Erik Matti on directing Dingdong Dantes as "charming bad boy" in comedy-horror-adventure flick

In the movie, The Aswang Chronicles, Dingdong Dantes (above) plays a good-for-nothing chap who accompanies his pregnant girlfriend played by Lovi Poe to the province. To impress her family, he buys a live pig to be roasted for her birthday.

"Only to find out that night na yung pig turns into aswang! And then, the whole family of the aswang was waiting outside of the house kasi, kakainin nila yung buntis na si Lovi," director Erik


Kasalukuyang ginagawa ng premyadong aktor na si Dingdong Dantes ang bago nitong pelikula with Lovi Poe, ang The Aswang Chronicles kunsaan nasa cast din sina Joey Marquez, ang komedyanteng si Ramon Bautista, at si Roi Vinzon as kontrabida.

Ito ay mula sa direksiyon ni Erik Matti, na limang taon ding nagpahinga sa paggawa ng movies at nag-concentrate muna sa pagdidirek ng TV commercials.

Ang last film ni Direk Erik ay Exodus nuong 2006 na pinagbidahan ni Sen. Bong Revilla.

Sa The Aswang Chronicles, co-producer si Dingdong ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Direk Erik. Agostodos Pictures, Inc. naman ang pangalan ng bagong film outfit ni Dingdong na first time mag-venture into film production.

Ito ay bukod pa sa horror Metro Manila Film Festival 2011 entry ni Dingdong with Kris Aquino, ang Segunda Mano, na ididirek naman ni Joyce Bernal, produced by Star Cinema, Agostodos Pictures, Inc., at Cine Media—ang film production nina Kris at manager nitong si Deo Endrinal.

NOT SERIOUS HORROR FLICK. Sa pakikipanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Erik Matti kamakailan, kinumusta namin ang "history" kung papaano nabuo o na-conceptualize ang project nila ni Dindong na The Aswang Chronicles.

"Well, we had a script, and then pinakita lang namin kay Dingdong, and gusto niyang gawin. So we decided to co-produce, I wrote the script," masayang simula ni Direk Erik.

"Story and screenplay ko. Puro CG, puro siya computer graphics, e, kaya medyo madugo."

Ayon kay Direk Erik, hindi serious horror flick ang pelikula kundi isang fun movie.

"Fun movie ito, hindi siya serious," aniya.

"Fun, adventure, action. Parang gano’n... Hindi siya seryoso."

Paano niya nasimulan ang concept ng pelikula? Matagal na ba ito sa kanyang "baul" pero ngayon lang nag-materialize na gawin?

"Matagal na naming gustong gumawa ng aswang movie. Nag-uusap kami ni Dondon Monteverde, we’re partners sa advertising at sa Reality nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nag-uusap kami, sabi ko, ’If we’re gonna do an aswang movie, dapat, me bago naman kaming dapat ipasok about aswang.’ Ayun, that’s how it came about.

"Ayaw din namin na parang maging super serious na horror. Gusto namin, fun movie.

"We have Joey Marquez, si Lovi Poe, si Ramon Bautista who’s a comedian, si Roi Vinzon who’s the male kontrabida."

THE STORY. Ano ang kuwento ng The Aswang Chronicles?

"The story is, Dingdong is a good-for-nothing boyfriend na nabuntis si Lovi.

"Sa opening ng movie, susunduin niya si Lovi sa probinsya kasi may kalokohan siyang ginawa. Iniwan siya. Nalasing siya, so may hangover siya.

"Sinundo niya si Lovi. E, never pa siyang pumunta sa bahay nung girlfriend niya.

"Then na-realize niya, kaya pala umuwi din yung babae, kasi birthday nito the next day. So, yun, magpakitang-gilas si Dingdong sa tatay ni Lovi [played by Joey Marquez] at sa nanay, he offered to buy a pig, pang-lechon.

"So, bumili siya ng baboy. Binarat-barat niya. Binastos niya yung nagbebenta, kasi actually yung pera niya sa wallet ay magkano lang.

"Only to find out that night na yung pig turns into aswang! And then, the whole family of the aswang was waiting outside of the house kasi kakainin nila yung buntis na si Lovi.

"Yun lang. That’s how the whole story evolved. And then siyempre, habulan sila, trying to prove himself, kasi siya lahat ang nagdala ng gulo, instead na siya pa yung tumulong sa family, kay Lovi.

"So, parang he has to turn things around in his favor, parang kailangan niyang i-prove ang sarili niya not just kay Lovi kundi pati sa buong pamilya niya. Kasi, siya yung nanggulo, di ba?" kuwento ni Direk.

Anong makikitang bago sa pelikula kay Dingdong?

"I think, of course, he’s doing an action character here, at the same time we’re gonna see a charming bad boy image ni Dingdong in a funny way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deglamorized ba ang character niya o good looking pa rin?

"No," aniya. "Magulo. Madungis. Lasing nga siya sa opening ng movie, di ba?"

PARTNERSHIP. Paano nagsimula ang partnership nila ni Dondon Monterverde, na incidentally ay anak ni Mother Lily Monteverde of Regal, at talent manager nina Mark Anthony Fernandez, Aubrey Miles, etc.?

"Well, it was Dondon talaga. Reality Entertainment is the film arm of Revolver Productions, which is our advertising company. Magkaiba silang companies."

Hanggang sa in-offer na nila ito kay Kapuso actor, o meron na talaga silang casting for the lead role, at nasa isip nila si Dong?

"I was already writing it [the script] noon, and I finished it last October 2010.

"Then sila ni Dondon [and Dingdong], they talked January or February 2011."

Ginawa ba niya ang original script base sa sarili niyang isip, o base ito sa libro, novel, or anumang printed material?

"Hindi e. It’s original," aniya.

"I didn’t have any role, any character, actor in mind because nung pinag-usapan namin ni Dondon, before pa pumasok si Dingdong.

"Gagawin sana naming maliit na maliit na movie lang. Of course, everything has changed now because we’re shooting the movie in the studio. Even exteriors, studio kami.

"Chroma lahat ’to. As in pinapapagawa namin lahat ’to. Yung sky namin, idye-generate namin, CG, kaya lumaki ang budget."

How did he go about the casting tulad nina Lovi, Joey, Roi, etc?

"Well, umupo kami. And then, every now and then, si Dingdong, Dondon, and me sat down..."

DINGDONG DANTES. Bakit si Dingdong ang napili nila for the lead character?

"Nag-timing lang," sabi ni Direk.

"Ganito yun. E, di isinabmit ko yung script. And then si Dondon, kami pa lang muna. Si Dingdong, wala pa. Wala pa kaming maisip-isip muna.

"Tapos, sabi ni Dondon, ’Ang ganda ng script! Sino kaya ang bida natin para dito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Don, wala pa nga e. Sige, isip na lang tayo.’

"Then, nag-partner si Dingdong at Dondon sa Gustavus [restaurant] sa Makati. So, nag-dinner sila.

"Pagkakita ni Don ke Dingdong sabi niya, ’Dong, gusto mo ba gumawa ng action na aswang movie?’

"Sabi ni Dong, ’Puwede, pwede. Tingnan natin... Bakit?’

"Sabi niya [Dondon], ’Me papadala akong materyal, tingnan mo lang kung mata-taypan mo.’

"So, usap kami ni Dondon. Sabi ko, ’Okey ba sa ’yo, Dingdong? Dapat, larger than life, heroic...’

"Pero yun na yung last namin na usapan. Nung pumasok na yung Dingdong na name, sabi ko, ’Dong, hindi na pwedeng indie ’yan...’

"Gusto sana namin noong una, indie [ang production]. Gusto namin sana to do it ng mga two million, three million pesos ang budget."

Hanggang sa nagkasundo na ang mga kampo nina Dondonm Direk Erik and Dingdong upang mag-merge to co-produce the movie, na early next year pa nakatakdang ipalabas sa mga sinehan.

"Less than a week, tumawag na si Dingdong, ’Game na ko dito! Blah-blah. Kelan tayo magmi-meet?’ sabi niya.

"E, me mga nagawa na kaming mga preparations, mga look, mga gano’n-gano’n. So pag-upo namin, unang upo pinakita na namin, ’Dingdong, this is a hologram...’

So, ang dapat sana’y "indie budget" at lumaki?

"Ang indie budget ay lumaki with Dingdong on board. We now wanted to be a through and through mainstream talaga. I mean, we wanted to... co-producer din siya, pinasok na rin niya..."

"We’re shooting [this] film first [susunod yung film niya with] Kris... We’re gonna need at least five months of CG...

"Ang computer graphics namin, hindi siya yung parang may ilang segundo na effects lang.

"Ito, mula simula, lahat ng exterior namin, dadagdagan namin ng kalsada yung maigsing kalsada kasi lahat isu-shoot sa loob ng studio, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahirap bang gawin ang pelikula kung outdoor ang location?

"Hindi,iniisip namin... Nag-compare kami... Actually, we did the side by side ng budget, [gagastos] lamang lang sa studio ng 200 thousand pesos.

"So, pag inisip mo, mas convenient sa studio. Makokontrol mo. Yung walang ulan. Pag gusto mong gabi, pwede mong pagabihin. Pag gusto mong day, pwede mong i-day," lahad ni Direk.

Bagay naman iyon sa concept nung pelikula?

"Oo, puwede, bagay. Di ba kasi fantasy? Comedy pa na me aswang."

So, hindi ito the typical aswang horror flick na karaniwan na "formula" nang pelikula na napapanood sa pelikulang Pilipino mula noon hanggang ngayon?

"Yeah, that’s why, I think that’s part of the selling also, to make it different, you come up with something that looks quite [different], pero at the same time, Pinoy pa rin.

"Ayaw naman naming parang Hollywood na, baka di maka-relate ang mga Pinoy. Ito, Pinoy na Pinoy pa rin," sabi ni Direk Erik.

Nakatakda ring gumawa ng pelikula si Direk Erik soon with Piolo Pascual, meron ding with Phoemela Baranda, among others.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN