Barbie Forteza wishes for free time with her family on her birthday; content with diamond earrings from Joshua Dionisio

"Pero feeling ko nga wala nang kasunod. Okey na sa akin yung diamond earrings na niregalo niya," says Barbie Forteza if she’s expecting a matching bracelet, or ring as birthday gift from Joshua Dionisio.


Maganda raw birthday gift kay Barbie Forteza ang mapasama siya sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2011.

The Tween Queen of the Kapuso Network will turn 14 years old this coming July 31.

Bago pa man sumapit ang kanyang actual birthday ay marami na raw nangyayari sa kanyang magaganda.

Una na nga rito ay hindi niya inaasahang mapasama siya sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars. Last year daw kasi ay nakasama na siya at hindi niya akalain na puwede palang maulit ito.

"Yun po ang akala ko. Kapag na-feature na po last year, hindi ka na puwedeng mapasama ulit.

"Pero noong sinabi nga sa akin na kasama ako, natuwa po ako talaga. Kaya pinaghandaan ko siya.

"Kahit na puyat po ako from shooting, dumating ako sa event ng YES! para makapagpasalamat ako sa kanilang lahat," ngiti ni Barbie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2011 sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza Hotel, kahapon July 28.

Marami ang naghanap sa ibang tweens na co-stars ni Barbie sa series na Reel Love Presents Tween Hearts at sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

Sina Barbie at Louise delos Reyes nga lang ang nakarating. Wala sina Alden Richards, Jhake Vargas, Kristoffer Martin, at Bea Binene.

WHERE IS JOSH? Ang ka-loveteam ni Barbie na si Joshua Dionisio ay hindi rin nakarating.

"Hindi ko po alam kung nasaan siya," sabay tawa ni Barbie.

"Ang alam ko po, sabi niya susubukan niyang makarating. Pero mukhang di na nga [nakarating].

"May rason naman siguro po si Josh kung bakit hindi siya nakarating.

"For sure ay nagpapasalamat siya at ang ibang tweens na nakasama kami sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars."

HER WISH. Anyway, sa kanyang nalalapit na birthday, simple lang ang gustong celebration ni Barbie.

Wala raw siyang pinaplanong malaking party. Gusto raw niya ay makasama lang ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag birthday ko naman po, mas gusto ko na kasama ko ang family ko. Never naman ako nagplano for a big party.

"Hindi ako sanay sa gano’n. Mas gusto ko na kasama ko sina Mommy at Daddy at ang ate ko.

"Kapag wala akong work sa araw ng birthday ko, baka umuwi kami sa Laguna para makasama ang ilang relatives namin doon.

"Nami-miss ko na rin sila kasi bihira na akong makauwi sa Laguna," sabi niya.

Simple rin ang gustong regalo ni Barbie para sa sarili niya. Mero’n na nga raw siyang sasakyan, condo unit, at iba pang mga pangangailangan niya.

Hiling lang niya ay free time para sa kanyang sarili at sa family niya.

"Yun nga po ang gift na gusto ko. Yung mabigyan ako ng libreng panahon para sa sarili ko at ma-spend ko rin ’yon with my family.

"Ever since kasi na naging busy ako, kahit na kasama ko sina Mommy at Daddy sa tapings at shootings, parang kulang pa rin ang time na ’yon.

"Gusto ko po yung wala akong trabaho at nakakapagkuwentuhan kami ng family ko.

"Yung wala akong iniisip na ibang bagay kundi ang ma-enjoy ko na kasama sila.

"Gusto ko nga yung makapagbakasyon kami out of the country. Hindi pa kasi nangyayari ’yon.

"Kaya sana, kung mabigyan ng pagkakataon, bakasyon grande kami ng buong pamilya," asam pa ni Barbie.

Sa tanong kung may additional na regalo pa ang ka-loveteam niyang si Joshua, bukod sa diamond earrings na binigay nito, feeling ni Barbie ay wala na raw.

"Sagad na po ’yong diamond earrings na niregalo niya. Wala na raw kasunod iyon!" sabay tawa ni Barbie.

NEXT GIFT. "May mga nagtatanong nga po kung may ternong singsing, kuwintas or bracelet yung binigay ni Josh na earrings. Sagot ko naman na hindi ko alam. Si Joshua ang tanungin nila kung may susunod pang gift.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, feeling ko nga, wala nang kasunod. Okey na sa akin yung diamond earrings na niregalo niya.

"Mahal din ’yon. Hindi ko naman ini-expect na gano’n kamahal ang ireregalo niya sa akin.

"Ako naman po, kahit na simpleng regalo lang ay masaya na ako.

"Alam ko naman po na taus-puso ang pagregalo na ’yon ni Josh sa akin kaya nagpapasalamat ako sa kanya.

"Hindi niya nakalimutan ang birthday ko at advance pa ang regalo niya.

"Enough reason na iyon para malaman ko na special ang lahat ng ginagawang ito ni Joshua para sa akin," sabi ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN