K Brosas denies transferring to other network

"I’m so thankful naman dahil wala pa rin namang nagbabawal sa akin. Hindi naman po ako exclusive. Sana gawin nila [ABS-CBN management]. Nagpaparinig lang naman tayo," comedienne K Brosas said about being able to work with different TV networks.


"Hindi po. Saan galing ’yan? Buti pa ikaw may kontrata ka diyan."

Ito ang pabirong sagot ng komedyanteng si K Brosas nang tanungin siya kung may balak ba siyang lumipat mula sa ABS-CBN patungong TV5.

Bago pa man kasi mapabilang ang komedyana sa bagong show ng ABS-CBN na Maria la del Barrio, madalas siyang nakikita sa Talentadong Pinoy ng TV5 bilang celebrity judge.

Gayunman, nilinaw naman niya na hindi ibig sabihin nito ay lilipat na siya sa Kapatid network.

Matatandaang huling nakita si K sa Kapamilya network nang mapasama siya bilang host sa dating noontime show na Pilipinas Win Na Win at bilang hurado naman ng talent-search program na Showtime.

Sabi pa ni K, "I’m so thankful naman dahil wala pa rin namang nagbabawal sa akin. Hindi naman po ako exclusive.

"Per project po ako kasi sa Backroom. I don’t think naging issue naman."

Ang Backroom Inc. ay ang talent management na pinamumunuan ng TV personality na si Boy Abunda.

Humirit pa si K, "Sana gawin nila [ABS-CBN management]. Nagpaparinig lang naman tayo."

Pagkatapos ay muli niyang nilinaw, "I don’t think naging issue naman. Kapag dumating ang oras na pagbabawalan... Sana naman hindi. Pero wala pong issue na ganun."

FUNNY KONTRABIDA. Samantala, nagpasalamat naman si K sa ABS-CBN dahil binigay sa kanya ang pagkakataong gumanap bilang Carlotta sa Maria la del Barrio, na magsisimula na sa Agosto 15.

Bagamat kontrabida ang tauhan na kanyang gagampanan, patawang inilahad ni K, "Magugulat kayo sa role ko rito.

"Nagpapasalamat po ako sa napakaganda po na role na ibinigay sa akin.

"Ako po ay mayordoma sa bahay.

"Kapag pumasok si Erich, wala po akong ginagawa kundi itulak siya, batukan o hilahin.

"Ang nakakatuwa kasi, kahit kontrabida, nakakatuwa pa rin siya.

"So, comedy pa rin. Pero hindi naman ’yong tipong hahampasin ng payong kapag nakita ako. Funny lang talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging isa sa mga artista sa bagong teleserye, ipinagpapasalamat din ni K ang mga makakasama niya sa trabaho.

Kuwento ng singer-comedienne, "Ang saya-saya namin, e. Kapag trabaho, trabaho. Kapag nakakalimot, pasensya na, tao lang.

"Ang sarap ng feeling. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila.

"Aminin ninyo, hindi ako plastic. Mahirap magkaroon ng katrabaho na magaan ang loob mo. So, ito, palung-palo, wapak!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN