Kean Cipriano on accusation that he is using Eugene Domingo and Vice Ganda: "Never ever in my life na nanggamit ako ng tao para maabot ko ang gusto ko."

"I am just so blessed to have Eugene and Vice sa daan na tinatahak ko. Dumating sila sa buhay ko na hindi ko naman ine-expect. I’m gonna keep them. I am very sincere pag sinabi kong kaibigan ko itong taong ito," says Kean Cipriano about Eugene Domingo and Vice Ganda.


First movie ni Kean Cipriano ang Ang Babae sa Septic Tank, na nanalong Best Film for New Breed Category sa Cinemalaya 2011. Produced ito ng Quantum Films, Martinez-Rivera Films, at Straight Shooters Media.

Mula sa pagiging vocalist ng bandang Callalily ay pinasok na ni Kean ang pag-aartista; noong una sa telebisyon at ngayon nga ay sa pelikula naman.

"Nagpapasalamat ako sa aming direktor, sa mga producers, sa mga nakasama kong artista—sina Ate Uge (Eugene Domingo), JM (de Guzman), Cai (Cortez), at iba pa, pati na rin sa mga staff at crew dahil naging memorable para sa akin ang first movie ko.

"Masaya ako na kinuha ako para sa movie na ito. Biruin mo, first movie ko, e, award-winning agad, di ba?

"Sino ba naman ang hindi matutuwa nun?" sabi ni Kean.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank na ginanap last July 29 sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Bukod sa Best Film Award, tatlo pang Balanghai trophies ang nakamit ng kanilang pelikula sa Cinemalaya—Best Director para kay Marlon Rivera, Best Screenplay para kay Chris Martinez, at Best Actress para sa bida nitong si Eugene. Ito rin ang nagkamit ng Audience Choice award.

Natutuwa rin si Kean na mas maraming tao na ang makakapanood ng Ang Babae sa Septic Tank ngayong ire-release ito commercially ng Star Cinema, at ipapalabas na sa mga sinehan nationwide simula sa Miyerkules, August 3.

Aniya, "Siyempre happy kaming lahat dahil kung marami ang nanood ng screenings sa CCP at sa iba pang venues, marami pa rin ang hindi nakakapanood at gustong panoorin ang movie.

"Thankful lang kami sa Star Cinema dahil one week after ng Cinemalaya ay ire-release na nila ang movie namin."

Tuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng pelikula?

"Kung may dadating pa, bakit hindi?" sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m willing to make more movies. Happy ako sa first movie ko kaya gusto ko pang gumawa ng marami."

Isa lang ang sinisigurado ni Kean sa kanyang music fans—kahit na nag-aartista na siya ay hindi naman niya iiwan ang pagkanta at pagbabanda.

EUGENE DOMINGO. Malaking bagay para kay Kean na si Eugene agad ang nakasama niya sa kanyang first movie. Marami raw advice na ibinigay ang aktres sa kanya at naging close pa sila.

"First time ko talagang gumawa ng movie," sambit ng singer-actor.

"Noong una, akala ko madali lang siya. Pero noong ginagawa na namin, hindi lang pala siya madali, masaya pa siya dahil nakatrabaho ko si Ate Uge.

"Na-inspire ako sa mga pinaggagawa namin. Dahil diyan, gusto ko pang gumawa ng maraming-maraming pelikula."

Hindi naman maiwasang maintriga si Kean kay Eugene, lalo na’t panay ang holding hands nila sa presscon.

Posible ba siyang ma-in love kay Eugene na mas may edad sa kanya considering na mga bata o kasing edad niya ang mga babaeng naugnay sa kanya gaya nina Danita Paner, Arci Muñoz, at Alex Gonzaga?

"Bakit naman hindi? Kung may mabubuo namang maganda, bakit hindi puwede, di ba?" sagot niya.

Dagdag pa ni Kean, wala raw siyang nakikitang masama kung mangyayari ito dahil single naman sila pareho.

VICE GANDA. Mukhang nagiging close si Kean sa mga komedyante. Bukod kay Eugene, isa pang ka-close ni Kean ngayon si Vice Ganda.

Minsan na ring nahaluan ng kulay ang harutan at pagbibiro nila noon sa telebisyon.

Depensa naman ni Kean, wala raw romansang nagaganap sa pagitan nila ni Vice dahil mabuting magkaibigan lang sila.

"I consider Vice na isa sa mga tunay na kaibigan. Pag kailangan ako ni Vice, pag may problema siya, I’ll be there.

"Kasi alam ko naman na pag ako ang may problema, he’s gonna be there for me. We’re good friends," saad ni Kean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May paliwanag pa si Kean tungkol sa mga biruan nila.

"Hindi namin ginagawa yun para mang-trip lang. Pero natutuwa kami na ang dami naming napapasayang mga tao sa ginagawa naming mga kalokohan."

GAMITAN ISSUE. Paano naman niya sasagutin ang intriga na ginagamit niya lang daw sina Eugene at Vice Ganda?

"Bakit naman ako manggagamit ng tao?" sabi niya.

"Ako, six years na ako sa industriya ng music at masasabi ko na never ever in my life na nanggamit ako ng tao para maabot ko ang gusto ko.

"I am just so blessed to have Eugene and Vice sa daan na tinatahak ko. Dumating sila sa buhay ko na hindi ko naman ine-expect.

"I’m gonna keep them. I am very sincere pag sinabi kong kaibigan ko itong taong ito," depensa ni Kean.

IYA VILLANIA. Samantala, lumabas sa Twitter ni Kean ang tweet niya na gandang-ganda siya kay Iya Villania. May iba na tila naintriga kung may gusto ba siya kay Iya.

Ano ang paliwanag niya rito?

"Sino ba naman ang hindi nagagandahan kay Iya? Nagkasama kami sa Myx.

"Kalokohan pag may taong nagsabi na hindi maganda si Iya. Pero wala yun, simpleng paghanga lang iyon," sabi niya.

Hindi ba siya nag-aalala na magkaroon ng isyu sa boyfriend ni Iya na si Drew Arellano?

"Ako, kilala ko si Drew. Yung sinabi ko, hindi naman yun tipong ang ganda ni Iya, gusto ko siya.

"Ako, I appreciate, I admire her beauty. Sinabi ko lang yung nararamdaman ko, ang ganda ni Iya.

"Ang daming magagandang babae sa Pilipinas, e," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN