Jolina Magdangal says wedding with Mark Escueta will happen late this year or early next year

"Okay lang ako kung early next year. Pero ’wag naman mid next year. Wag naman," says Jolina Magdangal of plans for her wedding with Mark Escueta.


First taping day ng Iglot, ang bagong fantaserye ng GMA-7 sa Barangay Lacquois, Arayat, Pampanga kahapon, July 25.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan para sa bisitahin ang set nitong fantaserye.

Bida sa Iglot sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Luis Alandy, Pauleen Luna, at ipinakikilala ang batang si Milkach Wynne Nacion.

Kapansin-pansing ang lahat ng main cast ay dating Kapamilya stars na namamayagpag naman sa Kapuso network ngayon.

Originally ay sa paanan ng Mayon Volcano dapat kukunan ang mga eksena sa Mt. Arayat, pero dahil nag-uuulan ay minabuting sa Pampanga na lang daw ito ituloy.

May pagkakahawig naman daw kasi ang hugis ng bundok Arayat sa bulkan ng Mayon.

Sa gitna ng mainit na bukirin ng nasabing barangay ang location. May air-conditioned tents naman ang mga artista na nagsisilbing quarters nila pag wala silang eksena, kung saan naman namin nakausap ang ilan sa kanila.

Katatapos ng eksena ni Jolina kaya sa kanyang tent kami unang pinapasok.

Excited ang dalaga sa pagkukuwento sa kanyang role bilang si Ramona.

Masaya rin siya sa muling pagsasama nila ng ka-loveteam na si Marvin at sa mga kuwentuhan nila ni Claudine na kung ite-trace ay parehong nagkasama sa Ang TV noong mga bata pa sila.

Ngayon, ang kuwentuhan ay tungkol na raw sa mga anak ni Clau (nickname ni Claudine) at sa mga plano na ni Jolens (palayaw ni Jolina).

Plano, meaning pag-iisang-dibdib ni Jolina with boyfriend Mark Escueta, drummer ng Rivermaya.

Mauunahan na nga raw siya kasi ng best friend ni Jolina na si Kyla sa pagpapakasal with cager boyfriend Rich Alvarez sa November 28.

Ayon kay Jolina, "Hindi, una talaga si Kyla. In fairness naman kay Ky (tawag niya kay Kyla.). Una siya, e. ’Tsaka si Kyla, noon pa yung [planong pagpapakasal] kay Kyla. Matagal na."

Sila ni Mark, kelan na ang kasal? Sinasabi rin kasing malapit na rin siyang humarap sa altar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa po alam. Basta gusto ko malamig ang panahon.

"At saka ang dami pa munang inaayos. ’Tsaka, totoo yung sabi ni Ky noon.

"Tsaka yung mga ceno-CENOMAR, hindi pala madaling i-apply ’yang mga ’yan. May mga araw ka pang hihintayin.

"Tsaka gusto sana namin ni Marvin..." at bigla siyang natawa sa pangalang nasabi. "Ay, Marvin! Kasi ang gulu-gulo ni Marvin kanina, e.

"Anyway, gusto sana naming ni Mark, pagka ibinigay na do’n sa... Wala pa kasi kaming ano, [wedding] organizer.

"Kasi gusto ko po, pag kumuha na kami ng gano’n [wedding planner], yung ilalatag na lang talaga namin yung ano, kung ano ang gusto talaga namin.

"Kasi feeling ko, pagka umupo pa, tapos ’tsaka lang magsa-suggest. Gugulo ang isip namin.

"Ang gusto talaga namin [ni Mark], eto yung gusto namin. Papa’no natin ito magagawa?"

Ano ba ang plano niyang kasal, garden wedding, kasal sa beach, o sa church?

"Parang gusto ko sana garden. Pero siyempre hindi naman puwedeng ako lang ang may gusto, di ba?

May iku-consider daw kasing weather. Buti sana kung gaya noong kasal nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na nakisama ang panahon.

"Pero, malagkit," comment niya dahil medyo mainit daw noong ikasal ang Songbird at si Ogie. "So, marami talagang iko-consider kaya ayokong madaliin.

"Gusto ko... gusto ko talaga this year. Pero kung sa tingin ko pag this year, e, mag-aaway na kami sa stress ay ’wag na lang po.

"Okay lang ako kung early next year. Pero wag naman mid-next year. Wag naman."

Kung noon ay sa Venice niya gustong mag-honeymoon, ngayon naman ay sa Alaska na raw.

"Kasi tinatanong ako kung ano yung mga lugar na gusto ko. Oo, dream lang.

"Gusto ko talaga Venice, alam n’yo ’yan. Pero sa Alaska yung gusto ko.. Kasi gusto kong makita sa Alaska yung Northern Light."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano yun? Mero’n yatang month. Every first month of the year yata nakikita or last. Parang mga gano’n.

"Ganda! Sobrang ganda sa picture. Picture pa lang. Siguro pag nando’n na mangiyak-ngiyak na ko, ’ang ganda niya!’"

Pagkatapos ng kasal, babalik pa ba siya sa showbiz?

"Oo naman. Kasi si Mark, alam naman niya na gusto ko ’to, e. Although siyempre magkakaroon kami ng mga business, o kung anuman. Ganyan.

"Gusto rin naming magkaro’n ng gano’n. Pero, parang ano lang ’yan, e, ’Wag ka nang magbanda, ha.’ Sasabihin ko bang gano’n? Siyempre, hindi.

"Musikero siya, so alam niya na gusto ko rin ’to. ’Tsaka nasa pagpa-prioritize mo naman yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN