Mark Herras back in the limelight with new danserye: "Gusto ko lang ipakita sa kanila na nagpahinga lang ako ng sandali."

Wala daw tampo si Mark Herras sa GMA-7 dahil sa tagal na nabakante siya sa paggawa ng teleserye.

"Kasi ganito po ’yan, well, napahinga po ako sa taping sa show pero andyan yung Party Pilipinas... SOP pa nun, at yung sangkatutak kong raket, out of town shows. Tsaka nag-guest ako sa Jillian, Namamasko Po. So, hindi naman po ako actually pinabayaan ng GMA, nagpahinga lang ako sa soap," he says.


Mariing pinabulaanan ni Mark Herras na may tampo siya sa GMA-7 dahil sa tagal na nabakante siya sa paggawa ng teleserye. Ang last na ginawa niya ay ang Langit sa Piling Mo with Heart Evangelista.

"Hindi, hindi naman, hindi po ako nagtampo. Kasi ganito po ’yan, well, napahinga po ako sa taping sa show pero andyan yung Party Pilipinas... SOP pa nun, at yung sangkatutak kong raket, out of town shows.

"Tsaka nag-guest ako sa Jillian, Namamasko Po. So, hindi naman po ako actually pinabayaan ng GMA, nagpahinga lang ako sa soap.

"At eto po dumating na siya [Time of My Life]. So, happy na ulit," ang sabi ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nung mga sandaling wala siyang soap, hindi, ba niya naisip lumipat sa TV5 at sundan ang kaibigan niyang si Rainier Castillo?

"Ayoko po, siyempre [may] utang na loob ako sa GMA-7 at hindi naman kasi nila ako pinabayaan; nagpahinga lang talaga ako."


BACK TO PRIMETIME. Anong pakiramdam na meron siyang primetime soap ulit?

"Siyempre masaya, yung pagka-busy namin sa trabaho, lalo na ako masyadong matagal kong hinintay ang trabahong ito. Ngayon dumating na. Araw-araw yung taping.

Hindi ba siya parang naninibago ulit?

"Siyempre nandun yung pagod, nandun ako ngayon sa target na may gusto akong ma-achieve this year.

"Yung trabaho ko, gusto kong ayusin, kasi andaming mga balitang nangyari before na wala na si Mark, puro negative. So, parang there’s a time na hindi ko naman sinasabing ipu-prove ko sa kanila na hindi ako nawala.

"Parang gusto ko lang ipakita sa kanila na nagpahinga lang ako ng sandali.

"Ngayon ito yung inaantay kong show. Perfect show para sa akin at hindi lang basta ito puro sayawan, may kasama ring drama. Andito lahat, big cast. Lola ko dito si Tita Caridad [Sanchez]. I’m so happy na naulit ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos yung staff at crew, choreographers, sila Direk Mark [Reyes] at Direk Andoy [Ranay], talagang nagtutulungan po kami. Kaya sobrang masayang-masaya po kami.

"Siguro sa lahat po ng show na naibigay sa akin, ito yung pinakanagustuhan ko. Kasi siyempre ito po yung forte ko-yung sayawan or yung dancing.


SLIMMER MARK. Bakit ang payat niya ulit?

"Kasi ganito po ’yan, ako po, mabilis tumaba. Pero once na sunod-sunod ang puyat, ayun, mabilis din akong pumayat."

Pero parang bumabagsak yung katawan niya...

"Puyat lang po. Katulad niyan, bukas may taping ako, tapos Thursday, Friday rehearsal lang. Mababawi ko rin yung tulog ko, tulog lang ang kailangan ko para tumaba ulit."

Ano ba ang pinagpupuyatan niya bukod sa taping?

"Wala, wala talaga, taping lang po talaga. Tsaka may cut off na ako. Kapag alam kong may trabaho the next day, matutulog na ako, hindi ako magpupuyat."

YNNA ASISTIO. Gaano na sila katagal ni Ynna Asistio?

"Three years na."

Si Ynna na ba ang pinakamatagal niyang naging girlfriend? Ilang years ba sila noon ni Jennylyn Mercado?

"Oo... Si Jennylyn one year and five months, tapos si Ynna three years na."

Totoo bang galante siyang magregalo at hindi niya pinapagasta si Ynna? Ibinibili daw niyang iPad, laptop at iba pang gadgets ito.

"Ang hirap namang ipaliwanag yun, basta no comment! Mahirap kasi i-explain kasi nagreregalo po ako, kasi alam ko yun yung gusto ng tao.

"Hindi ko po siya tinatanong kung gusto niya ba ito. Nagtatanong ako sa mga tao na alam kung ano ang gusto niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN