Solenn Heussaff dated a guy from Singapore before joining Survivor Philippines

"When I came back [from Survivor], and then, he came to see me and parang I wasn’t feeling it na," says Solenn Heussaff about her reason for dumping his suitor, whom she went out with for almost three months.


Bagamat noong pang Miyerkules, July 20, ang kaarawan ni Solenn Heussaff ay patuloy pa rin ang selebrasyon niya.

Kahapon, July 24, sa showbiz talk show na Showbiz Central, ay naimbitahan si Solenn sa "Correct or Reject" portion ng palabas.

Doon ay tinanong siya ng ilang trivia mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.

Sa isang VTR na ipinakita, nabanggit ang kaibigan niyang si Lovi Poe na dalawa pa lang ang naging kasintahan ni Solenn.

Ang una raw ay tumagal ng apat na taon, samantalang ang pangalawa’y sa isang half-Irish, na tumagal ng dalawang taon.

Pero ang gumulat sa lahat ay nang sabihin sa VTR na may naka-date ang aktres bago pa siya sumali sa Survivor Philippines Celebrity Edition.

Dito’y "correct" ang naging sagot ni Solenn, ngunit hindi niya pinangalanan ang lalaki.

Nang tanungin siya ng host na si Raymond Gutierrez kung anong nangyari, naging kaswal lang ang sagot ng dalaga.

"Parang ibang tao na ako nun. Parang I got bored lang," wika niya.

Gayunpaman, magkaibigan pa rin daw silang dalawa, at paminsan-minsan ay nagkakausap.

Dagdag niya pa, "[I’m] super single and free to mingle!"

Kaya naman ang mensahe niya sa mga kalalakihan: "Stop waiting, boys!"

Takot daw kasi siyang iwanan ng kanyang magiging kasintahan, lalo pa’t busy ang kanyang schedule dahil sa pagpasok sa showbiz.

Paliwanag niya, "Kaya ko sa sarili ko [na magkipagrelasyon].

"Pero I think the guy would just be turned off tapos... Baka he would leave me."

BIRTHDAY CELEBRATION. Matapos ang interview niya sa naturang palabas, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn.

Dito’y naikuwento niya na may trabaho siya sa mismong araw ng kanyang birthday.

"I was shooting a commercial," saad niya.

"I just had work, and then I went home and had sinigang sa bahay.

"It’s my favorite food!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda ang takbo ng career ni Solenn ngayon. Mula nang matapos ang Survivor Philippines Celebrity Edition noong nakaraang taon, naging sunud-sunod ang kontratang pinirmahan niya.

At ngayon buwan, sunud-sunod ding nakikita ang mga pinaghirapan ni Solenn.

Nitong July 6, nag-showing ang remake ng classical ’80s film na Temptation Island, kung saan nakasama niya sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, at Rufa Mae Quinto.

At ilang linggo lang ang lumipas, nag-launch naman ang kanyang self-titled album, na may carrier single na "Fire," na original song ni Bruce Springsteen.

Sa mga biyayang ito kay Solenn, ano pa ba ang mahihiling niya sa kanyang kaarawan?

"I’d like to be fluent in Tagalog!" natatawang sagot ng half-French actress.

"Then like, one day a week free, so I can learn Tagalog, and then have rest."

LOVE LIFE. Binigyang-linaw rin ni Solenn ang tungkol sa Singapore-based na kanyang naka-date bago siya sumali sa Survivor Philippines Celebrity Edition noong nakaraang taon.

Sinabi niyang siya ang nagdesisyong ihinto na ang halos tatlong buwan na nilang pagde-date.

"Mga three months or something [lang yung pagde-date namin].

"When I came back [from Survivor], and then, he came to see me and parang I wasn’t feeling it na."

Kaya naman para kay Solenn, wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya.

"He lives abroad," bulalas niya.

"Now I’m in showbiz, walang time tapos [nasa] Singapore pa [siya].

"So, even if we had something, parang [it’s] hard."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN