Former sexy star Ramona Revilla to wed a U.S. naval engineer in November

Former sexy star Ramona Revilla is set to marry U.S. naval engineer Fred Farrell on November 4, 2011 at the Seventh Day Church in Pasay City.


Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ng dating sexy star na si Ramona Revilla sa kanyang U.S. naval engineer fiancé na si Fred Farrell sa November 4, 2011.

Gagawin ito sa Seventh Day Adventist Church sa Pasay City at susundan ng isang magarbong reception sa Shangri-La Makati Hotel.

Ang screen name ni Ramona ay halaw sa pangalan ni Senator Ramon Revilla, Sr.

Nakilala siya sa low-budget movies gaya ng Sambahin ang Puri Ko, Babasaging Kristal, at Kirot sa Puso.

Nakagawa siya ng 14 films at ang pinakahuli ay Untamed Virgins at Seksing Masahista na parehong indie films.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ramona via overseas call, ibinalita nitong humigit-kumulang sa 200 katao lang ang invited nila sa magaganap na kasal, na pawang mga kamag-anakan ng kanyang pamilya, ilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Darating din daw ang pamilya at kamag-anak ni Fred dito sa Pinas.

Nasa tinig ni Ramona ang kasiyahan at excitement sa nakikita niyang mangyayari sa kanyang kasal.

Isa pa sa nakadagdag ng kaligayahan ng sexy star ay ang natanggap na engagement ring mula kay Fred.

Isa itong 1.5 carrat Cartier platinum diamond na nagkakalahaga raw ng one million pesos.

Itinuro niya sa amin ang kanyang Facebook account kung saan niya ipinost ang kanyang singsing na nakalagay pa sa box.

Proud si Ramona sa singsing dahil sa ilalim ng larawan ay may caption pa itong "my million peso cartier diamond ring...i’m a lucky woman."

Bilang paglilinaw ni Ramona, ikalawang wedding ceremony na raw nila ito ni Fred.

May isang taon na raw silang kasal.

Kuwento niya, una silang ikinasal ni Fred sa Las Vegas noong October 10, 2010.

"It’s his birthday," banggit ni Ramona.

"Para maiba naman, we went to Las Vegas to spend his birthday there. I gave him a treat for his birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito kasi sa States, kung sino yung may birthday, lalo pag couple, pag birthday no’ng isa, yung isa ang magti-treat."

Nagulat na lang daw si Ramona nang bigla siyang yayaing pakasal ni Fred.

Hindi na raw nakatanggi si Ramona dahil bukod sa sigurado naman na siya rito, engaged na raw naman sila noon pang August 1, 2010 sa Macau.

Ipinaalam na lang daw niya sa kanyang ina dito sa Pilinas matapos ang kanilang kasal.

Nagulat man ang ina ni Ramona, tinanggap na nito ang naging desisyon ng kanyang anak.

Ayon pa rin sa kuwento ng sexy star, nakilala niya si Fred sa States noong 2008 nang magbakasyon siya doon.

Ipinakilala ito sa kanya ng tiyuhin niyang Pilipino na nagtatrabaho rin sa naval base sa San Diego, California.

Noong bumalik daw ng Amerika si Ramona nong 2009, sinagot na niya si Fred.

At mula noon, hindi na raw siya hiniwalayan ng lalake hanggang sa magpunta siya ng New York para magbakasyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Ramona, hindi nagtagal ay sinundan siya ni Fred at nagtungo sila sa Macau para magbakasyon.

Doon na naganap ang marriage proposal nito sa kanya.

Tatlo lang daw ang naging boyfriends ni Ramona—at ikatlo nga raw si Fred.

Maliban sa pareho silang 31 years old, ilan sa mga nagustuhan ni Ramona sa qualities ni Fred ay ang pagiging professional nito at may magandang trabaho sa abroad.

Kinakitaan din daw niya si Fred nang sinseridad sa tunay na pagmamahal nito sa kanya.

Tradisyon ng Pinoy ang susundin sa kasal nila dito sa Pinas.

Ayon kay Ramona, si Fred daw ang gagastos ng lahat sa kanilang kasal.

Handa na si Ramona na harapin ang buhay may asawa sa States.

May naiwan na naman daw siyang sariling bahay sa ina. Mayroon siyang pinapaupahang condo unit na siyang pinagkukunan ng gastusin ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano ni Ramona at ng kanyang asawa na magtayo ng wine house sa Parañaque para raw may rason na magpabalik-balik siya sa Pilipinas.

Karamihan sa principal sponsors sa kasal ni Ramona ay pawang mga pulitiko. Ang mga tiga-showbiz lang ay sina Jinggoy Estrada, Imelda Papin, at ang entertainment columnist na si Aster Amoyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN