Mo Twister-Ogie Diaz word war spills over to their loved ones

"Fourth or fifth time, binanggit niya yung daughter ko, [who] is just a little girl. Iyong halaga ng anak ko sa akin, I’m sure, halaga ng nanay niya sa kanya. So, if you want to talk about my daughter, let me talk about your family. That’s my stand," says Mo Twister (in photo) about Ogie Diaz.


Matindi ang nagiging bangayan nina Mo Twister at Ogie Diaz recently dahil pati anak ni Mo at nanay ni Ogie ay nadadamay sa awayang ito.

Sa panayam sa dalawa na inere kanina, July 30, sa Cinema News Alert sa SkyCable Channel 56, halatang umuusok pa rin sa galit si Mo habang nagpapaliwanag.

Nag-ugat ang awayan ng dalawa dahil sa gulo nina Vice Ganda at Direk GB Sampedro. Si Direk GB ang nagdirek ng huling concert ni Vice sa Araneta Coliseum noong July 1.

Si GB rin ang direktor sa show nina Mo na Paparazzi ng TV5 kaya ipinagtatanggol ito ni Mo, and in effect ay nasasagasaan naman dito si Ogie, na manager naman ni Vice.

"Hindi ko naman winish na mamatay [ang mother ni Ogie], ang sabi ko ay ise-celebrate ko na lang...." paunang paglilinaw ni Mo sa lumalalang isyu nila ni Ogie.

"Wala naman akong problema with Vice, si Vice lang got into a little bit of problem or something with the director of the show... It just so happened na the director ay director namin...

"So, si Ogie ay parang sinabi niya na yung direktor namin ay ’tsismoso.’ And I just thought na si GB ay isa sa pinakamabait na director that I’ve worked with.

"And I thought as a friend, that I have an obligation to defend him and the moment I did, Ogie goes on Twitter and always talked about my daughter."

Sabi ni Mo, ang anak niya kay Bunny Paras ay nasa Amerika at may sakit, ngunit ayaw raw niyang pag-usapan iyon dahil menor de edad pa ito.

Sabi pa ni Mo, "Fourth or fifth time, binanggit niya [Ogie] yung daughter ko, [who] is just a little girl.

"Iyong halaga ng anak ko sa akin, I’m sure, halaga ng nanay niya sa kanya.

"So, if you want to talk about my daughter, let me talk about your family. That’s my stand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If Ogie has a problem with me, let it be about me," pahayag pa ng kontrobersiyal na TV host.

Idinagdag pa ni Mo na hindi alam ni Ogie ang sitwasyon ng anak niya at ni Mo kaya wala itong karapatang magsalita ukol sa bata.

"How do you know, Ogie, kinakausap mo ba yung anak ko more than me? Kasama mo ba yung anak ko every summer dito?

"She’s in the States, so I go to the States four times a year. Dinadalaw ko siya or my daughter will come here for the summer.

"That’s the best I can do... kasi she lives in the States."

Pagkatapos ng ilang paliwanag ay nagbuga pa ulit ng matitinding salita si Mo.

"Ogie Diaz is amongst the worst kind of people in this business!" sabi nito.

"He makes this industry unhealthy and kung tumatawag siya sa ibang reporters na, ’O sige, tulungan mo naman ako kay Mo, tirahin mo naman si Mo sa dyaryo...’

"I don’t care."

Although hindi naman totally isinasara ni Mo na matapos ang gusot nila ni Ogie dahil sinabi rin nito na, "Sure, but how about stopping and not talking... stop talking about my daughter?

"My style of dealing with it is I want you to meet me, not pick on little children...

"If you do that, I’ll pick on your mother, I’ll pick on your child...

"You are a hypocrite, that’s what you are!" patuloy pa niya.

"If Ogie wants to say sorry, he can try. Will I forgive him? Probably not and he can kiss my ass."

OGIE EXPLAINS. Sa parte naman ni Ogie, sinabi niyang wala siyang masamang ginagawa sa anak ni Mo, at dapat pa nga raw magpasalamat sa kanya ang TV and radio host.

Aniya, "Siyempre, hindi kasi masyadong makaintindi ng Tagalog, si Mo, e, pero Tagalog ang pagkakasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko idinadamay ang anak mo, okay?

"Ganito ang eksaktong sinabi ko: Bakit ka magpapakasira sa isang babae, e, heto ang anak mo, naghihintay lamang sa iyo na mayakap mo at madalaw mo. Puntahan mo iyong anak mo dahil alam ko at alam mo na iyon ang isang babae na totoong magmamahal sa iyo."

Unlike Mo, cool naman si Ogie sa mga pahayag niya hinggil sa isyung ito.

"Okay lang yung magsagutan sa isyu, pero yung magwi-wish ka na mamatay yung nanay ko, kahit sino naman yatang anak, kahit sino naman yatang tao, basta nanay na yung naano, talagang hindi nila matatanggap iyon.

"Hindi ko naman idinadamay yung anak niya, e. Baka nga saluduhan ako ng anak niya, e—salamat po na pinu-push n’yo yung tatay ko na dalawin ako, na yakapin ako—baka nga ganoon ang sabihin ng anak niya, e.

"Maaaring isa sa mga araw na ito ay magkakausap din tayo at sino ba ang hindi magwi-wish na tayo ay magkabati?

"Maliit lang ang mundo, baka nga pagtawanan lang natin ito, e," ayon pa kay Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN