Zoren Legaspi and ex-flame Ruffa Gutierrez still enjoy rapport in their work relationship

"Si Carmina pa nga ang nagsasabi na okay pa rin kaming tingnan na magkapareha ni Ruffa, e. Kahit si Tita Annabelle [Rama, nanay ni Ruffa], sinasabi niya na may kilig pa rin kami ni Ruffa on screen," says Zoren Legaspi about his continuing rapport with ex-girlfriend Ruffa Gutierrez.


Nadadalas ang pagiging guest co-host ni Zoren Legaspi sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed. Last Sunday, July 24, nga ay si Zoren ulit ang nag-pinch-hit para kay Mo Twister.

Kaya naman ang tanong agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zoren pagkatapos ng airing ng Paparazzi ay kung posible bang maging regular na siya sa show.

"Ang problema ko nga pag kinuha na ako dito, hindi na si Tita Cristy [Fermin] ang madedemanda, puro ako na!" pabirong sagot ni Zoren.

"Dahil matapang din kasi akong magbulgar, e. Basta totoo, sabihin mo sa akin, ibubulgar ko."

Gusto niya bang maging regular sa Paparazzi?

"Well, sa ngayon mas maganda yung pinch hitter kaysa sa regular. Kasi baka nga ma-trouble ako pag regular, e.

"Baka kung anu-ano ang masabi ko linggo-linggo."

RUFFA GUTIERREZ. Kumportableng mag-guest co-host si Zoren sa show dahil kaibigan naman niya lahat ng hosts na sina Cristy, Mo, Dolly Anne Carvajal, lalung-lalo na ang ex-girlfriend niyang si Ruffa Gutierrez.

Marami nga ang nakakapansin na may kilig factor pa rin daw sa kanilang dalawa ni Ruffa. Ano ang masasabi niya rito?

"Kasi wala kaming inhibitions sa isa’t isa, e. At saka wala naman kaming pinag-aawayan o hinanakit sa isa’t isa kaya makikita mo maganda yung rapport naming," sagot niya.

Si Ruffa rin ang unang nagtatanggol sa kanya sa show kapag may negative issue sa kanya. Tulad ng pagsasabi ng actress-TV host na mapapatunayan niyang hindi bakla si Zoren.

"Siyempre, thankful ako kay Ruffa," sambit niya.

"Pero alam mo pag lalaki ka, hindi ka worried kung anuman ang lumabas na sasabihing gay ka, or malansa ka, or nabisto ka.

"Kasi mamamatay nang kusa iyan kapag totoong lalaki ka, e.

"Pero maganda rin yung minsan merong nagtatanggol sa iyo, di ba?

"Kasi magkaibigan naman kami ni Ruffa. Dumating kami sa point na we can protect each other pag merong nang-aapi sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa closeness nila ni Ruffa, meron bang selos factor ang asawa niyang si Carmina Villarroel?

"I’m sure meron, ayaw niya lang sabihin sa akin!" biro ni Zoren.

"Hindi, si Carmina pa nga ang nagsasabi na okay pa rin kaming tingnan na magkapareha ni Ruffa, e.

"Kahit si Tita Annabelle [Rama, nanay ni Ruffa], sinasabi niya na may kilig pa rin kami ni Ruffa on screen."

FREELANCE ACTOR. Bagamat sumasabak sa hosting ay hindi naman nakakalimutan ni Zoren ang pag-arte.

Last Saturday, July 23, nga ay napanood si Zoren sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN kung saan nakasama niya ang child wonder na si Zaijian Jaranilla.

Pawang positive feedback ang nakuha ni Zoren sa mahusay niyang pagganap bilang tatay ni Zaijian.

"Alam mo simula noong magdirek ako, na-force ako to really perform para pag napanood yun ng ibang artista at idinirek ko sila, kahit paano magkakaroon sila ng respeto sa akin na I know what I’m doing.

"So, tuwing lumalabas ako ngayon sa TV, I make sure I give my 200 percent effort.

"At saka ngayon ko lang na-discover kasi yung meaning ng ’an actor.’ Recently ko lang talaga na-discover siya.

"Kaya pag nagpe-perform ako, all out talaga ako.

"At saka ayokong mapahiya sa mga kumukuha sa akin dahil ibinibigay naman nila yung presyong hinihingi ko.

"So, in return,makita naman nilang worth it naman pala. Kung ano yung value ng binibigay nila sa akin, sinusuklian ko lang sa trabaho ko."

Freelancer daw si Zoren ngayon at hindi siya nakatali sa anumang TV network.

"Mas masaya kasi ako nung patalun-talon," sabi niya.

"Katulad nun si Santino [Zaijian], nakatrabaho ko. Tapos si Nadine Samonte, makakatrabaho ko sa The Sisters sa TV5.

"Pero meron akong ibang soap na gagawin dito sa TV5."

Hindi ba siya in-offer-an ng project ng GMA-7 pagkatapos ng Nita Negrita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa GMA? Kasi naunang mag-offer ang TV5, e, kaya hindi na namin in-entertain. Pero meron sana," sagot ni Zoren.

Wala naman daw siyang bad blood sa Kapuso network kaya puwede pa rin naman siyang bumalik dito.

"NEW KIND OF FILMMAKING". Samantala, nakatakda rin magdirek ng isang pelikula si Zoren. Mas excited nga raw siya rito dahil siya rin ang magpo-produce nito.

"Under process pa lang siya dahil ako yung sumusulat. Kailangan kasi ako ang sumulat, e.

"I want to introduce a new kind of filmmaking. Pero hindi siya art movie, it’s a movie na entertaining, commercial ang dating.

"I will be producing it also," sabi niya.

Plano niya bang ialok ang movie na ito sa established film outfits para mai-release?

"Well, we’ll see. Pero may mga nakausap na ako and willing naman sila.

"But I’d rather do it on my own first at saka ko ipakikita sa kanila pag finished product na.

"Kasi mas gusto ko yung hindi ako pinakikialaman. Kasi otherwise, mapapakialaman ka pagdating sa casting, pagdating sa istorya.

"I just want to test myself din kung kaya ko, kung papasa ba kung ako lang yung gagawa.

"Gusto kong makita rin yung reaction ng mga audience.

"Kasi ang talagang goal ko is really to have my own production, a movie outfit."

May napili na ba siyang artista para sa pelikula niya?

"Sa ngayon, ang sigurado ko pa lang ay si Niña Jose. I like her, she’s sexy.

"Naiintriga ako sa kanya pagdating sa acting.

"Hindi naman ako nahirapang i-convince siya dahil pareho naman kami ng manager, si Manny Valera.

"Nagkausap na kami and she’s willing to undergo heavy workshop.

"Because the movie is not a joke, talagang matindi at mabibigat yung mga eksena."

Wala pa raw siyang nahahanap na leading man.

"Nahihirapan akong maghanap ng leading man dahil yung built ni Niña, malaking babae siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko naman yung tipong liliit tingnan yung lalaki.

"So, gusto ko yung medyo malaking lalaki talaga.

"So far, wala pa akong nakikita.

"Ako yung nakalagay doon sa script, but kung makakahanap ako ng leading man who will suit her, mas okay."

Tungkol saan ang movie?

"Hindi ko pa puwedeng ikuwento now. Pero drama siya, sexy na may action," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN