Rocco Nacino on missing out as Best Actor in Cinemalaya: "People expected for me. But I wasn’t really expecting."

"Recently, may isa pa po akong offer. I think it’s confirmed na, pero hindi ko pa po alam yung pinaka-details," says Rocco Nacino about his latest movie offer.


Isang napakagandang experience para kay Rocco Nacino ang nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival, na tumakbo mula July 15 hanggang July 24.

Sa nasabing film festival ipinalabas ang kauna-unahan niyang pelikula—Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na tinampukan din nina Jean Garcia at Paulo Avelino.

Pinuri ng karamihan ng mga manonood at mga kritiko, hindi lamang ang pelikula, kundi maging ang pagganap ng tatlong pangunahing artista, partikular na si Rocco.

Pero sa awards night ng Cinemalaya noong July 24 ay si Edgar Allan Guzman ang itinanghal na Best Actor sa New Breed category para sa pagganap niya sa sex comedy na Ligo Na U, Lapit Na Me. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco sa presscon ng Time of My Life noong Martes, July 26, ay tinanong namin siya kung nag-expect din ba siyang manalo para sa pagganap niya sa kanyang unang pelikula.

"People expected for me. But I wasn’t really expecting, kasi I saw the trailers of the other films. Sa trailers pa lang...," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang pagkamangha niya sa napanood na teasers ng ibang entries sa Cinemalaya.

Pero wala raw siyang napanood na ibang pelikula, maliban sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, dahil wala siyang oras.

"I wanted to, pero wala po ako talagang oras, e," aniya.

"Pero I really didn’t expect to win Best Actor, first time ko lang naman.

"At bihira lang po namang mangyari [na manalo] yung first time mong sumali."

Sa ginanap na awards night ay kinabahan daw si Rocco, hindi dahil sa umaasa siyang manalo kundi sa pagpi-present niya ng awards.

"I got to present two awards, kasi hindi po nakarating si Alfred Vargas. So, ako ang nag-present in his behalf," banggit niya.

"Sobrang nakakakaba pala ’yon, to see a lot of people... lahat ng mga veteran actors, lahat ng magagaling. Tapos, to speak in front of them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahirapan at nahiya raw siya dahil sa "first time" niyang umakyat ng stage ng CCP upang mag-present ng award.

MORE DARING ROLES. Bagamat may tema ng homosexuality ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, very wholesome pa rin ang pagsasalarawan dito at sa pamamagitan ng sayaw at tingin lamang ipinakita ang kakaibang pagtingin ng karakter ni Rocco bilang Dennis kay Paulo Avelino bilang Marlon.

Pero kung sakali bang may mag-offer sa kanya ng isa pang gay role, pero mas intimate ang mga eksena, papayag ba siya?

"Pag-uusapan pa lang po ’yon at iaano ng manager namin siyempre kung fit ba sa akin, or kakayanin ko this time, at this point of my career.

"Darating din naman po yung time, e," sabi niya.

Maraming intimate moments sina Rocco at Paulo sa pelikula. Pero sino kaya ang iniisip ni Rocco habang ginagawa nila ang mga eksenang ito? Ini-imagine ba niya na isang babae ang kaeksena niya, o ang nali-link sa kanyang si Sheena Halili, o si Paulo mismo?

"Mas gusto ko pong maniwala sa character ko," sabi ng StarStruck V alumnus.

"I’m hurt dun sa scene na ’yon, pinapakita ko ’yon talaga. Hindi ako si Rocco Nacino.

"At sa mga sayaw po namin, ipinapakita ko po talaga na... wala, tanggal ang ilang.

"Hindi siya si Paulo, siya si Marlon."

Sa Ligo Na U, Lapit Na Me, kung saan nanalo si Edgar Allan, ay may nude at bed scenes itong ginawa. Kung sakali ba ay kaya rin itong gawin ni Rocco?

"It’s possible... Mahirap din po ’yan kaya kudos to Edgar. [Pero] for now, no, not yet," sabi niya.

"First time ko pa lang naman po sa indie industry, marami pa naman pong panahon."

THE LAST SCENE. Pinag-uusapan din ng marami ang huling eksena sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa kung saan tumulo ang isang patak ng luha ni Paulo sa pagtatapos ng sayaw nila ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang ibig sabihin ng patak ng luha na iyon ni Paulo sa eksena?

"It’s up to the audience really, yun ang goal talaga ni Direk Alvin [Yapan]," sabi ni Rocco.

Hindi ba in-explain sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng luhang yun?

"Hearing this, actually, maraming nagtatanong, that means the objective was met.

"Ang daming iba-ibang endings na puwedeng mangyari."

Pero sa sarili niya, ano ang interpretation niya sa eksenang ’yon?

"Sa akin, parang ino-open na ni Paulo yung sarili niya sa akin.

"The tear was for saying thank you to me, to Miss Jean, dahil nagawa namin ’yan [dance production].

"It was a feat, e. Mahirap na challenge po ’yon, e, para nagawa po niya.

"It was a tear for achievement, tuwa, fulfillment.

"Para sa akin, yun ’yon. Also, parang ina-accept niya ako."

MORE MOVIE PROJECTS. Dahil sa tagumpay ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, may ibang movie offers na ba sa kanya?

"Yes, but I cannot still say it," sabi ni Rocco.

Bukod pa raw ito sa horror movie na The Road, na ipu-produce ng GMA Films.

"Recently, may isa pa po akong offer. I think it’s confirmed na, pero hindi ko pa po alam yung pinaka-details," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN