Vilma Santos confirms movie with Kim Chiu for Star Cinema; denies project with Nora Aunor

Actress-politician Vilma Santos will return to the big screen via a suspense-thriller that will also star Kim Chiu.


Kinumpirma ng Star for all Seasons at Batangas Governor Vilma Santos sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na ang Megastar Sharon Cuneta ang makakasama niya sa susunod na pelikulang gagawin niya under Star Cinema kundi ang young actress na si Kim Chui.

Walang ibinigay na dahilan si Ate Vi kung bakit hindi natuloy ang planong pagsamahin silang dalawa ni Sharon sa isang pelikula. Pero umaasa pa rin naman ang Star for All Seasons na magkaroon din ng pagkakataon na magsasama sila ng Megastar sa ibang proyekto.

"May line-up movie rin yatang gagawin si Shawie na drama. Yung sa amin ni Direk Chito [Rono] with Kim Chiu, suspense horror ito," sabi ni Ate Vi.

Supposedly, second week of July ay magsu-shooting na si Ate Vi for the Star Cinema movie. Pero dahil sa may konting aberya at kailangang harapin ang problema sa Batangas, lalung-lalo na yung "fish kill" kaya naurong ito.

Hopefully last week of August ay mahaharap na ng actress-politician ang shooting ng pelikula niya.

Dagdag pa ni Ate Vi, inaayos pa nang husto ang script ng movie nila ni Kim.

Kakaiba rin daw pareho ang roles nila ay tiniyak niyang magugustuhan ito ng mga manonood, lalung-lalo na ang Vilmanians.

Itinanggi naman ni Governor Vi ang napabalitang pagsasamahin silang dalawa sa isang proyekto ng magbabalik-Pilpinas na si Nora Aunor.

Sabi pa ng premyadong aktres, sa meeting niya with TV5 big boss Manny Pangilinan ay walang nabanggit ang mga ito na kasama ang Superstar sa gagawin niyang proyekto sa Kapatid network.

"Nag meeting na kami with TV5 people but no movie or TV offer with Nora," sabi ni Ate Vi.

MOST INFLUENTIAL. Kasama naman si Governor Vi sa Top 25 most influential leaders in Philippine politics na inilabas ng Philippine STAR.

Nasa No. 23 ang governor ng Batangas.

Kasama niya sa listahan sina President Noynoy Aquino, Vice President Jejomar Binay; Senate President Juan Ponce Enrile; House Speaker Sonny Belmonte; Chief Justice Renato Corona; former Presidents Joseph Estrada and Fidel Ramos; Justice Secretary Leila De Lima; Congresswoman Gloria Arroyo; Senators Chiz Escudero, Miriam Defensor Santiago, Bongbong Marcos, Ping Lacson; Mar Roxas, Loren Legarda; Manny Villar; Gibo Teodoro; and Congressman Manny Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sulit na sulit ang sakripisyong ginawa niya sa napakaraming offers na tinanggihan niya para lang pag-ukulan ng higit na pansin ang trabaho niya bilang public servant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN