Jhake Vargas puts love on hold, says his priorities are his mom and career: "Willing naman po akong maghintay sa tamang panahon at sa tamang edad."

Jhake Vargas (above) says there is no competition between him and fellow tween stars Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, Elmo Magalona, Kristoffer Martin, and Alden Richards who are in the cast of Tween Academy: Class of 2012.

"Lahat kami dito magkakasundo, lahat kami magkakaibigan," says Jhake. Produced by GMA Films, the movie opens in cinemas on August 24.


Ayon kay Jhake Vargas, walang kumpetisyon sa kanila ng mga boys na tween stars sa pelikula ng GMA Films na Tween Academy: Class of 2012.

"Lahat kami dito magkakasundo, lahat kami magkakaibigan," says Jhake nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, July 21 sa shooting nila sa Republiq sa Resorts World Manila.

Ang mga tween boys na kasama rin sa movie na ipapalabas sa August 24 ay sina Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, Elmo Magalona, Kristoffer Martin, at Alden Richards.

Kahit daw yabangan ng mga gamit o patalbugan sa eksena ay wala sa kanila.

"Wala po, wala po kaming iniisip na ganun. Ang iniintindi lang talaga namin trabaho, kung ano po yung binibigay or ipinapagawa sa akin ni direk [Mark Reyes] sa movie, yun lang, wala namang patalbugan na ganun. Yung labanan sa mga damit? "Wala namang ganun. Pormahan? Wala pong ganun."

Kahit yung tipikal na hilig ng mga young boys ngayon na patalbugan ng sasakyan or kuwentuhan na kotse ang topic ay wala sila.

Si Jhake ay nakapagpundar na ng sarili niyang sasakyan.

"Alam ko po meron na rin sila, meron si Kristoffer, si Alden meron, si Derrick meron din, sa nanay niya."

Ang black Starex ni Jhake ay...

"Sarili ko pong ipon, brand new, medyo hinuhulug-hulugan ko pa po. Kinuha ko last year, nung June bago ako mag-birthday."

Siya ang nagmamaneho?

"Minsan ako po nagmamaneho, minsan si Tito Noli, driver ni Kuya Germs."

Ang Master Showman na si Mr. German Moreno o Kuya Germs ang manager ni Jhake.

Pinakamalayo na niyang na-drive?

"Baguio po, balikan po yun."

Ang pinaka-close ni Jhake among the tween boys...

"Si Kristoffer kasi po medyo magkalapit lang kami ng bahay, malapit lang din sa Olongapo kaya si Kristoffer ang close ko.

"Pero lahat naman po nagba-bonding pero minsan po kasi busy yung iba so hindi gaano, pero si Kristoffer yung pinakanaunang nakilala ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ni Joshua ang pinagbabangga in terms of popularity pero hindi raw sila naaapektuhan nito.

"Hindi naman, okay naman po, hindi kami nagkukumpetisyon, wala namang ganun. Pareho lang din kaming nagtatrabaho ni Joshua, mabait si Joshua, wala naman akong nakikitang negative kay Joshua."

Magkakaroon na ng solo show si Jhake at ang ka-loveteam niyang si Bea Binene, ang drama series ng GMA na Pahiram Ng Isang Ina. First show nila ito ni Bea na sila ang bida.

"Opo, first nga po. Hindi pa po kami nagsisimula.

"Opo, may pressure kaya kailangan naming paghandaan ni Bea kasi nga heavy drama, tapos Joel Lamangan pa kaya kailangan lagi kaming naka-focus sa mga gagawin namin para sa show.

"Baka itong August po ang start ng taping."

GIFT FOR BEA. Si Joshua nagbigay ng diamond earrings sa ka-loveteam nitong si Barbie Forteza. Si Jhake ano na ang naibigay kay Bea?

"Naku, Tito, wag ninyo akong tanungin," ang natatawang reaksyon ni Jhake sa tanong namin.

"Wala pa akong nareregalo kay Bea. Mahirap lang ako e," at muling tumawa si Jhake.

"Hindi tulad ni Joshua kaya niya diamond earrings.

"May ibibigay ako dati sa kanya, hindi lang natutuloy, ewan ko ba, laging nade-delay."

Si Bea daw ay may naibigay na sa kanya.

"Yung binigay sa akin ni Bea, jacket na itim nito lang birthday ko."

July 9 ang birthday niya.

UPDATE ON MOM. May rason si Jhake kung bakit wala pa siyang naireregalo kay Bea.

"Nag-iipon kasi ako, halos lahat po napapunta kay mama, yung naiipon ko."

May colon cancer ang ina ni Jhake.

Kumusta na ang mama niya?

"Okay naman po nasa bahay po siya nasa... ayun lagi pong nakahiga. Malaki na rin po kasi yung pinagbago ng katawan niya, e."

Gumrabe ba ang kundisyon ng ina niya?

"Medyo. Medyo nakakalbo na siya. Dati akala ko matatag yung buhok ni mama, ngayon hindi na. Akala ko hindi malalagas, nalagas din pala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bahay nila sa Olongapo nakatira ang ina ni Jhake.

"Opo, kaya pag wala po akong taping o shooting umuuwi po ako sa Olongapo."

Ayaw raw ng ina niya na sa Manila tumira.

"Gusto po ni mama sa Olongapo kasama po niya mga kapatid ko na nag-aalaga sa kanya tapos papa ko, siya rin ang laging nag-aalaga."

Kaya hindi na siya sinasamahan ng ama niya sa taping or shooting.

"Hindi na po, kasi si mama na po binabantayan niya."

May ikinuwento pa si Jhake tungkol sa pagkakasakit ng kanyang ina.

"Actually four years ago po, sinabihan na siya na four months na lang daw siya. Four years ago yun sinabi ng doktor.

"Kaya, sobrang thankful po kami, hindi naman pala lahat ng sinasabi ng doctor, totoo.

"Ngayon po bago na yung doktor ni mama. Nakaka-recover naman po, minsan, basta kailangan lang i-continue yung mga gamot na ibinigay sa kanya.

"Malaki ipinagbago niya dahil lagi nang nakahiga.

"Iyon nga po after four years iba na yung katawan ni mama, dati nakakasama ko pa siya sa taping, nakakahalubilo pa sa mga tao sa taping. Ngayon hindi na siya puwedeng umupo, laging nakadapa."

Humina ang ina niya pero tumatagal ang buhay.

"Habang tumatagal, siyempre nandun po yung pamamayat ni mama. Sobrang payat ni mama siguro po ang binti niya ganito na lang siguro," sabay hawak ni Jhake sa braso niya.

Siya lang ang gumagastos para sa mama niya kaya thankful si Jhake na marami siyang trabaho.

"Kailangan po talaga, e."

Bukod sa movie nila ay nasa Master Showman Presents Walang Tulugan at Party Pilipinas si Jhake.

"Siyempre si Kuya Germs andiyan din para tulungan ako."

Kaya kahit gusto niya si Bea, hindi muna panliligaw ang inaatupag ni Jhake.

"Medyo ano po muna, hindi po muna, ang priority ko kasi ngayon si mama muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman ni Bea na ang mama ko ang priority ko ngayon.

"At alam ko naman po na bata pa si Bea, na ang priority rin niya ang career niya, ang pag-aaral niya.

"Ako naman po ang mama ko at career. Willing naman po akong maghintay sa tamang panahon at sa tamang edad," pahayag pa ni Jhake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN