Aiko Melendez says she doesn’t feel awkward working with Cristine Reyes, sister of Ara Mina with whom she had a falling out

Does Aiko Melendez (above) feel awkward working with Cristine Reyes in the teleserye Reputasyon?

"Di ko kinakitaan si AA [nickname ni Cristine] ng pagkakataon na mailang sa akin. In fact, ayoko na rin yang pag-usapan kasi di rin siya aware sa nangyari. It’s only me and Ara [Mina] who can talk about it," Aiko says.

Ara was once linked to Aiko’s ex-husband Jomari Yllana.

<



Marami ang nagsasabi na bagay na bagay at nabibigyan ng justice ni Aiko Melendez ang role niya as the villainess, Catherine Villamayor, sa teleseryeng Reputasyon.

Sa istorya sa TV, kontrabida sa buhay ni Cristine Reyes si Aiko. Kabaligtaran naman ito sa totoong buhay kung saan close at magkaibigan sa ngayon ang dalawang aktres.

Open book na minsan ay nagkaroon ng malalim na alitan si Aiko at ang nakakatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina over Jomari Yllana.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday kay Aiko, tinanong namin kung hindi ba sila nagkaroon ng ilangan ni Cristine? At kung hindi, maaaring bang maging tulay ang aktres para matuldukan na ang naging away nila dati ni Ara?

"Ilang? No, kasi before I accepted the project through Carmina [Villaruel] — si Carmina is really close to AA [nickname ni Cristine]— I made sure she won’t feel na maiilang sa akin and gusto lang naming magtrabaho.

"Di ko kinakitaan si AA ng pagkakataon na mailang sa akin. In fact, ayoko na rin yang pag-usapan kasi di rin siya aware sa nangyari. It’s only me and Ara who can talk about it," ang sabi ni Aiko.

"Kami ni Cristine, we don’t really talk about her [Ara], e. When we have a scene, we talk about work, we talk about different stuff.

"That is a sensitive thing na we both don’t want to touch kasi baka iba ang maging ano. Ayaw naming ipilit, saka siguro nahihiya din sa akin si AA. That was parang the unspoken agreement," dagdag pa niya.

Tinanong din namin si Aiko kung sa kabila ng matagal panahon na nangyari ang lahat, may sama pa ba siya ng loob kay Ara? Bukas ba siya sa pakikipag-ayos dito?

"Wala na, kasi ang tagal-tagal na. Di na nga naaalala ng tao kung ano yung nangyari. Ako talaga, I have moved on, in the truest sense of the word.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman kasing imposible sa mundo di ba? Di mo ma-e-expect kung ano ang mangyayari. I’m just hoping for the best. Ang gusto kong attitude na lang is yung mangyari ang dapat na mangyari.

"Ayoko rin na may media na involved para di nalalagyan ng kulay. Ako, I don’t want to plan things. Let things hapen naturally. Ayokong mapagbintangan na [plastic].

"Hindi mo talaga mapi-predict ang isang sitwasyon unless you’re there already. I’ll just wait for the proper time na magkita na lang kami, without talking about the past, then maging OK na kami."

POLITICAL IMAGE. Sa husay ng pagganap ni Aiko as a badly behaving politician’s wife sa Reputasyon, may mga nagsasabing baka makaapekto raw sa image ng aktres at madamay pa ang kanyang political career pag tumakbo siya sa susunod na eleksyon.

"I don’t think so, I always believe na yung mga tao ngayon have matured. Actually ang nakakatuwa nga niyan, whenever I go out, they approach me and call me Catherine and that’s something for me.

"That means na nakikita nila yung caharcter ni Catherine more than Aiko Melendez and I don’t see any problems with that."

Aiko even assured us na mas marami pang dapat abangan sa Reputasyon sa mga darating na araw.

"Marami silang dapat abangan, ngayon unti-unti nang naipapakita kung saan at ano ba ang pinanggagalingan ng character ko. Dapat abangan nila yung mga confrontation scenes naming dalawa ni AA, yung mga scenes na di mo akalain na ganun yung twist ng istorya so kailangan mo talaga siyang abangan.

"Ngayon nga nagte-taping kami kahit may bagyo, tinatapos namin yung mga kailangan for airing. Patindi kasi ng patindi yung story."

In spite of her tight schedule, Aiko still spends quality time with her kids. She’s thankful for the good relationship she has with her children’s fathers, Jomari Yllana and Martin Jickain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sunday is really my time with [my kids]. Pag walang taping, I spend time with them. I always believe na hindi naman sa quantity ng time, sa akin talaga ang mahalaga ay yung quality of time together.

"Wala rin namang problema kina Jom and Martin. In fact, nung Sunday, kasama ni Martin si Andrei and Marthena. Ganun din naman si Jomari, so wala talaga akong problema with my exes. Happy ako sa sitwasyon namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN