Nora Aunor is all set for her homecoming

The Superstar will finally come home. Nora Aunor has confirmed that she will arrive in the Philippines on August 2 via Philippine Airlines.


Tuloy-tuloy na talaga ang pag-uwi ng Superstar na si Nora Aunor sa August 2.

Kinumpirma ito mismo ni Nora sa interview niya kay German "Kuya Germs" Moreno sa radio program nitong Walang Siesta sa dzBB kaninang hapon, July 27.

"Naka-empake na po ako. Naka-ready na po lahat," sabi ni Nora.

Sa July 31 daw ang alis ng aktres sa Los Angeles papuntang Pilipinas.

"Gabi po ang flight, mga alas diyes po ng gabi dito... Philippine Airlines."

Ano ang nararamdaman niya na at long last ay tuloy na tuloy na ang pagbabalik niya sa Pilipinas?

"Sobrang excited na rin po ako na makauwi," sabi niya.

"Walong taon na po ako dito, sa wakas makakauwi na ako.

"Kaya naman nagpapasalamat ako sa inyo, at kay Suzette [Ranillo]. Kayo ang nag-ayos sa TV5 para makauwi na ako at magkaroon ng project.

"Kay ER, nagpapasalamat din ako sa tiwala nila sa akin."

Dalawang proyekto ang nakatakdang gawin ni Nora sa kanyang pag-uwi.

Una ay ang pelikulang El Presidente na pagsasamahan nila ni Gov. ER Ejercito, at isang mini-series sa TV5.

Sa kanyang pagbabalik, sino talaga ang sabik na sabik niyang makita?

"Siyempre po, ang mga kapatid ko at mga anak ko, lalo na si Buboy [Villamayor, her brother]."

What about her fans?

"Andun na po yun Kahit hindi ko sabihin, alam na po nila yun."

Sabi ni Kuya Germs, "At sana, Guy, sa iyong pagbabalik ay ibang Nora Aunor ang darating dito sa ating bansa. "

Sagot naman ni Nora, "Opo naman, Kuya, maraming salamat po.

"Sa lahat ng mga nakaunawa at nakakaunawa pa rin hanggang ngayon, at sabi ko nga, e, mahal na mahal ko sila kaya alam na po nila yun.

"At siyempre kay Kuya Germs, lahat ng ginagawa niya sa akin, lahat ng pangaral n’yo sa akin, lahat ng sinabi n’yo sa akin, hindi ko makakalimutan kahit na anong mangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mensahe niya?

"Unang-una po, nais kong humingi ng paumanhin, at patawarin n’yo po ako, yung mga pumunta ng airport na aalis ako nung una, at hindi nga po ako nakaalis, napakalaki ng isyung nangyari.

"Yung mga panahon na yun na hindi ako puwedeng magsalita kung ano talaga ang totoo dahil may hinihintay nga po ako na katulad nito na may isang malaking istasyong magpapapirma sa akin.

"Kaya ngayon, puwede na nating sabihin. Dahil dun kaya sana maintindihan n’yo po ako.

"Ganun din sa mga fans, alam kong maiintindihan din ako ng mga fans."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN