Yasmien Kurdi willing to forgive Baron Geisler: "Basta aminin niya lang ang kasalanan niya and mag-sorry lang siya"

"Nagkataong nakapag-rehab na siya and siguro alam na rin niya yung pagkakamali niya. Siguro sa ngayon, tanggalin na lang muna natin yung pride, di ba? Huwag yung pride papairalin kundi yun... mag-forgive lang," says Yasmien Kurdi about Baron Geisler (inset).


Hindi na naman sumipot si Baron Geisler sa pre-trial ng kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi dalawang taon na ang nakararaan. Ginanap ang pagdinig noong Miyerkules, July 20, sa Bocaue Regional Trial Court.

Sa panayam ng StarTalk TX kay Yasmien, sinabi nitong isiningit lang niya sa kanyang pagdyu-duty bilang intern nurse ang pagsipot sa korte.

Ayon naman sa abugado ni Yasmien na si Atty. Ferdinand Topacio, "Ang sabi nila ay nagkamali daw sila noong pagbigay ng dating address sapagkat wala silang direct contact kay Ginoong Geisler.

"Ngayon, nangako sila na tama na yung address nung rehabilitation center na ibinigay nila, at nangangako rin sila na sa October 5 ay siguradong darating na si Ginoong Geisler.

"Sapagkat sinabi na nung Huwes na pag hindi nila dinala ay maaaring magkaroon ng kaparusahan.

"Ito ay talagang abala sa panig niya [Yasmien], lalo na ngayon, e, nag-aaral siya ng nursing at may duty siya."

Sabi naman ni Yasmien, "Actually, ang hirap din kasi it’s... Bulacan pa po ’to.

"Mabuti naman ang kalooban ko, intindihin na lang natin kung may problema pa siya [Baron]."

WILLING TO FORGIVE. Paniwala naman ni Yasmien, maaaring ang pagsasailalim ngayon ni Baron sa rehabilitation ay malaki ang maitutulong sa pagbabago nito.

"Nagkataong nakapag-rehab na siya and siguro alam na rin niya yung pagkakamali niya.

"Siguro sa ngayon, tanggalin na lang muna natin yung pride, di ba?

"Huwag yung pride papairalin kundi yun... mag-forgive lang.

"Alam ninyo, mabuti naman po kaming tao, hindi naman po kami ano...

"Ako, madali akong magpatawad and all, basta aminin niya lang ang kasalanan niya and mag-sorry lang siya.

"Hindi sa akin, e, hindi lang sa akin mag-sorry, mag-sorry siya... mag- public apology siya sa mga abala na nangyari."

NURSING STUDENT. Sa kasalukuyan ay abala si Yasmien sa kanyang pag-aaral ng Nursing sa New Era University College of Nursing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun, duty, duty. Ospital, ayan , health center, duty, ayan. Sa mga pre-natal, post-partum, yung mga nanganganak, delivery room, ganyan, lying-in, ’yan.

"’Tsaka gusto ko po talagang makatapos ng pag-aaral. Yung magagamit ko sa pamilya ko, magagamit in the society, magagamit ko sa mga tao, sa community.

"Hindi rin naman po biro ang magpaaral or nagpapaaral ng sarili, di ba?

"So, ayun, tiis-tiis lang po muna hanggang makatapos po ng pag-aaral."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN