Alden Richards explains why Sam Pinto is his crush: "Yung title niya na FHM’s sexiest woman hindi mo makikita sa kanya kasi very down-to-earth at humble siya."

Ironically, wala pang kopya si Alden ng FHM magazine kung saan may sexy pictorial si Sam. Bakit hindi siya bumili?

"Kasi po yung lola ko po e, pag nakitaan po ako, sermon." He has plans to get his copy soon, though. "Magpupuslit po ako, papapirmahan ko sa kanya."


Itinanggi ni Alden Richards na naging vocal siya sa pagsasabing crush niya si Sam Pinto para huwag magmukhang kawawa.

Ang ka-loveteam kasi niyang si Louise delos Reyes ay kay Enzo Pineda nali-link.

"Hindi po! Kasi kung yun lang naman po yung rason, sana po before pa, nung nag-start po yung Enzo and Louise. Kung ganun po talaga yung nararamdaman ko, sana noon pa sinabayan ko na po sila.

"Pero hindi po, e, talagang crush na crush ko lang talaga si Sam," pahayag ni Alden nang nakausap ng PEP sa Republiq sa Resorts World-Manila sa shooting ng Tween Academy: Class of 2012 ng GMA Films.

Hindi ba siya naiinis na sila ni Louise ang magka-loveteam pero kay Enzo naididikit ang pangalan ni Louise?

"Hindi naman po. Sabi naman ni Louise... napag-usapan na namin na yung personal life po is hiwalay sa professional, kaya para sa akin, kung nasa trabaho si Louise, focus siya sa trabaho and then pag wala naman siyang trabaho ano po sila... iyon po yung mas magandang paraan para walang pressure po sa both parties.

"Kasi ang hirap magtrabaho na pati yung personal life mo parang nagiging sagabal, nagiging unprofessional po kami pag nangyari yun, e."

Hindi ba siya nag-attempt na ligawan si Louise noon?

"E na-late po siguro ako e, parang naunahan, kaya... kasi ayoko naman pong maging complicated yung sitwasyon kaya somehow nag-give way na po ako."

Noong inunahan siya, bakit hindi siya nakipagsabayan?

"Ayaw ko pong makigulo kasi kung saan naman masaya si Louise parang... susuportahan ko po siya dun para maging okay ang samahan po namin. Mahirap po kasi na parang masaya na yung isang tao tapos guguluhin mo pa."

Ang reaksyon naman ni Alden na mas type daw ni Sam ang older men?

Tumawa muna ito bago sinabing...

"Yung akin lang naman po kasi, yung infatuation ko kay Miss Sam parang school boy crush lang. Parang kasi di ba, FHM sexiest woman [siya] tapos pag nakilala ninyo po kasi si Sam Pinto... nung first time ko po siyang makatrabaho sa Bubble Gang mabait po, e, parang yung title niya na FHM’s sexiest woman hindi mo makikita sa kanya kasi very down-to-earth [at] humble [siya].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos yung pakikisama niya po sa tao is okay po. Iyon po yung parang nagpa-wow sa akin kaya ko siya naging crush."

Ironically, wala pang kopya si Alden ng FHM magazine kung saan may sexy pictorial si Sam.

"Ay, wala po! Pero tumulong naman po ako dun sa pag-vote."

Bakit hindi siya bumili?

"Kasi po yung lola ko po e, pag nakitaan po ako, sermon."

Pero ayon sa binata...

"Magpupuslit po ako, papapirmahan ko sa kanya."

Given a chance liligawan ba niya si Sam?

"Po? Ah hindi ko po masasabi... siguro po, siguro."

Pero sa ngayon raw, crush lamang ang nararamdaman niya para kay Sam at hindi pa niya liligawan.

"Sa ngayon po, parang... hindi ko pa po makikita na ganun kasi, sa ngayon, naka-focus po ako sa career, e. Kasi ang dami nga pong dumarating na blessings, parang mahirap sayangin.

"I’m sure, iyon rin naman ang point of view ni Sam, na trabaho muna and then yung personal life siguro puwede in the latter part na lang po yun."

Limang taon ang contract ni Alden sa GMA 7, at tatlong pelikula ang ginagawa niya ngayon.

"Ito pong Tween Academy: Class of 2012 kay direk Mark Reyes, tapos may Ang Panday 2 din po ako. Taong dragon po ako dun, one of the good guys.

"Naka-costume po ako na parang superhero. Tapos yung horror movie naming na The Road kay Direk Yam Laranas. Ang cast po si TJ Trinidad, Carmina Villarroel, Marvin Agustin, ako po, si Lexi, si Derrick [Monasterio], si Louise po at si Rhian Ramos."

Okay lang kay Alden ang super-fit niyang taong dragon na costume sa Ang Panday 2?

"Kung iyon po yung required."

Payag siyang magpaseksi?

"Siguro po sa ngayon po, hindi muna kasi parang wala pa po sa panahon kasi kulang pa po ako sa katawan, parang hindi pa po ako ready magpa-sexy pero open naman po ako sa ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung kukunin siyang endorser ng underwear?

"Puwede po, why not? Pero kapag ready na po ang katawan ko, magpapaganda muna po ako nang husto ng katawan. Sa ngayon po kasi medyo nahinto ako sa pagwu-work-out dahil sa mga trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN