Jessy Mendiola exchanges tweets with Azkals player Paolo Pascual; still receives hate messages from Kimerald fans

"Kinakabahan ako kasi nanggaling si Gerald sa isang napakagandang loveteam. May pressure din na sana yung loveteam namin, maging okay din," says Jessy Mendiola about her first team-up with Gerald Anderson.


Pagkatapos niyang mai-launch ng ABS-CBN sa Sabel, kumpirmado na isang serye katambal si Gerald Anderson ang sinisimulang gawin ngayon ni Jessy Mendiola.

Agad namang lumabas ang mga balita na nakakatanggap na raw ng threats ang young actress galing sa mga Kimerald fans na galit na galit at nagbabanta raw kay Jessy.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy last Sunday, July 24, in ASAP Rocks, tinanong namin siya kung patuloy pa rin ba siyang nakakatangap ng mga banta galing sa Kimerald fans.

"Mayroon pa rin, pero kaunti na lang saka di ko na tinitingnan... Hindi naman siya threats exactly—haters.

"Parang ine-experess lang nila yung nararamdaman nila. Walang pagbabanta, pero may mga masasakit na salita like, ’Mas magaling si Ganyan. Mas bagay si Ganito kay Ganyan.’

"Okay lang naman. Kasi, siguro hindi nila matanggap na hiwalay na ngayon yung loveteam.

"Pero, hindi ko sinasabi na lahat sila ganun. Kasi may mga fans din naman na uber support sila. May mga accounts na nakalagay dun Kimerald Global, tapos ’Go, go Jessy.’

"Di ko na lang talaga pinapansin yung iba. Pero gusto kong sagutin yung mga positive.

"Yung mga nagsasabing, ’You can do it. Bagay kayo.’ Pero dun sa mga ayaw, di ko na lang ipipilit."

Hindi kaya napi-pressure si Jessy dahil naging very successful ang tambalang Kim-Gerald at ngayon ay ipinapareha sa kanya ang young actor?

"Kinakabahan ako kasi nanggaling si Gerald sa isang napakagandang loveteam. May pressure din na sana yung loveteam namin, maging okay din.

"But I guess as individual artists, mas maganda rin yung solo-solo, tapos magsasama kami and magugustuhan nila kami," sabi niya.

Ano bang klaseng leading man si Gerald?

"Happy and honored ako na ako ang napili ng management na maka-partner niya.

"Maalaga si Gerald saka gentleman. Mabait siya, guwapo."

Crush ba niya ito, lalo’t marami sa mga artistang babae sa ngayon ang humahanga sa young actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Crush? Hindi, e. Nung una ko talagang nakilala si Gerald, ’Ay, ang bait naman niya.’

"Pero hindi ko siya nakikita as super magiging kami. Ang bilis naman nun."

JUST FRIENDS. Na-link si Jessy sa Mula Sa Puso actor na si JM de Guzman. Patuloy pa rin ba ang communication nila ng binata?

"Nag-meet lang kami before sa [set ng] Banana Split, but now hindi na kami nag-uusap.

"Busy siya siguro sa work. And ako, ayoko muna talagang mag-boyfriend.

"Sinabi ko talaga sa kanya na ayoko munang mag-boyfriend. Sabi niya, ’O sige, friends na muna tayo.’ Ganun.

"Hindi ko nga alam kung nanligaw talaga siya. Hindi naman nanligaw. Nakipag-friends lang kasi the same kami ng friends."

LIKE ANGEL LOCSIN. Balita rin na isang member ng Azkals ang nag-open daw na crush niya si Jessy—si Paolo Pascual. Hindi naman itinago ng aktres na nakapagpalitan na sila ng tweets ng nasabing Azkals player.

"Hindi ko pa siya nami-meet in person. Pero sinabi ng friends ko, ’Oy, binanggit ka ni Paolo.’ Nakita ko na siya sa picture.

"Definitely I’m very, very flattered nung sinabi nila na crush daw ako ng taga-Azkals.

"Twineet nga ako ni Paolo... ’Hello Jessy,’ in-invite niya ako sa games nila.

"Siyempre, may mga pagkakataon na may trabaho. Sinabi ko naman, ’Thank you for inviting me.’

"Siyempre nag-explain ako. Alangan namang isnabin ko siya sa Twitter."

According to Jessy, favorite niya si Angel Locsin na nali-link naman kay Phil Younghusband, na isa ring Azkals. Mukhang may something in common daw sila ng iniidolo.

"Ka-BBM ko nga si Ms. Angel. Tapos tinanong ko, ’Ate Gel, anong masasabi mo dun sa nababanggit na crush daw ako [ni Paolo]?’

"Ang sagot niya sa akin, ’Naku, girl, work ka muna.’

"Siyempre, iba naman yung sa kanila ni Phil. May namamagitan yata sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anu-ano ba ang characteristics na magugustuihan niya sa isang guy?

"Ang mga type ko, moreno, matangkad," sagot ni Jessy.

"Pero ayoko muna talagang mag-boyfriend. Hindi pa ngayon. ’Wag muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN