Barbie Forteza and Joshua Dionisio give each other expensive gifts but insist they’re "just friends"

Barbie Forteza will turn 14 on July 31. She prefers to buy a car than throw a birthday bash.

"Hindi naman po kasi ako mahilig sa party. Parang gagastos ka ng sobrang laki para lang sa isang araw. Parang mas gusto ko po na bumili ng pang mas mahabang gamitan, like kotse," she says.


Halos lahat ng Tween Hearts stars ay nagagandahan at nagwa-gwapuhan sa eksenang sinu-shoot nila para sa upcoming movie, ang Tween Academy Class of 2012, sa Republiq at Resorts World in Pasay City.

Ang prom night ang biggest scene sa pelikula na pinu-produce ng GMA Films. Natural, ang buong cast ay kailangan sa prom-night scene.

Bago mag-take, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na dumalaw sa shooting si Barbie Forteza. Ayon dito, excited na raw siya dahil malapit na mapanood ang movie na Tween Academy Class of 2012.

"Sobrang excited na kinakabahan. Kasi, marami ang nagsasabi na iba ang pelikula sa TV show [Tween Hearts] dahil talagang magbabayad na ang mga tao para mapanood ka.

"Kaya hindi pareho ang pagtrato sa pelikula at sa show. Medyo kinakabahan ako at the same time, excited ako. Kasi, parang naglaro lang kami, parang ang saya-saya lang at natural lahat ang ginawa namin."

Dugtong pa niya, "Pero sana po, yung mga sumusuporta sa TV show namin, ganundin sa pelikula. Katulad po ng sinabi ko kanina, kinakabahan po ako kasi iba ang sa TV show sa pelikula.

"Hindi po ako confident, pero, naniniwala ako sa mga fans ng Joshbi [Joshua Dionisio at Barbie], na kahit sa set, kahit sa taping, palagi silang nagpa-promise na papanoorin kami. Hindi naman sa confident, pero naniniwala ako sa mga Joshbi," ang sabi ni Barbie.

So far, wala pa raw siyang nababalitaang bagong show nila ni Joshua, pero, on her part, kasama siya sa pelikulang The Road.

Solo-produced ng GMA Films ang Tween Academy Class of 2012. Ibig sabihin, malaki talaga ang paniniwala ng network sa grupo nila.

"Sabi nila, parang ngayon lang nangyari ang ganito. Masaya po kasi, sa amin nila inilaan ang pagkakataong ito at ibinigay naman po namin ang best namin. Naglaro kami kasi siyempre teens kami, pero at the same time, nagta-trabaho kami. Kapag trabaho, trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ni Joshua?

"Okay po, sobrang okay," nakangiti niyang pahayag.

Wala bang nabago sa kanila lalo pa nga’t maugong ang pagkaka-link ni Joshua sa kasama rin nila na si Julie Ann San Jose?

Mabilis naman niyang sagot, "Wala po! Nandiyan nga po si Julie Ann. Okay naman po kami."

Wala yung feeling of threat?

"Wala po. Si Julie po kasi, mabait. Maganda ang boses niya, maganda siya. Kung gusto naman niya si Julie Ann, okay lang naman sa akin yun. Ibig kong sabihin, wala naman akong karapatan na pagbawalan siya kasi, we’re just friends."

Friends lang nga ba sila? Ano’t may regalo na diamond earrings si Joshua sa kanya?

Natatawang sabi naman ni Barbie, "Ewan ko. Nagulat nga lang ako nang ibinigay niya sa akin sa Showbiz Central."

May nagsasabi na baka gimmick lang daw ang pagbibigay ng diamond earrings para mas lalong mapag-usapan ang loveteam nila.

Gulat naman ang reaction ni Barbie, "Gimmick? Paanong naging gimmick ’yun?"

Mahal daw ang diamond earrings and yet, kini-claim nilang hindi sila mag-boyfriend.

"Yun nga po yun, mahal nga po, so, bakit niya ibibigay sa akin kung gimmick lang? Bakit masyadong pag-e-effortan, ’di ba?" ang sabi ni Barbie.

Ano naman ang naramdaman niya noong ibinigay nga sa kanya?

"Una, nagulat ako kasi, hindi namin napag-usapan yung mga regalong ganyan. Minsan, nagbibiruan kami. ’Uy, walang mga regalo.’ Bigla niyang inilabas [ang diamond earrings] at walang nagsabi sa akin sa SC na may ganoon pala. Nagtawanan lang kami at sabi ko, ’Seryoso, thank you. Hindi ko akalain na ganito ang ibibigay mo sa akin.’

"Sabi niya, bumawi na lang daw ako."

Actually, yung huling regalo naman ni Barbie kay Joshua ay bike. Kung tutuusin, they both claimed na wala silang relasyon and yet, bakit nga ba ganoon sila kagalanteng magregaluhan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nakasanayan. Dati kasi sa First Time, nagbigay siya sa akin ng watch. Noong una, kumot ang binigay ko, parang nahiya ako. Tapos hanggang sa nagtuloy-tuloy na yung ganoon."

Iling ang isinagot ni Barbie nang seryoso namin siyang tanungin kung nililigawan na ba siya ni Joshua. At the age of 13, puwede na ba siyang ligawan?

"Puwede, pero ayoko. Basta ngayon, super-close kami na friends."

Sa kanyang palagay, anong age siya ready to enter a relationship?

"Hindi ko pa rin po alam, kasi sa ngayon, nagkakaroon po ako ng crush. Pero love, parang hindi pa ako ready."

Aminado si Barbie na ang crush niya ay sina Daniel Matsunaga at Dennis Trillo.

Sa tagal nilang magkasama ni Joshua, ano kaya ang mararamdaman niya if ever na one day, she finds out na may iba itong nililigawan or may girlfriend na?

"Magiging masaya ako para sa kanya. Siguro, konting-konting lungkot lang kasi hindi na kami puwedeng mag-bonding na ganito kasi siyempre, kailangan niya ng time para sa girlfriend niya. Parang mami-miss ko siya, yung ganoon," ang sagot ni Barbie.

Barbie will turn 14 on July 31. Pero wala raw siyang plano to have a party.

Aniya, "May Party Pilipinas po kasi no’n. Siguro po, after that, baka po magpunta lang sa MOA, manood ng sine, kumain, ganoon po. Hindi naman po kasi ako mahilig sa party. Parang gagastos ka ng sobrang laki para lang sa isang araw.

"Parang mas gusto ko po na bumili ng pang mas mahabang gamitan, like kotse."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN