Ervic Vijandre and Rich Asuncion confirm they are "exclusively dating"

Is Survivor hunk Ervic Vijandre (above) courting actress Rich Asuncion?

"Hindi ko alam kung nanliligaw, e. Hindi ko nilalagyan ng ganun, e. Basta walang label, basta masaya kaming nagha-hangout," he says.



Hindi itinatanggi nina Ervic Vijandre at Rich Asuncion na lumalabas sila at nag-e-enjoy sila sa isa’t isa, pero hindi pa naman daw nila masasabing sila na.

Ayon kay Rich, "As of now exclusively dating, pero di naman ako para as in yun na."

"Puwede din naman kami mag-date ng iba. I mean, di naman kami pa."

Dagdag na kuwento ni Rich, nagkakilala raw sila ni Ervic sa event ng Elite Manila, ilang linggo na ang nakararaan.

Inimbitahan daw siya ni Raymond Gutierrez kasama ang best friend niyang si Maxene Magalona.

Magmula nun ay madalas na raw sila nagtatawagan at sinusundo raw siya ni Ervic sa bahay para lumabas.

Kaya naipakilala na niya ang Survivor hunk sa kanyang magulang.

Ganun din naman daw si Rich, naipakilala na rin daw siya ni Ervic sa magulang nito.

Kaya raw siya pumayag na lumalabas sila ni Ervic ay dahil nakikita naman daw niyang napakabait nito.

Ani Rich, "Mabait siya. Marami kaming sobrang daldal, kaya yun.

"Lagi kumu-quota ’yan ng tsika sa akin. Masaya lang talaga siyang kasama. Marami kaming napag-uusapan, very light lang and hindi pa namin naiisip yung seryosong bagay tulad ng relationship kung yun ang itatanong n’yo sa akin," natatawang sabi ni Rich sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Halos ganun din ang kuwento ni Ervic tungkol sa kanila ni Rich, pero matagal itong nag-isip nang tinanong namin kung nililigawan na ba niya ang Boholanang aktres.

"Hindi ko alam kung nanliligaw, e. Hindi ko nilalagyan ng ganun, e. Basta walang label, basta masaya kaming nagha-hangout," medyo naaalangan niyang sagot.

Ano nga ba ang nagustuhan ni Ervic kay Rich?

"Si Rich kasi, sobrang simple, sobrang mabait.

"Kasi nga, kaibigan ko rin yung mga kaibigan niya, same group of friends kami at tinutukso kaming dalawa."

Matagal din bago sila nakasagot sa tanong namin kung malaki ang posibilidad na ma-develop sa mas malalim na relasyon ang kanilang closeness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon kasi hindi namin iniisip yun. Basta nag-e-enjoy lang kami kung ano yung mangyayari. Basta yun lang muna, hangout lang kami ganun.

"Ayoko rin munang sabihing nanliligaw kasi pag ganun parang iba yung dating di ba?" sabi ni Ervic.

Ayon naman kay Rich, "It seems he’s special to me, pero siyempre dapat manggagaling pa rin sa kanya yun.

"Pero kung magiging ganun nga in the future, e, di maganda. Kasi, yung friendship namin ngayon, sobrang okay. Sobrang yung connection namin as friends. Yun nga, marami kaming napag-uusapan."

Sa bandang huli naman ng pakikipag-usap ng PEP kay Ervic, inamin naman niyang posibleng ma-in love siya kay Rich.

"Puwede naman, e, puwede naman siguro," napapangiting saad ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN