Hubert Webb goes back to school; wants his life story made into a movie

Hubert Webb (above) confirms that Donna Villa and director Carlo J. Caparas talked to him about the possibility of making his life story into a movie.

"Yeah! I heard. Way before... they asked me. Way, way back," Hubert says. But the showbiz couple have yet to contact him.


Nagulat ang lahat sa pagsulpot ni Hubert Webb sa birthday party kagabi ng entertainment columnist at TV host na si Cristy Fermin na ginanap sa Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City.

Matapos kasi siyang mapawalang-sala bilang isa sa mga suspek sa Vizconde massacre, inakala ng marami na naging anti-social na siya at ayaw nang maglalabas. Fifteen years din kasi siyang nakulong kaya siyempre, hindi maiaalis na manibago ang anak ni dating Senador Freddie Webb sa takbo ng buhay sa labas ngayong laya na siya.

Halatang medyo naiilang si Hubert nang lapitan ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media para ma-interview. Hindi sa ayaw, kundi talagang naninibago lang siya siguro.

Unang nausisa sa kanya ’yong tungkol sa pagsasa-pelikula ng life story niya. Hindi pala aware si Hubert na may napapabalitang gano’n.

"Wala pa," aniya. " Sana nga merong mag-offer kasi kailangan ko ng ano... e," pera ang ibig niyang tukuyin.

Pero di ba dati, nagpahayag na ng interes ang mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo Caparas sa pagsasapelikula ng buhay niya?

"Yeah! I heard. Way before... they asked me. Way, way back."

So what happened?

"I don’t know. They haven’t contacted me yet, e."

But he welcomes the idea ng pagsasapelikula ng kanyang life story?

"Of course! Bakit hindi?

"Maganda na malaman ng mga tao talaga kung ano ang situwasyon natin dito. Kung ano ang naging buhay ko. Kung ano ’yong mga dinanas ko."

Kumusta na ba ang takbo ng buhay niya? Bumabalik na ba sa normal?

"Oo. I’m going to school na.

"I’m learning about cars... mekaniko. After that, hopefully, if I do well, I’d probably open my own shop. Di ba? Kasi since before pa, iyon ang gusto ko."

Bakit ba pagmi-mekaniko ang nagustuhan niya?

"E, kasi since I was small, mahilig na ako sa cars. And... oo nga, medyo late na ang pag-aaral ko, ’no?" natawang sabi pa ni Hubert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero at least, it’s never too late sa kung ano ’yong dream mo, di ba?"

Saan ba siya nag-aaral?

"I’m not gonna tell you," nangiti niyang tugon. "I don’t wanna tell you. Basta... I’m already studying.

"Bale... second course ko na. Kasi ano ’yan, e... parts ’yan, e. For one year and a half.

"Yes. Parang vocational course lang siya. Pero pagkatapos ko, chief mechanic na kaagad ang rank mo. Kasi kumpleto.

"That way... kasi in business naman, you have to start from the ground, di ba? At kailangan may knowledge ka."

Kung meron siya ngayong sobrang ipinaninibago sa buhay outside prison, ano kaya ito?

"’Yong traffic! Three hours ako papunta rito. Grabe!" natawa na naman si Hubert.

How is his lovelife naman?

"Okay naman."

Sinong date niya? Meron kasing non-showbiz girl siyang kasama na dumistansiya sa kanya nang lapitan na siya ng media.

"Buti nga hindi n’yo kinunan. Kasi bawal, e. Pero meron na," may lovelife siya ngayon ang ibig niyang sabihin.

"Hopefully next year, we’ll get married. Kung tatanggapin niya kapag nag-propose na ako," panghuling nasabi ni Hubert bago pinuntahan ang kanyang girlfriend na nasa isang sulok at hawak kamay silang pumasok sa loob ng Zirkoh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN