Nora Aunor to arrive August 2, confirms Laguna Gov. ER Ejercito’s camp

Could the long wait really be over? Superstar Nora Aunor is due to arrive in the Philippines on August 2, according to Laguna Gov. ER Ejercito’s camp.


Pagkalipas ng walong taon, kumpirmado na ang pagbabalik-Pilipinas ng Superstar na si Nora Aunor pagkatapos ng ilang ulit na pagkaudlot.

Sa August 2, 2011, Tuesday, mga bandang 5 to 6 a.m. via Philippine Airlines, uuwi na ang Superstar mula sa ilang taong pamamalagi sa Amerika.

July 31, 2011 daw ang flight ng aktres na manggagaling sa Los Angeles, California.

Ito ang kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng publicist ni Laguna Governor ER Ejercito na si Jobert Sucaldito nang makapanayam namin siya kaninang tanghali, July 27, sa presscon ng Maria la del Barrio ng ABS-CBN, kunsaan siya ang moderator ng nasabing event.

THE GOOD NEWS. Matatandaang ang "pasabog" na balitang uuwi ng Pilipinas si Nora ay unang inanunisyo ni Gov. ER sa harap ng ilang entertainment press sa isang Caliraya Lake resort. (CLICK HERE to read related story.)

Nangyari ito a few weeks ago nang amining may offer na raw ang kampo ni Gov. ER sa multi-awarded actress-singer upang mapasama sa cast ng El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story.

Gaganap na Aguinaldo si Gov. ER, at si Nora naman bilang si Maria Agoncillo na second wife ng nasabing bayani.

Ayon kay Jobert, kagabi, July 26, sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan, ay naganap ang mahalagang meeting ng pagkumpirma ng pagdating ng Superstar sa Pilipinas.

Sinu-sino ang present sa nasabing meeting?

"Nandoon sina Suzette Ranillo, German Moreno, Perci Intalan, at Joanne Bañaga ng TV5, Gov. ER Ejercito, Kuya Boy Palma, at iba pa.

"Humabol na lang si Ms. Maileen Enriquez, yung producer ng Cinema Concepts na producer ng El Presidente," tugon niya.

THE DATE. Totoo na nga ba talaga ang pag-uwi ng bansa ni Nora sa pagkakataong ito?

"Oo," pagkumpirma ni Jobert.

"Ate Guy is coming home. August 2 ang dating, mga siguro, 5 or 6 a.m., via PAL, July 31 ang alis niya ng L.A."

Susunduin daw ni Suzette Ranillo ang Superstar mula Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas, July 28, ang alis ni Suzette going to L.A. Mga three days lang daw siya doon.

At pag-alis nila ng July 31 pabalik ng Pilipinas, siguradong bitbit na niya si Ate Guy.

Matatandaang si Suzette at si German "Kuya Germs" Moreno ang mga tumutulong sa pagne-negotiate ng mga projects ni Nora dito sa bansa.

Ngayon ay hindi na lang tungkol sa El Presidente movie, kundi pati na ang TV5 mini-series ang offer sa aktres.

Sabi ni Jobert, "Ang purpose ng kanyang pag-uwi ay [upang gawin ang] isang mini-series with TV5. And magku-contract signing na sila agad on that day [August 2] sa presscon, o upon arrival.

"Kami naman, we’ll start shooting ng El Presidente with her, August 8. She will play Maria Agoncillo, the second wife, of Gov. ER [as Aguinaldo], ha?"

Bakit natagalan ang negotiations with Gov. ER?

"Hindi, kami talaga, ongoing talaga [ang negotiation]. It has always been ongoing.

"Remember, the last time na sinabi ni Gov ER, first week of August?



"So, he was never wrong. August talaga. Most probably first week of August. And ito na nga, August 2. He was not wrong," paglilinaw ni Jobert.



"Kaya lang kasi, marami lang nangyari between [the dates], e, which we don’t understand. Hindi namin alam, e. Na uuwi, hindi naman dumating."



THE CANCELLED FLIGHT. Ano ang naging reaksiyon ni Gov. ER nang mabalitaan niya na noong July 21 na supposedly flight ni Nora, na nabalita na nga sa ilang diyaryo, fan websites, at social networking sites tapos ay kinansela naman ni Nora?



"Lahat naman kami, nabigla," ani Jobert. "Lahat naman tayo.

"Am sure, we all waited for our idol. Kaya lang, for some reasons or another, hindi natin alam kung bakit.

"Basta tayo, ang importante, ang alam natin, darating na siya. Finally!"

Walang alam si Gov. ER sa July 21 flight?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dzBB interview kay Nora mismo ni Kuya Germs a few days back, inamin ng aktres na may taong nagmagandang-loob upang i-book ang nasabing flight. Pero nakansela nga ito, ayon na rin sa report galing sa Los Angeles Airport news department. (CLICK HERE to read related story.)

"Lahat kami, tayo, nababasa lang natin yun. Nababasa lang natin. Nababalitaan.

"Pero, wala naman sa atin yun, e. Because it wasn’t our invitation. So, kebs kami doon. Labas kami doon.


"Tapos, di ba, na-interview si Ate Guy kay Kuya Germs, sabi nga niya, she will make a formal announcement through Kuya Germs.

"Kumbaga, yung mga tao, ’wag naman sila ma-offend, kumbaga, pero ’wag silang maniwala sa mga sabi-sabi.

"It must come from Kuya Germs."

TV5 MINI-SERIES. "Si Kuya Germs kasi ’ata ang nakipag-negotiate sa TV5," patuloy pa ni Jobert.

"So, everything, dadaan lahat dapat kay Kuya Germs. Kumbaga, yung mga balita, yung infos.

"So, final na.

"Malaking balita ito for all the fans, for all of us... Marami kasi talaga ang naghihintay."

Nahirapan ba si Gov. ER sa negosasyon kay Nora?

"The negotiation was something na very professional," saad niya.

"Ako kasi, to be honest, alam naman ni Ate Guy na ang first na in-offer-an [ng role] was Ate Vi (Vilma Santos-Recto), e. But I don’t wanna rub in that issue.

"Since hindi puwede si Ate Vi, I talked to ER. Sabi ko, ’Alam mo, I can’t think of anyone who can do that role perfectly but Ate Guy.’

"Sabi niya, ’Oo nga, ’no?’ Sabi niya, ’Pa’no kaya?’

"E, that time, parating si Suzette. E, kasi, barkada namin si Suzette, pumapasyal.

"Sabi ko, ’Why don’t you talk to Suzette?’ So, kinausap niya si Suzette. Nag-negotiate na."

Noong mga panahon ng negosasyon, ano ang sabi ni Gov. ER?

"Ay, excited siya!" bulalas ni Jobert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’Alam mo, perfect ’yan!’ Wala na siyang inaksayang oras."

Ano naman ang reaksiyon ni Nora noong unang in-offer sa kanya ang pelikula mula kina Gov. ER sa tulong ni Suzette?

"Siyempre, pinag-aralan ni Ate Guy. Tapos, nag-usap sila.

"Tapos, unti-unti, nag-i-email-an. Tapos, finally ay nagkaayos na rin.

"Finally, umoo na si Ate Guy.

"Tapos, tamang-tama naman na si Kuya Germs, may negotiations with TV5. Parang at least, you’re hitting two birds with one stone. So, she comes home to do that."

TV PROJECT. Patuloy niya, "Ang alam ko sa TV5, she will be doing a mini-series. And I heard, puwede na sigurong sabihin ito kasi wala naman sila sinasabi sa akin [na i-off the record].

"Mario O’Hara is directing her [Nora]. Di ba, alam mo naman pag silang dawala? Ang tandem na ’yan, panalo ’yan!"

Si Direk Mario ang naging direktor ni Nora sa ilang classic at critically-acclaimed films niya tulad ng Condemned, Bakit Bughaw ang Langit, at Bulaklak sa City Jail.

"Wala na akong iba pang alam sa TV5 [project," patuloy ni Jobert.

"I heard lang na, I think she will stay. Kasi, mag-e-air sila dapat ng September (2011), e.

"So, she will stay until she finishes the series, until September, unless she stays a little longer. Puro work siya sa August.

"August 2, arrival. TV5 may presscon sa August 2 ng lunch.

"Ako naman, we are working on an August 6 for El Presidente. Hopefully sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite. Inaayos pa nila kung puwede."

MOST EXCITED. Sa walong taong pamamalagi ng Superstar sa Amerika, ano ang pakiramdam ni Gov. ER na siya ang makakapagpabalik sa isang Nora Aunor upang gumawa uli ng pelikula sa bansa?

"He’s most excited," sabi ni Jobert. "Naku, he’s very, very excited. Sobra!

"Hindi niya ma-contain ang kaligayahan niya. Sabi niya sa akin ’yan. Parang bata, na tuwang-tuwa na finally magkakatrabaho na sila ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkakatrabaho dapat sila noon sa Victory Boy, pero hindi natuloy yun. Noon pa yun, long time ago."

So, ano ang plano sa pagdating ni Nora, saan mag-i-stay, etc.?

"As far as I know, kami kasi sa shooting of our film, we will house her in a hotel, near the location. Whichever location we will have.

"Pero probably, baka Cavite. Yung malapit doon, Roxas Boulevard siguro.

"We’ll have a car service. Accommodation is a hundred percent.

"Supposedly, one week ang shooting niya sa amin. Yun ang sabi sa akin, pero alam mo naman kapag shooting, minsan, nag-e-extend, e.

"Pero at the least, one week ’yan."

Ayon kay Jobert, may ilang VIPs lang ang papayagan ng Ninoy Aquino International Airport na makapasok sa premises nito sa pagsalubong kay Nora sa August 2 arrival nito.

Sila ay sina Governor ER Ejercito, Perci Intalan ng TV5, at Kuya Germs.

"Sila lang ang ia-allow ng airport sa loob, pero sa labas, go! Sa mga fans!

"And Ate Guy will exit sa regular exit, ha. Hindi siya itatago, kasi ang mga fans niya, naghihintay sa kanya.

"She’d like to see them all, e. At ang alam ko, may fans day siya sa Broadway Centrum sa August 4."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN