Assunta de Rossi plays mother role to Erich Gonzales in Filipino adaptation of Mexicanovela

Ano ba ang nakakapagpasaya kay Assunta de Rossi kahit wala pa siyang anak?

"Counted ba ang Yorkshire terriers? Kasi yun ang nagbibigay ng happiness sa amin. Dalawa yun. Two boys. Neo and Tadeo. At mahal na mahal ng mga anak ko, parang mga kapatid nila," she says.


Sa bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Pinoy adaptation ng Mexicanovela Maria La Del Barrio, na pagbibidahan ni Erich Gonzales, mother role na ang natokang ibigay kay Assunta De Rossi dito.

Ginagampanan niya ang papel bilang biological mother ni Erich.

Ikinatutuwa ni Assunta ang pagtatanong ng press kung bakit tumanggap siya ng mother role samantalang halos magkapatid lang sila ni Erich sa itsura.

Ipinaliwanag naman ni Assunta na maganda naman ang role niya at bilang isang artista hindi nito dapat nililimitahan ang sarili sa mga roles na puwede niyang gawin.

Ipinaliwanag rin niyang mas nakakataba raw ng puso kapag naging epektibo ang pangganap mo sa isang papel kaysa naman halos hindi ka matandaan ng tao dahil wala kang ginawa.

Nagpapasalamat lang si Assunta sa mga papuring natatanggap niya mula sa mga kaibigang press.

"Ako kasi, kapag tumanggap ako ng role alam kong sigurado ako sa gagawin ko. Pagbubutihin ko. Kung magiging effective ako sa mother role, ibig sabihin gusto nila ang portrayal ko.

"Yung mga pagtanggap naman ng roles, pinag-uusapan naman namin ng management ko," paliwanag niya.

Maliban sa kanyang career, hindi pa rin maiwasang hindi matanong sa interview ang estado ng kanyang personal na buhay. At sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mahusay na aktres, sinabi nitong nanatiling maganda ang pagsasama ng buhay nila ng mister niyang si Congressman Jules Ledesma.

"Ako naman kasi, I can have the best of both worlds. Masuwerte ako sa ganon. Parehong masaya. Masaya ako sa personal life, masaya ako sa paga-artista. Hindi ako naniniwalang hindi lahat mapupunta sa iyo e. You can. You can. Nasa sa iyo naman yun at sa taong nakapaligid sa iyo."

Hanggang ngayon hindi pa rin matapos-tapos ang pagtatanong tungkol sa buhay may-asawa ni Assunta.

May mga nagsasabing malungkot raw ito kaya naman gustung-gusto nitong naga-artista para maibsan ang kung anumang lungkot nito. Pero patuloy na ipinagdidiinan ni Assunta na walang isyu sa kanyang personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na akong masasabi sa personal life ko. Kasi, unang-una, sobrang positibo at baka makornihan pa kayo. Saka nobody cares rin naman.

"You know, na-trauma na kasi from last year na masyadong maraming inimbento sa amin, nagsinungaling... hindi na.

"When it comes to my personal life parang... you know, you were saying something na positibo, honest, binabaliktad pa rin."

Ano ba yung huling isyu nakapagpapikon sa kanya?

"Marami. Lahat! Basta, I’m avoiding it na talaga. Hindi na ako nagkukuwento kahit kailan."

Paano ba tumatakbo ang buhay ni Assunta sa likod ng kamera? Gaano ba ito kasimple o ka-grandiosa? Ano ba ang nakakapagpasaya sa kanya kahit wala pa siyang anak?

"Counted ba ang Yorkshire terriers? Kasi yun ang nagbibigay ng happiness sa amin. Dalawa yun. Two boys. Neo and Tadeo. At mahal na mahal ng mga anak ko, parang mga kapatid nila," nakangiti niyang pahayag.

Ayaw na raw alalahanin pa ni Assunta ang mga isyung ibinato sa kanya noong nakaraang taon kahit sinasabing dapat raw ay sanay na siya sa mga intrigang showbiz dahil matagal na rin siya sa mundong ito.

"Ahmmm, ganito na lang... hindi ako tumuntong ng kolehiyo. Proud ako sa pagkatao ko dahil nag-iisip muna ako bago magsalita. At nagri-research muna bago mag-comment. Yun lang. It’s not about super-dooper intelligence. It’s about your heart.

"Kung ano yung intensyon. I am proud na pinalaki ako ng mga magulang na ganon. Ang mga magulang ko mababaw lang naman ang mga kaligayahan nila e.

"Apat kaming babae. Isa lang ang gusto nila sa amin — na huwag lang maging hayop ang pag-uugali. Yun lang."

May ilang taon na ring laging natatanong kay Assunta ang tungkol sa hindi nito pagkakaroon ng sariling anak na idinidikit sa isyung kaya raw siya malungkot. Ang ganitong mga pang-i-intriga ang minsang nakakapagpabago ng mood ng aktres na nakita namin sa puntong ito ng interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"God is what makes you happy — not kids. It’s not the solution to everything... It’s really faith in God. When you give faith in God, you can have everything.

"Hindi ka magkukulang sa buhay mo...akala lang ng tao. Yun ang tingin ng tao pero para sa iyo parang punung-puno ka e."

Tumanggi nang sumagot pa sa ibang tanong si Assunta. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong i-entertain ang iba pang questions ng press sa kanya.

"We’re blessed thank you! Thank you! Salamat po. Basta, we’re blessed!" pilit na nangingiting sambit ni Assunta.

Aminado naman siyang napipikon na siya sa mga isyu sa kanya.

"Kaya nga hindi na ako nagsasalita di ba? What’s the point? You’re saying something nice, babaliktarin naman nila? Hindi na..." seryoso niyang paliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN