Derrick Monasterio opens up about his tween love, Bea Binene: "Opo, type ko po talaga siya."

Hindi itinantanggi ni Derrick Monasterio na among the female cast of Tween Academy Class of 2012, si Bea Binene ang ina-admire niya. Aware din siya na ang ka-loveteam ni Bea ay si Jhake Vargas.

"Basta ako naman po, hinihintay ko lang na maging okay ang lahat. Tuma-timing lang. Kung gusto niya si Jhake, okay fine, basta po ako, naka-suporta lang ako sa kaibigan," Derrick says.


Kung maalagaan nang husto ang Kapuso star na si Derrick Monasterio, with his good looks and height, he is a promising star.

Yun ang opinion ng marami sa entertainment press na dumalaw sa last shooting day ng Tween Academy Class of 2012 sa kanilang prom scene sa Republiq at The Resorts World.

According to Derrick, hindi raw niya puwedeng sabihin na sikat na siya dahil pareho pa rin daw siya nang dati.

Aniya, "Kasi po ang mga barkada ko, katulad pa rin nang dati, maloko pa rin kami. Wala namang nakakapuna. Okay lang naman po."

Bukod sa Tween Academy Class 2012, kasama rin si Derrick sa Sinner or Saint. So far, nag-e-enjoy raw siya sa kanyang ginagawa.

"Lalo na po rito sa Tween Academy kasi po, sobrang enjoy lang po at yung bonding po namin."

Hindi naman itinantanggi ni Derrick na among the female cast of the teleserye, si Bea Binene ang talagang ina-admire niya. Aware din siya na ang ka-loveteam ni Bea ay si Jhake Vargas.

Aniya, "Basta ako naman po, hinihintay ko lang na maging okay ang lahat. Tuma-timing lang. Kung gusto niya si Jhake, okay fine, basta po ako, naka-suporta lang ako sa kaibigan."

Paano kung ang maging desisyon ni Bea ay si Jhake?

"Dapat po, kapag papasok po kayo sa ganyang relationship, ready lang po kayo sa mga positive at negative."

One thing nice about Derrick is his honesty. Nang tanungin namin ito kung talagang type niya si Bea, mabilis niyang sinabi, "Opo, type ko po talaga siya."

Pero dugtong din niya, "Pero hihintayin ko na lang po kung kailan siya ready, kung kailan free na kami."

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na binigyan ni Derrick ng bouquet of flowers at Lacoste bag si Bea. May okasyon ba para sa mga regalo?

Aniya, "Wala pong okasyon. Dumadaan po kasi ako sa mall tapos nakita ko po, wow, lavender, favorite color niya ’to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, "Dapat po kasi, dadalhan ko lang siya ng pagkain, tapos, nakita ko nga po ’yun sa isang mall."


Anong naging reaction ni Bea?

"Ngumiti lang, sabi niya, ’Wow, thank you naman.’"

At sa pagiging open ni Derrick sa feelings niya, aminado ito na nakatanggap siya ng mga negative comments lalo na sa loveteam nilang dalawa.


Aniya, "Sinasabihan po. Kaya nga po nag-distance na rin po ako. Sinasabi nila na Jhake is for Bea and Bea is for Jhake. Huwag ka nang sumali, parang ganoon."

Nag-usap naman daw sila ni Jhake about his intentions for Bea.

"Sabi ko, ’Pare, alam mo ba, type ko si Bea.’ Sabi niya, ’Ah, talaga? Sige ligawan mo na!’ Ganyan pa ’yang si Jhake. Pero deep inside, napi-feel ko na nahe-hurt si Jhake. Biniro ko pa, ’O, sige, walang sisihan ha,’" natatawa niyang sabi. "Pero siyempre, naiintindihan ko naman po na loveteam sila."

Fifteen years old si Derrick at 13 years old naman si Bea.

Ano ba ang nagustuhan niya sa tween star na si Bea at ito ang nataypan niya among the Tween cast?

"Ano po siya, e, nakikita ko po sa kanya na parang nagdya-jibe po ang ugali po namin. Tipong kung ano po ang gusto ko, ’yun din po ang gusto niya. At saka, adventurous siya."

What if, paratangan siyang nanggagamit lang siya para mapag-usapan?

Mabilis naman ang sagot niya, "Siyempre po, ipu-prove ko sa kanila na hindi totoo ’yun. Like kay Bea po, bibigyan ko po siya ng time na mag-focus sa loveteam niya."

Ang talagang ka-loveteam ni Derrick ay si Lexi Fernandez. Pero ayon kay Derrick, sila raw ni Lexi ay talagang friends lang. Tinanong namin siya na hindi kaya na-o-offend si Lexi bilang ka-loveteam niya?

"Ay hindi po, todo-kantiyaw pa nga po ’yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN