Patrick Garcia on Luis Manzano dating his ex-girlfriend, Jennylyn Mercado: "Sana mapasaya niya si Jen if ever, you know... Tsaka sana mahalin ni Luis si Jazz."

Sa kanyang pamamahinga sa showbiz, ibinuhos daw ni Patrick Garcia ang kanyang oras sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

"Well nung una ano e, nung una, palipat-lipat si Jazz; kasi three days sa akin, four days, ganun. Pero we both decided na dapat isang bahay lang ang makilala niyang bahay niya para hindi siya ma-stress, hindi siya maguluhan so we both decided na bahay ni Jen," says Patrick.


Mahigit isang taon ding nagpahinga sa paggawa ng showbiz projects si Patrick Garcia.

Ngayon, balik-acting na naman si Patrick dahil kasama siya sa pinakabagong primetime series ng GMA, ang Iglot.

"Na-miss kong umarte because one year din akong hindi nagtrabaho, so iyon. Very excited at the same time, you know, kabado siyempre. Medyo baka kulang na ako sa praktis or whatever," ang natatawang sinabi ni Patrick sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX kahapon, July 30.

Sa kanyang pamamahinga sa showbiz, ibinuhos daw ni Patrick ang kanyang oras sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

"Masaya to have a baby, to have a kid, I’m very happy. Nag-aaral siya ngayon, [sa] pre-toddler school, iyon and I’m very excited because everyday may nadi-discover siyang bago... and natutuwa ka because you see him growing up.

"Well nung una ano e, nung una, palipat-lipat si Jazz; kasi three days sa akin, four days, ganun. Pero we both decided na dapat isang bahay lang ang makilala niyang bahay niya para hindi siya ma-stress, hindi siya maguluhan so we both decided na bahay ni Jen.

"Ako na nagbibisita almost every day, basta wala akong ginagawa, bumibisita ako."


Alex Jazz will turn 3 years old this coming August 16. May plano na ba sila ni Jen para sa birthday party ni AJ?


"Well, Jen and I have to plan for that siyempre. Last year ang motif namin is cars, e.

"Now we don’t know. He still like cars. Whether simple or bongga, basta ang importante, kumpleto kami. My family is there, Jen’s family is there, iyon lang ang importante.

"Everybody who loves him and important to him is there. No matter if it’s a big celebration or a small celebration."

Mas okay na daw ngayon ang relasyon nila Patrick at Jen bilang mga magulang ni AJ, pero ano ba ang masasabi ni Patrick sa pagkaka-link ng ina ng kanyang anak kay Luis Manzano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, I know Luis, and I’ve worked with him before and he’s a very nice guy and a gentleman. Wala akong masasabi and sana, mapasaya niya si Jen if ever, you know, if ever magkatuluyan sila. Tsaka sana mahalin ni Luis si Jazz. Yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN