Bea Binene says Jhake Vargas admitted that he likes her: "Mag-effort siya. Patunayan niya muna ang sarili niya na deserving siya."

"Mag-effort siya. Patunayan niya muna ang sarili niya na deserving siya. I-prove yung sarili niya," says Bea Binene when asked if Jhake Vargas continues to court her.


Biniro raw ni Direk Mark Reyes, ang direktor ng Tween Academy: Class of 2012 si Bea Binene dahil sa ayos nito during their prom night scene na kinuhanan sa Republiq sa Resorts World Manila last week.

Hindi raw kasi sanay ang direktor nila na nakikita siyang naka-formal at naka-gown pa.

"Sabi niya, ’It’s not you, Banana!’ Kasi sanay po sila na nakikita ako na naka-leggings lang, naka-shirt.

"E, ngayon [sa eksena] po, talagang nakaayos kaming lahat. Naka-gown, naka-makeup, nakaayos po talaga.

"Ito po kasi ang isa sa pinaka-big scene sa movie," kuwento ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

TRUST FROM GMA-7. Para kay Bea, ramdam na ramdam daw niya ang tiwala at suporta sa kanila ng GMA-7 dahil ipinagkatiwala sa kanila ang movie na ito.

"Ito lang po ang solo produced film ng GMA. Yung isa lang sila. So, siyempre po, masaya na sa amin ipinagkatiwala yun.

"Hindi naman po biro ang budget ng isang movie. So, para sa amin ibigay, it’s really an honor po.

"And siyempre, thankful po kasi binigyan po kami ng chance ng GMA na makita sa big screen," saad ng dating child actress.

Alam ni Bea ang difference ng movie at TV. Kaya kahit paano, may kaba raw siyang napi-feel dahil sa movie na nga sila huhusgahan ngayon.

"Iba po ang TV sa movie. Siyempre, sa movie po, magbabayad ang mga tao. Kailangan pa nilang magpunta ng mall para makapanood sila.

"Sana po, pero siyempre, I’m nervous dahil big screen na ’to. Pero marami rin naman po ang nagsasabi ng support sa Twitter.

"Siyempre po, kailangan lang naming pagandahing mabuti."

ONE OF THE BOYS. Ayon kay Bea, hindi raw continuation ng Tween Hearts ang movie nila dahil ibang-iba raw ang roles, o characters, na ginagampanan nilang lahat sa movie.

"Halos same cast, pero may mga nabago. May mga nadagdag. May mga umalis. Ibang director, iba ang lahat," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bea plays George. Isa raw siyang tomboy sa movie at isang Azkals fan. Crush daw niya si Jhake Vargas na best friend niya sa movie.

Pero kung papansinin, most of her roles ay boyish siya. Kaya tuloy minsan, naiintriga siyang tomboy.

"Okay lang po yun. Kasi, ako naman po talaga, one of the boys naman po talaga ko.

"Nambubugbog ako. Yung brusko. Hindi ako pa-sweet na naka-dress."

DATE WITH JHAKE? Kinumusta naman namin sila ni Jhake Vargas. Kung sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio ay may regaluhan na ng diamond earrings, ano naman sa kanila?

"We’re good friends po. Alam naman namin ni Jhake ang mga priority namin.

"Basta po, we’re here for the fans. We’re doing this for the fans. We’re good friends."

Hindi pa raw sila nakakapag-date or may attempt man lang from Jhake na yayain siya. Pero paano kaya kung imbitahan siya ni Jhake for a date?

"Depende. Depende po kung saan pupunta. Kung sino ang kasama. Kung kailan at saka kung ano ang mero’n at kung ano ang gagawin," sabi ni Bea.

Thirteen years old pa lamang si Bea, pero kung sakali at ligawan siya ng ka-loveteam, magugustuhan kaya niya ito?

"Si Jhake po, mabait. Wala po akong maipipintas sa kanya. He’s a very great guy. Sobrang bait niya... We’ll see."

May nanliligaw din bang iba sa kanya?

"Meron po," sagot naman niya.

Umaakyat ng ligaw sa bahay?

"Hindi naman po umaakyat sa bahay. Yung mga nagpaparamdam lang po."

Si Jhake ba, nagpaparamdam?

"Hindi po, ewan po!" natatawang sabi ni Bea sabay diretsahang tinanong si Jhake ng "Hoy Jhake, nagpaparamdam ka ba?’"

Pero ayon kay Bea, si Jhake daw ay nagsabi na sa kanya na gusto niya ang dalagita.

Pero sinagot lang daw niya ito na kailangan pa niyang mag-effort. So, anong effort ang hinahanap niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, sabi ko lang po sa kanya na, ’Patunayan mo muna sa akin.’

"Mag-effort siya. Patunayan niya muna ang sarili niya na deserving siya. I-prove yung sarili niya."

Bakit, ready na ba siyang makipag-boyfriend?

"Hindi pa po! Siguro kung maghihintay man siya, sa tamang panahon."

Payag na ba ang mommy niya na magpaligaw siya?

"Magpaligaw po, okay lang sa kanya. Basta hindi ako nagtatago sa kanya ng mga nangyayari.

"Basta rin hindi ko muna sasagutin. Kapag daw po 15 na ako, dun pa lang. Pero, yung parang MU-MU muna."

LEAD STARS. After Tween Academy, kasama sila ni Jhake sa teleserye na Pahiram ng Isang Ina with Carmina Villarroel. Pang-afternoon series daw ito ng GMA-7, na ayon kay Bea ay posibleng kapalit ng Blusang Itim.

Kasama raw sila ni Jhake sa lead cast.

"After seven years, may lead na. Siyempre po, super thankful, pero nervous. Kasi kami yung naka-display do’n.

"Paano kung hindi manood ang mga tao? Nervous po ako kasi, Direk Joel Lamangan daw yun," nangingiti niyang pagtatapos sa aming interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN