Sarah Lahbati says she has no plans to join a beauty contest: "Gusto ko po maging actress talaga, yung one day magkaka-award."

Sarah Lahbati wants to debunk the myth that mestizas cannot act.

"Yung bang pag may makita silang mestiza, ang iniisip nila hindi marunong umarte. Gusto ko lang matapos yung ano na yun na parang the usual thing that’s happening before... Gusto ko patunayan... hindi naman patunayan, I have nothing to prove... I just want to entertain the viewers and I want to show what I have in me," she says.


Kapuso star si Sarah Lahbati pero may mga kaibigan siyang Kapamilya stars.

"Yung sa mga young stars po, super-close ko si Lauren Young, yung guys ng The Vibe, sina Enrique [Gil], si Aaron Villaflor," bungad na pahayag ni Sarah nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Time Of My Life, GMA-7’s new danserye.

Paaano niya nakikilala at naging close ang mga taga-kabila?

"Pag may common events, yung mga sponsors namin, di ba?"

Nilinaw ni Sarah ang tsikang isa sa mga nanliligaw sa kanya si Aaron, hindi daw.

"Hindi naman po."

Ayaw ba niya sa mga nanliligaw sa kanya?

"Siyempre alam nila na sobrang workaholic ako, na sobrang focused ako sa career ko. Pero that doesn’t mean I’m closing my doors when it comes to those kinds of things."

Sa GMA daw ay walang nanliligaw kay Sarah.

"Siguro kasi sa GMA di ba halos araw-araw nagkikita kami, nagkakasawaan na," natatawang sinabi niya.

Ano ang reaction ni Sarah na ang dating nali-link sa kanyang si Enzo Pineda ay masugid na nanliligaw ngayon sa tween star na si Louise delos Reyes?

"Ah well... for me I guess as long as happy si Enzo since super close ako sa kanya as long as nakikita ko siyang smile nang smile, iyon ang importante para sa akin and kung malungkot man siya or kailangan niya ng kaibigan nandito lang naman ako for him."

Sinabi ba sa kanya ni Enzo na manliligaw ito kay Louise?

"Nagkukuwento po siya noon, nung nililigawan niya siya."

Close ba sina Sarah at Louise?

"Hindi ko po masyadong nakakausap pero sa Party Pilipinas hi-hello lang."

Nilinaw naman ni Sarah (at ni Diva Montelaba) ang balitang next year ay sasali na siya sa Miss World-Philippines or sa Binibining Pilipinas...

"Hindi po. Si Diva lang po pero ako, wala po sa puso ko yung mga ganung contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po maging actress talaga, yung one day magkaka-award, sobrang gusto ko matapos sa Pilipinas yung kinasanayan ng tao na, ’Ay ano ba tong ano na to?’

"Yung bang pag may makita silang mestiza, ang iniisip nila hindi marunong umarte. Gusto ko lang matapos yung ano na yun na parang the usual thing that’s happening before.

"Or ’Nandiyan lang yan dahil sa mukha niya,’ ganun.

"Gusto ko patunayan... hindi naman patunayan, I have nothing to prove... I just want to entertain the viewers and I want to show what I have in me."

So kahit anong pilit sa kanya ay hindi siya sasali sa kahit anong beauty contest.

"Hindi."

Nagsasalita na siya ng tapos?

"Yeah."

BACK TO SCHOOL. Kakapasa lang ni Sarah ng college entrance exam sa Dela Salle bilang 1st year college last May.

"I’m just waiting for the schedule kasi hindi ko maisingit so either October or next year; pinag-iisipan ko pa kung pagsasabayin ko."

Her choice of course?

"Tatlo yung choices ko: Diplomatic Affairs, Music Production and Theatre Arts.

"Hindi ko pa po alam [kung ano], kasi gusto ko yung Diplomatic Affairs pero naisip ko nasa showbiz na ako, I’m 17 and I’m already working so [I] might as well choose a course na makakatulong sa kinalalagyan ko po ngayon, so Theatre [Arts] or Music Production.

Sarah will turn 18 years old on October 9.

Ngayong mag-18 na siya, mas maluwag na ba ang parents niya sa kanya?

"Feeling ko mas maluwag ng konti pero hindi naman to the point na magwawala na si Sarah Lahbati kapag nasa labas or ano. Kasi si mama, ano po siya, talagang sinanay niya ako sa Pinoy culture... tama lang, hindi yung nasasakal din. Yung tama lang sa kung ano ang dapat kong malaman sa buhay, ganun."

Naitanong rin kay Sarah ang tungkol sa balitang siya ang unang choice na magbida sa Blusang Itim na eventually ay napunta kay Kylie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, nung una nalungkot ako siyempre. Hindi ko naman sasabihing ’Okay lang, okay lang!’

"Sa akin, ang showbiz ko naman kung... nalungkot ako nung una pero for me, I don’t wanna think negatively. Hindi ito para sa akin, [so] hindi para sa akin.

"God has better plans for me, I know na may darating din para sa akin, kung ano yung deserve ko."

Ano ang alam niyang rason kung bakit hindi siya natuloy sa Blusang Itim?

"Ah hindi ko na po siguro... hindi dapat manggaling sa akin yun, I don’t really know din what really... yung truth so ayun...

"Pero ano, okay naman po ako ngayon, I’m happy with everything that’s been going on and nag-aantay ako na mabigyan ako ng... yung project kung saan maipapakita ko kung anong blessing meron ako."

DARNA, KAPAMILYA. Dati ay naitanong kay Sarah: Between Darna and Dyesebel, sino ang mas gusto niyang role? Pinili ni Sarah ay Dyesebel. Pero ngayong balitang nasa ABS-CBN na ang proyektong ito...

"Ay wala na yung Dyesbel? Ayyyy... talaga?

"Okay lang, nagsusulat naman po ako ng story e.

"Pero bitin po, hindi pa tapos. Sobrang heavy, heavy drama."

The cast Sarah has in mind...

"May kapatid ako, ang ate ko si Ate Jennylyn Mercado, kuya ko si Sid Lucero, tapos ka-loveteam ko si Alden Richards. Tatay ko si Christopher de Leon. Tapos, hindi pa ako nakakaisip ng nanay ko kasi ang daming magaling dito sa GMA."

Bakit si Alden at hindi si Enzo ang napili niyang maging leading man sa naiiisp niyang project?

"May ganun?" at tumawa si Sarah. "Ang galing po kasi ni Alden na umarte."

Hindi ba magaling umarte si Enzo?

"Hindi ko po sinasabing hindi siya magaling pero... siguro nung sinulat ko yung story and characters, siya yung una kong naisip dahil nakasama ko po siya sa workshop and nakita ko kung paano siya mag-handle ng isang role. Iyon po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENZO ISSUE. Once and for all, nanligaw ba sa kanya si Enzo noon?

"I guess... opo."

Binasted niya?

"Hindi, hindi.

"I guess ano kasi, kahit na wala sa itsura ko yung pagiging Pinay na Pinay, yung nanay ko, e, pinalaki ako na yung tipong gusto ko, pag nililigawan ako or may mami-meet ako na guy na magugustuhan ko, gusto ko yung magiging best friend ko muna, so parang ang tagal ng proseso, so baka sabi... ewan ko baka nabagalan siya," at muling tumawa ang dalaga.

Paano kung naghintay si Enzo; may chance ba na sagutin niya ito?

"Baka. Kaso nakikita ko sa kanya na happy siya and ako happy ako sa kung saan ako ngayon, kung anong meron ako."

So masasabi ba niyang medyo nalungkot siya na nanligaw na si Enzo kay Louise?

"Let’s put it this way; nalungkot ako dahil medyo hindi na kami masyadong nagkita. Kasi before sobrang... siguro mga three or four times a week yung parang dinner, sine.

"Kahit na kasama yung parents niya, parents ko, dinner lang, ganun, simple lang po, kuwentuhan, tawanan.

"Siguro dahil din sa work, naging busy siya. Naging busy din po ako, so ayun."

Nainip nga siguro si Enzo...

"Hindi ko siya natatanong kasi it’s awkward, pero for me, okay na ako sa kung anong meron ako now."


At isa sa nakapagpapasaya kay Sarah ay ang bago niyang project, ang Time Of My Life na kung saan gumaganap siya bilang si Pia.

Ang iba pang young stars na cast members ng Time Of My Life ay sina Ryza Cenon bilang si Rochelle, Steven Silva (as John), Sef Cadayona (as Harry), Yassi Pressman (as Terry), Myra Carel (as Paula), Ken Chan (as Rudolf), Teejay Marquez (as Chicho), Renelee Asilum (as Cynthia), Mayton Eugenio (as Amera), si Diva bilang si Lally, at si Enzo bilang si Donnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga bida dito sina Kris Bernal, Mark Herras (as Patrick) at Rocco Nacino (as Jason).

Nasa show rin ang mga batikang artistang sina Jean Garcia (as Lisa), Raymond Bagatsing (as Fred) at si Ms. Cherie Gil (as Martha), pati na rin sina Emilio Garcia (as Gregory), Samantha Lopez (as Lucinda), Rez Cortez (as Douglas), Ronnie Henares (as Vernon), Geleen Eugenio (as Janet), Tanya Gomez (as Carlotta), Joshua Zamora (as Mario) at si Ms. Caridad Sanchez bilang si Lola Becky.

Ipapalabas na ito sa Primetime Block ng GMA sa Lunes, August 1, sa direksyon nina Mark Reyes at Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN