Manny Pacquiao willing to donate some of his property to build houses

"Ngayon, maganda ang buhay [ko], at gusto ko na ibabalik yung iba sa pamamagitan ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan," says Sarangani congressman Manny Pacquiao.


Na-appoint ang Pambansang Kamao at Sarangani congressman Manny Pacquiao bilang ambassador ng Habitat for Humanity, isang non-government organization na nagtatayo ng tirahan para sa mga kapus-palad.

"Sumali ako Habitat for Humanity dahil alam ko, naniniwala ako, na mas marami silang matutulungan, mas marami akong matutulungan.

"Ngayon, maganda ang buhay [ko], at gusto ko na ibabalik yung iba sa pamamagitan ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan," pahayag ni Manny sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX.

Dubbed as the "Habitat Hero Ambassador," sisimulan ni Pacman ang pagtulong sa kanyang home province, Sarangani.

"Three hectares yung nabili ko, at may mga lupa pa tayong malalaki na puwede kong ibigay sa mga tao.

"Kailangan nating i-share at willing akong i-donate sa kanila yung ibang lupa ko para may sarili silang tahanan at magawan ng bahay."

May lumabas namang isyu na mas mahal umano kaysa sa tunay na presyo ang nabili niyang bahay sa Forbes Park sa Makati.

"Wala akong idea about properties, e. Kung nalamangan man ako, e, di kasalanan ko yun, nagpalamang ako," sagot niya.

Binabatikos din ang pound-for-pound king dahil sa madalas nitong pag-absent sa sesyon sa kongreso.

Paliwanag naman ni Manny, "Hindi lang siguro nila ako nakikita sa floor, but palagi ako sa opisina dahil maraming mga tao na pumupunta."

Sa kabila ng mga intriga, inspirado pa rin ang People’s Champ dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa bago niyang game show sa GMA-7, ang Manny Many Prizes.

"Salamat sa lahat ng mga sumuporta sa Manny Many Prizes. Masaya ako na tumutulong sa ating mga kababayan," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN