Dra. Vicki Belo says it is Hayden Kho who wants a pre-nuptial agreement

"Matagal na niyang sinasabi yun, e. Kasi ang ayaw niya na everybody thinks na he’s asking for money, so gusto niyang tapos na ang question na yun," says Dra. Vicki Belo about Hayden Kho’s decision for them to have a pre-nuptial agreement.


Magkasamang umalis kahapon, July 24, patungong Amerika ang magkasintahang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Pero nakausap muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dra. Belo sa gala premiere ng Rakenrol ng anak niyang si Quark Henares, na ginanap sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines noong nakaraang Sabado, July 23.

Ayon kay Dra. Belo, isa sa pakay ng kanilang biyahe ay maghahanap sila ng lugar na pagdadausan ng kanilang kasal.

Pagkatapos ng engagement, pinag-uusapan na nga nila ang tungkol sa kasal.

Hindi raw ngayong taon kundi sa susunod pa, pero hindi pa masasabi ni Dra. Belo ang eksaktong petsa.

"Naghahanap kami ng place na very private, very personal and very exciting," pakli ni Dra. Belo.

Pagkatapos sa Amerika, tutuloy raw sila sa Peru dahil pupuntahan daw nila ang Machu Picchu na isa sa paborito nilang puntahan.

Isa yun sa kinu-consider nila na pagdausan ng kasal, pero hindi pa masasabi ni Dra. Belo kung saan talaga.

Ang tiyak, hindi rito sa Pilipinas.

Ang gusto lang daw talaga nila ay very private ito na kung saan makakasama lang nila ang pamilya at malalapit na kaibigan.

HER CHILDREN. Kahit sinasabi ng dalawa niyang anak na suportado nila ang kanilang ina dito, aminado si Dra. Belo na hindi pa ito natatanggap ng anak niyang si Cristalle.

"Si Cristalle talaga, wala pa. Hindi pa ako naka-breakthrough diyan.

"Pero I’m sure, if we pray hard enough, mangyayari yun," sabi ni Dra. Belo.

"I’m hoping kasi... of course, I want everybody to be happy.

"It’s hard to have negative feelings in a relationship like this, and we’re such a very close family.

"Especially now, sobra kaming close, kaya masakit siya. Masakit na hindi pa nag-a-accept pa rin.

"Si Quark naman, ang bait, na nung kinausap ko siya... Kasi he’s the man of the family na pinuprotektahan ako lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tama naman ang sinabi niya na, ’Kapag saktan mo ang nanay ko, papatayin na kita!’

"Kaya sabi ko, ’Darling, hindi nakakatulong kaya, please, kung mahal mo ako, huwag mo nang gawin ’to.’

"So, nag-apologize naman siya. Tinawagan niya si Hayden na sa kanya nanggaling yun na nag-apologize.

"At least he was such a man to do it for me.

"Si Cristalle, I don’t know... Wish me luck, baka umiyak na naman yun!"

Ang pakiusap ni Dra. Belo, sana bigyan naman daw ng pagkakataon si Hayden na intindihing sincere ito sa kanyang alok na pagpapakasal.

Ayon pa sa cosmetic surgeon, "I’m apprehensive to enter into this. I’m sure kahit si Hayden, takot din.

"Pero ang ganda talaga, kasi he wants to make things right.

"We’ve been together for six years and it’s embarrassing.

"Minsan nga, sinabi ko sa nanay ko na, ’Mommy, nahirapan na ako pumunta sa Mass. Hindi ako maka-communion. Parang nahihiya ako sa Diyos.’

"Sabi ko, ’Understand na lang, na sana naman with His blessings, it will work, di ba?’

"So, wish me luck everybody."

PRE-NUPTIAL AGREEMENT. Ipinagmamalaki rin ni Dra. Belo na noon pa man, mismong si Hayden na raw ang nag-insist na magkaroon sila ng pre-nuptial agreement.

"I’m so proud kasi si Hayden talaga nag-insist nun, e. Sabi niya sa akin, ’We had to have a prenup.’

"He told the lawyer na medyo apprehensive sila kasi parang hindi sila naniniwala.

"So, siya na ang nagsabi, ’Ito ang gusto ko, lahat ng pera ni Vicki, whatever she earns now and in the future, kanya lang yun. Whatever is mine is ours.’

"So, happy ang lawyer, nag-smile."

Dagdag pa ni Dra. Belo, "Separation talaga kasi minsan, may mga tao na gumagamit kay Hayden para pahirapan ako. ’Dapat separated kasi ayoko magamit ako para kay Vicki.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I felt safe and secure when he did that.

"Matagal na niyang sinasabi yun, e. Kasi ang ayaw niya na everybody thinks na he’s asking for money, so gusto niyang tapos na ang question na yun.

"Sabi pa nga niya, ’Let Atom [Henares, Vicki’s ex-husband] make the pre-nup.’ Pero Atom naman is not comfortable.

"Pero alam naman namin na pre-nup is to protect my children also, na ang kanila ay para sa kanila pa rin.

"Sana ma-appreciate naman ng kids ko na may sincerity dun. So, I feel really good.

"Kasi sayang, e, he’s becoming such a man.

"Alam mo when I met Hayden, para siyang boy talaga.

"As of now, mamang-mama na. Malaki ang ipinagbago.

"Sana naman bigyan n’yo ng chance.

"I’m not asking you to love him now.

"I’m just asking you to have an open mind and watch him kasi malaki na talaga ang ipinagbago," pahayag ni Dra. Belo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN