MYX VJ search winners named; K-la Rivera, Joyce Pring, and Mike Ventura join existing roster of VJs

"Nakita namin na they are energetic. They able to express themselves well and marunong silang mag-adapt sa tao," explains MYX channel head Andrei Alvarez on why Joyce Pring, Mike Ventura, and K-la Rivera won.


Itinanghal bilang bagong MYX VJs sina K-La Rivera, Joyce Pring, at Mike Advincula sa katatapos na MYX VJ Search Finals Night na ginanap sa SM North Edsa, The Block Activity Center noong Miyerkules, July 27.

Ito ang ikalimang taon na ng nasabing search.

Bagamat bumabagyo that night ay dinagsa pa rin ng MYX fans ang venue ng finals night para suportahan ang kani-kanilang pambatong MYX VJ finalists.

Sina VJs Chino Lui Pio, Janine Ramirez, Robin Nievera, at Iya Villania ang nag-host ng MYX VJ Search Finals Night na ito.

Nagbigay naman ng kani-kanilang performances ang mga bandang Maldita, Callalily, at ang electronic music-artist na si Someday Dream.


THE WINNERS. Matapos ang nasabing programa ay nagkaroon ng ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang MYX VJ search winners na sina K-La, Joyce, at Mike.


"I’m so excited, I’m so speechless," sambit ni K-la. "I don’t know what to say but this is a dream come true for me.

"Thank you very much to all who supported me. I’m still working on improving myself.

"I’m still new at this, so I just hope people will support me along the way as I grow as a VJ now," explains K-la, who incidentally is also a Star Power runner-up.


Sabi naman ni Joyce, "I wanted to cry after I heard my name.

"I really did. But one of my friends told me, ’Don’t cry, don’t cry, coz they all gonna cry if you start crying.’

"I am so thankful and just so grateful to have this and be given this shot talaga."


Kuwento naman ng lone-boy winner na si Mike, "Nung tinawag yung pangalan ko, I was so shocked!

"Tanong ko sa sarili ko, ’Teka, ako ba yun? Ako ba yun?’

"Lahat sila nakatingin sa akin, pero di pa rin ako tumitinag because I was expecting someone else to win.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The surprise was there."

THE CRITERIA. Ayon naman sa channel head ng MYX na si Andrei Alvarez, ay ito ang basehan nila sa pagpili ng winners :

"It was not easy. Every year ang hirap pumili. To narrow down kung ilan ang mapili for the year. Bakit three winners? Wala naman exact formula why we chose two, 0r one winner.

"Hindi laging three yung winners. May previous [years] na four ang nanalo. Mero’n times na two lang. Depending kung sino ang deserving manalo.

"Bakit silang tatlo yung napili? Maybe because they offer different things. Mahirap silang pagkumparahin.

"Hindi pare-pareho yung strenght nila. We discussed. We deliberated kung sino yung sa tingin namin, kung sino yung magiging magandang addition sa existing roster namin.

"Nakita namin na they are energetic. They able to express themselves well and marunong silang mag-adapt sa tao.

"The criteria for judging is 30 percent from the text votes and 70 percent coming from the management’s decision.

"The 30 percent is the barometer on how the people see them. Kung paano sila binoboto.

"Pero hindi namin inaasa sa kanila yung decision, kasi yung public, yung external lang nakikita nila.

"Sa amin, we need to see kung sino yung punctual. Sino yung nale-late. Kasama yun [sa judging].

"If you really analyze it. It’s a two-month job interview. Then the price is a job.

"After nilang manalo, magtatrabaho sila as a MYX VJ. Dun talaga makikita yung potential nila," sabi ni Andrei.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN