Enzo Pineda respects the Louise delos Reyes-Alden Richards loveteam despite courting the young actress

"It has a lot of pressure din sa akin, kasi siguro ito yung time ko para mapakita ko yung... parang yung acting capability ko. So, alam kong nasubukan na rin ako sa dancing, sa hosting. Pero as in yung buong soap talaga, hindi pa, first time ito," says Enzo Pineda about being part of the cast of the danserye Time of My Life.


Since magkasama sina Enzo Pineda at Sarah Lahbati sa Time of My Life, ang upcoming danserye ng GMA-7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa presscon ng show kung bakit hindi sila nagkatuluyang magkarelasyon. During and after StarStruck V kasi ay very close ang dalawa.

"Siguro hanggang friends lang talaga kami," ang nakangiting sagot ni Enzo.

Hindi niya gustong maging girlfriend si Sarah?

"Ang lalim naman nun!" natatawang rekasiyon ng young actor.

"Friends lang kami," dagdag niya.

Kahit ba minsan ay hindi siya nag-attempt na ligawan si Sarah?

"Siguro ayun, hanggang friends lang talaga yung umabot.

"Kaya siguro napapansin ng iba, kasi kami ni Sarah, close na kami ever since, pero siguro hanggang dun lang talaga.

"Kahit, let’s say kami ni Louise close, kami ni Sarah, hindi nawawala yung closeness namin, magkaibigan pa rin kami."

LOUISE DELOS REYES. Ngayon ay alam na ng publiko ang tungkol sa panliligaw ni Enzo sa tween star na si Louise delos Reyes, na ka-loveteam naman ng ni Alden Richards.

Hindi ba mahirap na ang nililigawan niya ay may ka-loveteam na?

"Para sa akin, hindi naman po," sagot ni Enzo.

"Pero of course, definitely, I respect Louise and Alden’s loveteam.

"And ako, I don’t know kung... I think, if I’m not mistaken, na ka-loveteam ko si Sarah. Pero let’s see kung anong mangyayari sa story ng danserye."

So, ka-loveteam niya sa Time of My Life si Sarah?

"Ang pagkakaalam ko po. Pero sa story, wala pang lumalabas.

"So, siguro ang importante, kaya mong i-separate yung personal mo, yung personal na buhay sa career mo."

ALDEN RICHARDS. Natuwa ba si Enzo nang maging vocal si Alden sa paghanga nito kay Sam Pinto? Na at least, "kanyang-kanya" na si Louise?

"Siguro happy ako na may nahanap si Alden, na nagugustuhan niya, so ayun," sabi ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Close naman daw sila ni Alden.

"Close kami, kasi nung nag-StarStruck kami, si Alden sumali siya. So, magkakakilala na po kami ni Alden noon.

"So, after that... Actually, bago pa siya mag-Tween Hearts, nagge-guesting siya kay Kuya Germs [sa Master Showman Presents Walang Tulugan], nakikita ko na siya, e. Nagha-hi, hello na kami."

Nagkaroon ng intriga na may gap sila, na pinagbawalan siya dati ni Alden na pumunta sa taping noon ng Alakdana na ang lead stars ay sina Louise at Alden.

"Hindi, wala, wala... Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun kasi wala namang nagbabawal sa akin sa set," sabi niya.

Wala raw iringan o tensiyon sa pagitan nila ni Alden.

"Ay, hindi, hindi, hindi!" tanggi niya.

"Pag nagkikita kami ni Alden, hi-hello, nagkukumustahan pa kami, ’Kumusta ka na, pare?’ Ganun.

"Sa Party Pilipinas, magkasama pa nga kami sa mga prod numbers. So, wala, wala... wala kaming iringan o tensiyon."

Nagpaalam ba siya kay Alden na liligawan niya si Louise?

"Hindi, hindi!" ang natatawang sagot ni Enzo.

"E, kasi it’s given already kung ganun man, di ba?"

COURTING LOUISE. Limang buwan na raw nanliligaw si Enzo kay Louise.

Hanggng kailan siya maghihintay?

"Tingnan natin, matagal-tagal!" at muling tumawa ang StarStruck V First Prince.

Ganoon niya kagusto si Louise?

"Oo," ang mabilis na sagot ni Enzo.

Ano ang pinakagusto niya kay Louise?

"Madami, e. Sa ugali? Si Louise kasi yung tipo ng tao na magaan kasama, sweet, caring... Ano pa ba? Positive."

Hindi pa sila mag-on, pero sweet na si Louise sa kanya?

"Sweet siya in a way na parang... Kasi medyo kilala na rin namin yung isa’t isa, pero tuloy pa rin yung getting-to-know-each-other na stage."

Sa pisikal na hitsura ni Louise, ano ang pinakagusto niya?

"Lahat!" sambit niya.

Sa pagkakaalam ng marami ay mayaman ang pamilya ni Enzo. Ano na ang pinakamahal na naibigay niya kay Louise?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, hindi naman po... Gusto ko lang i-clarify yung mayaman part," paglilinaw ng young actor, na anak ng business manager ni Manny Pacquiao na si Eric Pineda.

Dagdag pa niya, "Ako po, ano, ginagastos ko po yung sarili kong pera."

So, ano na ang pinakamahal na nairegalo niya kay Louise?

"Pinakamahal? Secret! Kung ano yung naririnig ninyo sa kanya."

Sabi naman namin sa kanya, wala namang sinasabi si Louise, at hindi naman alam ng dalaga kung magkano ang halaga ng mga ibinibigay ni Enzo.

"Hindi ko rin alam kung magkano!" at muling tumawa ang binata.

Umamin naman si Enzo na nabigyan na niya ng bags at sapatos si Louise.

"Actually, lahat kasi yung... depende naman sa taong nagbigay, e, so ’yong sentimental value ang importante."

Hindi pa raw nagkakasama sa isang teleserye sina Enzo at Louise.

"Nag-Maynila kami once, sa serye hindi pa. Tapos sa Party Pilipinas, we had prod number together."

Wini-wish niya ba na magkapareha sila ni Louise sa isang soap opera?

"Siyempre wini-wish ko din yun, pero definitely magko-concentrate muna ako kung anong meron ako ngayon, which is our danserye.

"Para sa akin, ito ang importante ngayon—especially I also have StarTalk and Party Pilipinas."

Nag-date na ba sila ni Louise na silang dalawa lang?

"Hindi pa po, never," sabi niya.

"It’s either isang grupo kami or kasama yung family niya. Pero okay naman po."

TIME OF MY LIFE. May pressure ba kay Enzo ang Time of My Life?


"Yes!" sambit niya.

"It has a lot of pressure din sa akin, kasi siguro ito yung time ko para mapakita ko yung... parang yung acting capability ko.

"So, alam kong nasubukan na rin ako sa dancing, sa hosting.

"Pero as in yung buong soap talaga, hindi pa, first time ito.

"Pero I replaced Mark Herras sa Diva, pero hindi yung part talaga ako ng cast ng soap. So, first ko ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ano ang mga pressure para sa kanya?

"I guess it’s... everything in the acting part," sagot niya.

"So, alam kong madami pa akong dapat matututunan.

"So, lahat ng mga eksena, lalo na yung mahirap or medyo madrama, dun talaga ako nagko-concentrate."

Marami raw siyang drama scenes dito bilang si Donnie.

"Kami ni Mark [as Patrick]... siguro away ng mag-best friend, mga sapakan....

"Kasi ang story, ako yung best friend ni Mark, pero ako na lang yung taong nagtitiyaga sa kanya.

"Kasi si Mark, nagbago siya, naging suplado, hindi namamansin, mainit ang ulo sa lahat.

"So, ako na lang yung nagiging konsensiya ni Mark.

"So, may mga times na mag-aaway kami ni Mark dahil... Ako, naaasar na ako kakakonsensiya sa kanya, hindi naman siya nakikinig.

"May mga times na ganun, na muntik na kaming magsapakan... ang dami, ang daming mga eksena," excited na kuwento pa ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN