Bianca Manalo on current relationship with John Prats: "Wala kaming natatapakan, walang nasasaktan, yun ang mahalaga."

"Bilang babae may mararamdaman ka, di ba, ganun naman yun. Kung kaibigan, kaibigan, pero alam mong may kilig-kilig. Nag-usap naman kami [ni John], hindi naman daw niya kailangang magsalita, ipapakita na lang daw niya," says Bianca Manalo about John Prats.


Nagsimula sa tuksuhan ng mga kasamahan nila sa Happy Yipee Yehey!, marami ang nakakapansin na mukhang nade-develop na sina Bianca Manalo at John Prats sa isa’t isa.

Marami ang nagulat nang maghalikan, kahit nasa magkaibang screen, ang dalawa sa episode ng noontime show ng ABS-CBN last Thursday, July 21. Patunay lamang daw ito na mukhang may namumuo nang espesyal na relasyon sa dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa beauty queen turned TV host-actress, kapansin-pansin ang mga pahayag ni Bianca na bukas na talaga siya ngayon sa posibilidad na maaaring mauwi sa totohanan ang panunukso sa kanila ni John ng mga co-host nila sa Happy Yipee Yehey!.

"Masaya kami, nag-e-enjoy kami sa company ng bawat isa," sabi ni Bianca.

"Dati naman magkaibigan na kami ni John, madalas kaming nagkukuwentuhan as a group—kami nina Mariel [Rodriguez], nila Matteo [Guidicelli]...

"Hindi naman na dalawa lang kami na nagkukuwentuhan nang masinsinan.

"Yung mga problema ko, yung mga problema namin sa buhay, alam nina Mariel ’yan, nila Matteo.

"Siguro ngayon lang lumalalim ang pagsasama naming lahat kasi nagtatagal yung show, and ngayon namin nakikilala ang bawat isa."

Dagdag pa niya, "Basta okay kami ni John.

"Siyempre yung asaran namin sa ’Ikaw ang Bida,’ sa dulo nun, after nun, nagkakatanungan kami, ’O, ano ang asaran na ’yan?’ Ganun lang po.

"Group kami, lagi kaming group. Kunwari, minsan nagkataon na lumalabas kami ng kaibigan ko, lumabas sila ni Angelica [Panganiban], since kilala ko naman si Angel, so nagsama-sama kami, hindi yung kaming dalawa lang. "

Pero okay lang ba sa kanyang lumabas na sila lang dalawa ni John?

"Kung yayayain niya na kaming dalawa lang, siguro papayag ako.

"Puwede naman kasi wala namang mali," sagot ng dating Bb. Pilipinas-Universe.

THE ISSUE. Aminado naman si Bianca na nakatulong nang malaki ang issue na pinagdaanan nila ni John para higit silang mapalapit sa isa’t isa. Ang isyu ay ang pagkakadawit ng pangalan ni Bianca sa breakup noon nina John at Rachelle Ann Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro mas naging close kami ngayon dahil sa napagdaanan namin, dahil naman dun yun," sabi niya.

"Nagkaroon ng issue before, so everytime na nadadawit ang pangalan ko, kini-clear niya sa akin yun, nagso-sorry siya, ’Pasensiya na, nadadamay ka.’

"Yun siguro, ngayon lang kami mas nagiging close sa isa’t isa since nga nung nagkaroon ng issue, parati niya akong kinukumusta.

"As a girl, mada-down ka talaga pag nadadawit ka sa isyung hindi maganda.

"Alam ko naman na hindi ako dapat magpaapekto, kasi alam ko namang walang katotohanan.

"Pero ang pangit lang talagang tingnan bilang isang babae.

"Siya [John], andiyan siya para umalalay lang na ’pasensiya ka na,’ ganun lang, hanggang sa nagkakausap na kami."

Patuloy niya, "Siyempre, nakaka-touch kasi alam kong nirerespeto niya ako bilang babae.

"Nalulungkot siya na nadadawit yung pangalan ko sa ganun, na alam namin na wala namang katotohanan."

THE BRACELET. Ipinakuwento rin namin kay Bianca ang bracelet na ibinigay raw sa kanya ni ni John sa isang episode ng Happy Yipee Yehey!.

"Alam ninyo, twineet ko na ’yan para maklaro ko lahat," sabi niya.

"Yung mga supporters ko, naghahanap-hanap ng pictures kung anong klaseng bracelet, kung paano isinuot, ano ba talaga ang istorya kasi naging big deal siya.

"May task kasi sa ’Ikaw ang Bida’ na isuot mo ang bracelet sa sampung single na tao.

"Nag-react kami ni Mariel, ako, sabi ko, ’Single ako, suutan ako ng bracelet!’

"Humirit siya [John], ’A, gusto mo, sige, sige.’

"Bago mag-end yung episode ng Happy Yipee Yehey! that day, dumating siya sa studio, isinuot niya sa akin ang bracelet, tuksuhan naman.

"Ayun, naging malaking issue na asaran lang namin yun."

Pero aniya, "Siyempre na-touch talaga ako. Ikaw ba naman bilang babae hindi ka mata-touch?"

Hindi ba siya nagtaka sa ginawa ni John? May nararamdaman ba siyang espesyal na talagang ipinapakita sa kanya ang aktor, lalo na’t inamin nito na may crush siya kay Bianca?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam," sagot niya.

"Ang hirap magsalita na sabihing, ’Oo, type niya ako.’

"Darating din naman ’yan, nararamdaman ko naman din na iba.

"Bilang babae may mararamdaman ka, di ba, ganun naman yun.

"Kung kaibigan, kaibigan, pero alam mong may kilig-kilig.

"Nag-usap naman kami [ni John], hindi naman daw niya kailangang magsalita, ipapakita na lang daw niya."

JOHN’S GOOD TRAITS. Ayon kay Bianca, sa tagal na niyang walang boyfriend ay hindi na niya maalala kung paano ba siya ligawan.

"Sa akin kasi, kung maipapakita ng isang lalake ang pagiging thoughtful, yung sincerity niya, may respeto siya sa babae, may takot sa Diyos, kaya kang panindigan, kaya kang alagaan...

"At nakikita ko naman yun sa kanya [John]," sabi niya.

Anu-ano pa ba ang mga katangian na nagugustuhan niya kay John, so far?

"Sobra siyang family-oriented, sobrang malapit siya sa magulang niya, sa mga kapatid niya, bilang panganay pa siya sa pamilya nila.

"It’s every girl’s dream na makita mo yung lalake, panganay pa, na napakalapit sa magulang, sa nanay niya.

"Hindi siya yung tipo ng lalake na barumbado, rebelde, at maraming bisyo.

"Kinukuwento sa akin nina Mamang [Pokwang], Mariel, na-meet na raw nila ang pamilya ni John.

"Minsan tumatambay si Mariel dati sa bahay nila, so inaasar nila ako, ’Na-meet mo na, na-meet mo na?’

"Si Mamang, nakatrabaho si John before. Nakukuwento lang nila sa akin na grabe daw ang pamilya nun.

"Saka sa pagkuwento sa akin ni John pagdating sa pamilya niya, kung paano sila, hanga ako sa close family ties nila base sa kuwento niya."

Sa pananaw ng iba ay bigla na lang iniwan ni John si Rachelle Ann na wala man lang kaalam-alam ang singer na break na pala sila nito.

Hindi ba nagwo-worry si Bianca na baka maulit lang ito sa kanya?

"Bakit ko naman iisipin, wala pa naman kami sa ganyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako ngayon, masaya lang kami. Hindi ko kailangang isipin ang mga ganyan kasi magkaibigan lang kami.

"Nag-e-enjoy ako, masaya kami. Ang sa akin, masaya kami.

"Wala kaming natatapakan, walang nasasaktan, yun ang mahalaga," sabi ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN