Mark Herras defends girlfriend Ynna Asistio against accusation that she is detrimental to his career

"Sana po, tigilan na nila si Ynna. Walang ginagawa yung tao at napakabait na tao," says Mark Herras about the issue that girlfriend Ynna Asistio is the reason he doesn’t report to work sometimes.


Masaya si Mark Herras dahil finally ay maipapalabas na ang danserye na Time of My Life. Hindi itinatanggi ng Kapuso actor na isa ito sa mga seryeng pinaghandaan niya.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng nasabing pinakabagong primetime offering ng GMA-7 sa Studio 6 ng Kapuso network last night, July 26, aminado si Mark na kahit paano, pumapasok din ang pagkainip sa kanya habang hinihintay nga ang pagsisimula nito sa ere.

"Siyempre, nainip po ako. Dumating sa point na, ’Ang tagal naman ng danserye.’

"Pero na-realize ko, na kapag lalo mong hinintay, lalong nagtatagal.

"So, ang ginawa ko, nagpahinga. Naghintay ako. Noong time na yun, tumaba ako.

"Tapos, kinailangan kong pumayat uli.

"Tumaba po ako, pero ang problema, one week lang na dire-diretsong puyat, madali rin po akong pumayat."

NO TIME FOR INTRIGUES. Last March pa raw ang huling series niya sa GMA-7, ang Langit Sa Piling Mo. Ito rin ang panahon na iba’t ibang intriga ang naikakabit sa kanya.

"Ako naman po, ever since pagdating sa mga intriga, alam n’yo naman po ako. Hindi naman po ako pumapatol at saka hindi ko na sila pinapansin.

"Kasi kung dati, wala akong trabaho, may intriga. Tapos ngayon, may trabaho, may intriga pa rin.

"Para sa akin, bahala po sila kung ano po ang gusto nilang sabihin. Basta po ako, trabaho lang ang ginagawa ko ngayon."

Is his new series, worth the wait?

"Opo. Opo. Sobra!" sambit niya.

"Like yung taping namin the other day—sayaw, effect, stage, preparation, choreography. At yung pagod, nakakagulat.

"Pero sabi ko nga po, dahil hinintay namin nang matagal, heto, nakita na namin yung simula ng trabaho namin.

"Hindi po ako nagrereklamo at wala po akong [karapatan] dapat magreklamo."

THE LEAD? Marami ang nagkaroon ng impression for the longest time na siya ang bida o sa kanya iikot ang kuwento ng Time of My Life. Pero base sa trailer na ipinakita, tila si Kris ang pinaka-sentro ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Mark dito?

"Hindi ko na po actually pinapansin yun. Like yung sa amin, triangle po ang nangyari sa amin. Kris (Bernal), Rocco (Nacino) and then ako po.

"Like ako po, never naman akong nagsabi na, ’Dapat ako ang bida. Dapat ako ang nasa gitna.’

"Never ko pong sinabi yun. Basta ako, I’m happy na natuloy na yung soap na matagal ko nang hinihintay.

"And with the roles naman po, lahat naman po kami pantay-pantay. Medyo iba rin po ang character ko rito as Patrick.

"Medyo masungit sa grupo. Medyo masakit magsasalita bilang leader ng group. Nagtatrabaho rin ako sa orphanage."

First time nila ni Kris magtambal. How was it?

"Wala pong kapruble-problema," sagot niya.

"Off-cam naman, magkaibigan kami ni Kris. Wala pong ilangan factor.

"Wala pong hiya-hiya. Kami naman pong lahat, suporta naman po.

"Like kung si Kris nagpi-perform on stage, kami ni Rocco, ’Go! Go, kaya mo ’yan!’

"Siyempre minsan, nahihiya siya. Pero kami, ’Kaya mo ’yan, Kris, kaya mo ’yan.’

"Kasi kaming grupo, Sayaw Pilipinas group plus the Jump cast, Ryza (Cenon) and LJ (Reyes), plus two new boys pa namin. Talagang barkada."

Bilang "Bad Boy of the Dance Floor," siya rin ba ang nilalapitan ng mga co-stars niya for advice when it comes to dancing?

"Nagtutulungan po kami," sagot ni Mark.

"Ako rin po nagsa-suggest. Sila rin po nagsa-suggest.

"Actually, ang pinaka-bottomline, lahat po kami kinuha for danserye dahil lahat po kami, excited for this show."

SPARE YNNA. When it comes to his lovelife, three years and six months na rin daw ang itinatagal ng relasyon nila ni Ynna Asistio.

Aminado nga si Mark na ito na so far ang pinakamatagal niyang relasyon.

"Siguro po, nasa stage na rin ako ng maturity. At napakabait pong tao ni Ynna. Nagpapasalamat na lang po ako dahil tumagal kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At siyempre po, sana tumigil na rin ang mga taong naninira sa kanya.

"Recently lang, maraming isyu. Hindi po maiaalis yun.

"Pero kami po kasi, like si Ynna, busy siya sa Sisid. Ako naman, busy sa Time of My Life.

"So far, wala kaming time for each other. Pero hindi naman po, like yung isyung break na kami, hiwalay na kami.

"Nagkakaintindihan po kami. Lahat alam po namin na pagdating sa trabaho, priority po namin ang trabaho."

Madalas may isyung si Ynna ang dahilan kapag kesyo may intrigang diumano’y ayaw niyang mag-work or napapabayaan niya ang trabaho.

Sabi ni Mark, "Madalas siya yung nagiging nega sa mga isyu. Pero siyempre, hindi naman dapat.

"Kung sino yung mga taong nagsasabi nun sa kanya, ’Dahil ganito si Mark,’ tigilan na nila si Ynna.

"Kasi, iba yung naging personal life namin sa trabaho. Like ’eto, nagsimula na po ang Time of My Life, so, parang sa iba, napahiya sila na si Ynna ang dahilan.

"So, sana po, tigilan na nila si Ynna. Walang ginagawa yung tao at napakabait na tao.

"Yung suportang ibinibigay niya sa akin, sobra po talaga.

"Sana po, tigilan na nila yung pagsasabi ng masasakit na salita sa bata," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN