Eugene Domingo says if she were to date a hunk, it would be Dingdong Dantes

In an "anything goes" interview on StarTalk TX, Joey de Leon asked Eugene Domingo (above): If she could not be an actress, what job would she get?

"Siguro ang magiging trabaho ko ay bank teller or bank manager. Dahil mahilig akong humawak ng pera," Eugene said.


Live na nag guest ang mahusay na aktres at komedyanang si Eugene Domingo sa StarTalk TX kahapon, July 30, at sa nakakaaliw na interview sa kanya ng host na si Joey de Leon, sinagot ni Eugene ang "anything goes" na mga tanong sa kanya.

Ang unang itinanong ni Joey kay Eugene ay "Kung hindi ka naging artista, ano’ng trabaho mo ngayon?"

"Siguro ang magiging trabaho ko ay bank teller or bank manager. Dahil mahilig akong humawak ng pera," ang sagot ni Eugene.

"Seriously! Nung bata ako gustung-gusto ko pag dinadala ako ng nanay ko sa bangko kasi. Tapos tatawagin ng bank teller yung pangalan mo tapos bibigyan ka ng pera.

"Tapos yung bank teller laging may hawak na pera kahit hindi sa kanya," ang tumatawa pang sinabi ni Eugene.

"At tsaka yung mga tseke-tseke, ganyan, mga sulat-sulat, sarap!"

Dahil kaka-celebrate lang ni Uge ng kanyang 40th birthday last July 23, tinanong naman siya kung sa mga nakaraang birthdays niya ay kung ano ang hate na hate niyang regalong natanggap niya.

"Naku hindi mahirap magsabi ng hate na regalo kasi regalo pa rin yun, di ba? Ah huwag ninyo akong reregaluhan ng mga bagay-bagay na hindi ko magagamit. Yung parang ipinasa n’yo lang sa akin kasi libre sa wedding, sa binyag, yung mga dini-display, hindi po ako mahilig sa ganyan.

"Ang gusto kong nireregalo sa akin yung nauubos, kinakain, sinisindihan, naaamoy.

"Hindi kailangang mahal, ha? basta nagagamit, kahit shampoo."

Sumunod namang tinanong si Uge kung sino sa mga hunks ang gusto niyang makasama in private sa ideya niya ng date.

"Talaga? Kasi siyempre, hinahangaan ko at pinasasalamatan ko dahil kasama ko siya sa launching picture ko, kung hunk at hunk din lang siyempre gusto kong makasama ulit si Dingdong Dantes!

"Tsaka kasi iba yung aming connection pagdating sa gusto naming gawing pelikula, ganyan. Kasi si Dingdong Dantes talagang hindi niya nililimitahan ang sarili niya bilang artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hunk na hunk nga si Dingdong, pagsesegunda pa ni Joey sa choice ni Uge.

"Oo, Superman! In fact, nami-miss ko siya. Malapit na," sabi pa ni Uge na marahil ang tinutukoy ay ang nalalapit nilang pagsasama muli ni Dingdong in a project.

Saan niya gustong mag-date sila ng aktor?

"Siguro sa isang lugar na nature ang nasa paligid namin, tapos may tumutugtog diyan na parang mga ethnic. Hindi kailangang maganda ang mga ayos namin, hindi kailangang parang mukha kaming artista, yung normal lang."

Tinanong naman ni Joey si Uge, "Kung sakali nasa isang bangka kayo ngayon, si Marian [Rivera], si Heart [Evangelista] at ikaw..."

"O bakit naman nasama yung dalawa, sabi ko na nga ba,e! Dudugtungan mo ko e, " ang tawa nang tawang reaksyon ni Uge.

"Halimbawa isa lang sa kanila ang puwede mong isama papunta sa island kay Dingdong, pero chaperone lang sila; sino ang itutulak mo?" patuloy pang tanong ni Joey kay Uge.

"Kailangan bang itulak? Hindi ba puwedeng tumawag na lang ng isa pang bangka, tapos sasabihin ko ’Uwi ka na!’ Puwedeng huwag nang itulak?

"Sa palagay ko pareho namang hectic ang schedule nila, ako na lang ang sasama talaga, kasi ako naman talaga yung nag-invite kay Dingdong, di ba? Mag-work muna sila."

Ano ang suot nila sa date nila?

"Siguro puwede na yung babahagin, ethnic e, parang Tarzan and Baby Jane lang kami."

Kung may mga titulong tulad ng Diva, Concert Comedy Queen, Asia’s Songbird, ano ang gustong title ni Uge?

"Oo nga lagi ngang tinatanong sa akin yung tungkol sa mga titulo-titulo. Ang gusto ko talagang titulo, titulo ng bahay at lupa para tapos na, e. Maraming-maraming titulo, e.

"The Cross-Over Queen! Gusto ko yan. Kasi nagko-cross-over kahit saan. Puwede ako sa stage, puwede ako sa film, puwede ako sa TV, puwede ako sa lahat ng mga istasyon, alam mo na," pahayag pa ng bida sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN