Lovi Poe remains firm on decision not to open "Pandora’s box" in Marian Rivera-Heart Evangelista rift

"Kaya rin naman ako nananahimik because I don’t wanna make things worse. Gusto ko, kung mapagbabati, magbati. Yun naman yun, e," says Lovi Poe about her decision not to talk about what she knows in the feud between Marian Rivera and Heart Evangelista.


Kasama si Lovi Poe sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2011.

Ayon kay Lovi, sa pagkakatanda niya, ikalawang beses na niyang makasama sa prestigious list na ito.

And this time, kasama siya sa kategoryang "Primetime Princesses."

This year ay si John Lloyd Cruz ang napili ng YES! na maging cover ng 100 Most Beautiful Stars—the first male star to ever do so.

Sa mga susunod na taon ba ay nai-imagine ba ni Lovi na siya naman ang maging cover at tanghaling "Most Beautiful"?

"No, you know what, just to be part of this Top 100 is already a huge thing for me.

"To be considered pa nga lang, parang nagpapasalamat na ako.

"And now that I’m part of it, parang nakaka-flatter, really," sabi ng young actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi kaninang tanghali, July 28, sa grand launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza sa Ortigas.

Itong 2011 ay maaaring maituring na taon ni Lovi dahil sa magagandang nangyayari sa kanyang career. Ang pinakahuli nga ay ang box-office success ng pelikula nilang Temptation Island at ang pagpuri sa acting niya rito.

Pero ayon kay Lovi, "You know, I feel... Well, I don’t feel it’s my year. I just try to do my best in every project that I do."

When Lovi was just starting in showbiz, she was first introduced as a singer.

Aminado siya na hindi niya inakala na mangyayari ang mga naa-achieve niya ngayon, hindi lang sa pagiging singer kundi lalo na sa pagiging aktres.

Ayon sa kanya, "You know what, hindi ko ine-expect.

"Siguro, nagkataon lang that everything fell into place.

"So, ayun, mahirap. It feels so good that it scares me, I don’t wanna screw it up."

Isa sa itinuturong dahilan ng pagiging epektibong aktres ni Lovi ay ang pagiging open niya sa roles at projects na ginagawa niya. Hindi rin siya masyadong naglalagay ng limitasyon sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I love exploring. I don’t wanna live inside the box lang," sabi niya.

PANDORA’S BOX. Nadawit ang pangalan ni Lovi sa mainit na pinag-uusapang alitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista, na co-stars niya sa Temptation Island.

Si Lovi kasi ang sinasabing "star witness" sa insidenteng nangyari diumano sa airport sa pagitan ni Marian at sa ina ni Heart na si Cecile Ongpauco.

Si Lovi din daw ang nakakaalam ng tunay na version ng nangyari kina Marian at Heart sa shooting nila sa Ilocos Norte.

Pero pinili ni Lovi na huwag na lamang magsalita tungkol dito dahil magbubukas lamang daw ito ng "Pandora’s box." (CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman ang tanong sa kanya ng press ay kailan kaya niya bubuksan ang "Pandora’s box"?

Pero hindi pa rin natitinag si Lovi sa kanyang desisyon na huwag na itong buksan.

Paliwanag niya, "No, we all know what’s in it so let’s not open.

"It’s not for me to open. Who am I, di ba?"

Pero hindi ba’t siya lang ang makakapagsabi ng totoong nangyari, at para malinawan na rin ang lahat?

"You know what, for me, they are both my friends. I love them both to death, sobra!

"Kaya ko rin naman ito ginagawa because if I’ll say what I saw, or how I see it, hindi maganda, e, hindi makakatulong sa kanilang dalawa individually.

"It’s not gonna help everyone, so huwag na lang," sabi niya.

Nainis ba siya with what happened at nadamay ang pangalan niya sa isyu?

"Hindi ako naiinis, nalulungkot ako," sagot ni Lovi.

"Sana maayos. Yun naman ang ipinagdarasal ng lahat, especially for me.

"Kaya rin naman ako nananahimik because I don’t wanna make things worse.

"Gusto ko, kung mapagbabati, magbati. Yun naman yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may naramdaman ba siyang may nabago with her friendship with both Marian and Heart dahil sa pagtanggi niyang magsalita?

"Well, I haven’t seen them after," sabi niya.

"Pero ako, whatever it is, hopefully in their hearts, they know na ginagawa ko ’to dahil mahal ko sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN