Louise delos Reyes on Alden Richards: "Kung kami yung para sa isa’t isa, it will happen."

"I guess hindi ko pa masyadong kaya yung ganun ka-intimate na relationships. Siguro okay na yung ’andito ako, okay tayong dalawa, siguro hanggang dun muna," Louise delos Reyes reacts to screen partner Alden Richards’ statement that he has not yet given up courting her.


Kahapon, July 28, naganap ang presscon ng YES! Most Beautiful Stars 2011, sa Crowne Plaza Hotel, sa Ortigas.

Isa sa mga dumalo ay ang teen actress na si Louise delos Reyes.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Louise, sinabi niyang masuwerte siya na mapabilang sa naturang listahan.

"Sobrang happy ako and blessed, kasi napasama ako dito!" bulalas niya.

"Ang dami-daming artista na gustong maging part nito, and this year nga napasali ako."

ON HER CAREER. Kapuna-puna na maganda ang takbo ng career ni Louise ngayon.

Bukod kasi sa katatapos lang ng kanyang drama series na Alakdana noong Mayo, kasama siya sa current running Sunday afternoon teen show na Tween Hearts.

Dagdag pa diyan ang pelikulang Tween Academy: Class of 2012, kung saan kasama rin niya sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Elmo Magalona, Jhake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez, at ang ka-loveteam niyang si Alden Richards.

Kasalukuyan din silang nagsu-shoot nila Alden at Rhian Ramos, para sa pelikulang The Road, na under din ng GMA Films.

Ano kaya sa tingin niya ang nakita ng GMA Network sa kanya para bigyan siya ng sunud-sunod na projects?

"Actually, hindi ko nga alam, e," mabilis na sagot ng batang aktres.

"Kasi halos lahat sa amin, meron kaming parang... pare-parehas kami na ganun, pare-parehas kaming tweens, pare-parehas kaming may project.

"Siguro kanya-kanyang oras lang ’yan, and kapag natipuhan ka din ng mga tao, yun, dun na mag-i-start yun."

ON ALDEN RICHARDS. Sa tuwing makakapanayam si Louise, hindi maiwasang kamustahin sila ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang paghanga ng binatang aktor sa kanya.

Sa isang panayam pa nga kay Alden, sinabi nitong hindi pa rin niya sinusuko ang pangliligaw kay Louise, at bagkus ay naghihintay lang siya ng tamang panahon. (CLICK HERE for related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano kaya ang reaksiyon ni Louise tungkol dito?

"Ako naman, hindi ko naman pinipigilan, hindi ko rin gustong dinidiktahan ang mga tao, kung ano yung gusto nila, yun," sagot ng dalaga.

"Pero ngayon, kung kami yung para sa isa’t isa, it will happen."

Sa ngayon, isang malapit na kaibigan lang ang tingin niya kay Alden.

Aniya, "Alden is a nice guy, he’s very gentleman, masarap siyang kasama, at hindi siya mahirap pakisamahan."

Masaya rin daw siya na maganda ang kanyang relasyon sa mga taong napapalapit sa kanya.

"As of now kasi, lahat ng nagiging malapit sa akin hanggang pagiging close friends lang siya, e.

"There’s nothing special."

Ibig sabihin ba’y wala pa siyang planong pumasok sa ano mang relasyon?

"I guess," mabilis na sagot ni Louise.

"I guess hindi ko pa masyadong kaya yung ganun ka-intimate na relationships.

"Siguro okay na yung ’andito ako, okay tayong dalawa, siguro hanggang dun muna."

Pero sa ngayon ay nali-link din si Louise sa young actor na si Enzo Pineda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN