Luis Manzano clarifies rumored PDA with Jennylyn Mercado

"Well, if you consider beso... I mean, common sense, di ba? Hindi ko siya ilalagay sa ganoong sitwasyon. Kung may PDA man na usapan, sana kami na lang ni Billy. Kasi mas malambing pa kami ni Billy, on cam pa yun, ha!" says Luis Manzano about his rumored public display of affection with Jennylyn Mercado.


Marami ang nakakita nang dalawin ni Jennylyn Mercado ang napapabalitang kasintahan niya na si Luis Manzano sa taping ng ABS-CBN talent show na Pilipinas Got Talent sa AFP Theater noong Martes, July 19.

Ayon pa sa ilang mga nakakita, panay raw ang "public display of affection" o PDA ng dalawa.

Nasundan pa nga ng camera ng The Buzz nang hinatid ni Luis si Jennylyn sa van, at gayundin nang diumano’y magyakapan ang mga ito at naghalikan.

Kaya naman sa rehearsal ni Luis para sa ASAP Rocks ay nakausap ito ng The Buzz at tinanong tungkol sa sighting na ito sa kanila ng Kapuso actress.

"Okay, para malinaw ang lahat, meron lang hinatid sa akin si Jen.

"At nagkataon lang na since nandoon naman na siya, kilala naman niya sila Billy [Crawford, Luis’s co-host], pinilit ko na siyang bumaba. Just to say hi lang naman. So, pinilit ko siyang bumaba.

"She said hi and right after that, not even more than five to ten minutes, ni hindi na niya nakita sila Direk Bobet [Vidanes], kahit sino sa staff, wala siyang nakita.

"Pumasok siya sa area, pero sa studio, hindi talaga," lahad ni Luis.

Sinagot din ni Luis ang isyung diumano’y nagpi-PDA sila.

"One thing kasi, hindi po kami nagpi-PDA," diin niya.

"Siyempre, I’m with the lady, kailangan kong alalayan sa likod.

"Baka iniisip naman nila, PDA agad or hinahawakan ko ang likod paakyat."

Yung naghalikan daw sila?

"Well, if you consider beso... I mean, common sense, di ba? Hindi ko siya ilalagay sa ganoong sitwasyon.

"Kung may PDA man na usapan, sana kami na lang ni Billy. Kasi mas malambing pa kami ni Billy, on-cam pa yun, ha!

"So, sana mas may isyu na lang kami ni Billy," sabi ng TV host-actor.

Pero ano na nga ba ang totoong ugnayan nila ni Jennylyn, lalo pa nga’t may mga ganoong isyu na naglalabasan na sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, I’ll be very honest, diretsahan, kahit sinong tumingin sa akin, ’Kayo ba?’

"Hindi talaga. We’re still dating.

"I don’t see any point in covering up and I’m not gonna expound on things.

"Ang pakiusap ko lang, I’ll only answer things na nasagot ko na dati or, at least, defend a person dahil nga may mga lumabas na isyu na sobrang PDA kaya ako nagsasalita ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN