce ng album na ito and I have a very good partnership with Star Records and nagkaroon ng bunga ’yun.

"Happy ako, nag-o-overflow na. Mamaya pa ito magsi-sink in sa akin, kasi siyempre platinum record award. Sa isang artista, lalo na kunwari sila Martin Nievera, Gary V, Pareng Piolo, sila Yeng, maliit lang siguro ito, pero for me achievement ito.

"Saka ang sarap ng pakiramdam kasi before, ang daming kumontra sa akin, kumbaga hindi ako suportado ng syento-porsyento ng halos lahat. Kahit ’yung mga followers ko, nag-alangan sila, but nagpapasalamat pa rin ako sa kanila kasi tinulungan pa rin [nila] ako.

"Nagpapasalamat talaga ako sa kanila mula sa puso ko. Sa lahat ng bumili ng album, pumili ng mga kanta, nag-download ng mga songs even sa mga nakasama ko sa music video. I’m very happy. Maraming, maraming salamat talaga, it means a lot."

Mainit din ang pagtanggap ng tao sa I Dare You. Patunay nito ang mataas na ratings na natanggap ng show sa unang linggo pa lang nitong airing.

"Thank you, kasi yung first week namin, as in panalo yung ratings namin, thank you, thank you. Ito’y isa sa mga pinakamahal na mahal kong show. Isa siyang sukli ng show namin, ’yung fulfillment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang hirap siyang gawin, pero talagang pagkatapos ng bawat episode, mararamdaman mo ’yung fulfillment. Mararamdaman mo ’yung lessons pumapasok talaga siya sa puso at utak ng tao. Nakikita mo ’yung mga challengers, mga Bida Kapamilya, na nagkakaroon ng buhay na ipinagpapalit nila ng isang araw.

"Bilang hosts, kami nila Iya, Melai, andami naming nabi-build, yung character namin, yung mga ugali namin and I’m really happy, so glad na tinaggap ko ’yung show na ’yun.

"Para sa akin, ito pala ’yung silbi ng nakaraan ko. Mayroon akong naisip na kung ano ang nakaraan mo hindi ikaw ’yun, isa lang ’yun sa mga parte na bumuo sa iyo. Ang maganda, ako rin pala ang kakanta ng theme song simula next week."

Bago umalis ang aktor nung Thursday, tinanong namin siya kung bakit kinakailangan pa niyang mag-aral ng acting gayong ang husay-husay naman niyang aktor.

"Mawawala ako for eight weeks lang naman, mag-aaral ako ng directing saka ng acting. Siyempre kailangan para sa akin, dapat constant ang learning, hindi siya dapat natatapos, dapat tuloy-tuloy siya. Kunwari binigyan ako ni Lord ng opportunity, let’s say here or abroad, prepared ako, I’m ready. Kumbaga isa lang itong paghahanda."


Di naman tinago sa amin ni Echo na nandun pa rin talaga sa puso niya ang ma-penetrate ang international scene.

"When you say gusto mong i-penetrate, for me pupunta ka dun, kailangan ng maraming prayers, kailangan ng maraming opportunities.

"Hindi siya ganun kadali, hindi siya ’yung basta-basta, dun walang palakasan. Kailangan malakas kang magdasal and when you get the opportunity, kailangan mayroon kang weapon, prepared ka.

"That’s why pangarap ko ’yun e, and I believe na pag mayroon akong desire sa puso ko and I pray that the Lord bless my desire, ibig sabihin sa Kanya galing ito. Sa kanya galing ang desire ko at ibe-bless niya ’yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After his breakup with SNN corespondent Chesca Litton, wala nang nabalitang girlfriend ang aktor.

Kamakailan nga ay lumabas ang balita na nakita raw si Echo na ka-date si Marie Digby; agad naman itong idineny ng aktor.

"Matagal na ’yung sinasabing lumabas kami at hindi lang kami nun, marami kami. Kami ni Marie, we’re friends, we’re only friends."

At hindi man natuloy ang isang pelikula na pagsasamahan sana nila ng ex-girlfriend na si Heart Evangelista at Dennis Trillo, open na daw si Heart na makatrabaho muli si Echo.

Hiningan namin ng reaksyon tungkol dito si Echo at sa bali-balita na maaaring mauwi sa kasalan ang relasyon ni Heart with current boyfriend Daniel Matsunaga.

"Okay lang ako dun, we’ll see, right project, right timing. Regarding sa pagpapakasal daw nila, I don’t know. No comment unless marinig ko talaga from her.

"I cannot comment on that, sobrang seryoso nun. Sa akin naman walang masamang tinapay sa akin, basta masaya siya, I’ll be happy for her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN