Prince Stefan hurt by latest issues hurled against him; accused of being gay, using drugs, and getting married in New York with another man

"Hindi ko nga alam kasi wala naman akong kaaway, so hindi ko talaga maisip kung bakit gustong gawin ito sa akin ng mga tao," says Prince Stefan about the latest issues being hurled against him.


Nasasaktan na si Prince Stefan sa patuloy na paninira sa kanya sa Internet dahil wala siyang maisip na rason para wasakin ng ibang tao ang kanyang reputasyon.

Ang isang Internet blog na lumabas noong nakaraang linggo ang panibagong paninira na nakaapekto kay Prince.

Ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang First Prince ng StarStruck 4 na hindi muna siya magpapa-interbyu sa staff ng mga showbiz talk show na gustong hingin ang kanyang panig tungkol sa libelous article.

Sa text message na ipinadala ni Prince sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niya na dumaraan siya ngayon sa maraming problema kaya humihingi siya ng pasensiya at pang-unawa.

Nasaktan nang husto si Prince sa mga paratang na nakikipagrelasyon diumano siya sa kapwa lalake, gumagamit daw siya ng drugs, at nakatakda na lumipad sa New York para pakasalan daw ang kanyang gay lover.

Detalyado ang kuwento ng blog author tungkol sa mga nangyayari sa personal na buhay ni Prince kaya pinaghihinalaan na kilala siya ng embattled young actor.

Maliban sa inggit, walang maisip na dahilan si Prince para siraan siya, pati na ang mga tao na pinangalanan sa blog na walang kinalaman sa showbiz na isinasangkot sa kontrobersiya.

Ayon sa isang malapit sa aktor, iniiyakan ni Prince ang mga paninira sa kanya.

Sa panayam ng PEP kay Stefan ay sinagot niya ang mga isyu na ipinukol sa kanya sa lumabas na Internet blog.

GAY ISSUE. "Matagal na po ang issues na ’to. Paulit-ulit na lang. Hindi namamatay, pero matagal nang paulit-ulit na lumalabas.

"Hindi ko kilala ang sumulat ng Internet blog. At sa tingin ko, ang nagsulat nito na nagngangalan na Gerald Hernandez ay hindi niya talaga totoong pangalan para lang na safe siya, if ever na manira siya ng tao.

"Pero hindi ko siya talaga kilala kung sinuman siya.

"Maybe insecure siya or sila. Or naiinggit, or puwede rin na gusto lang nila ako siraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga alam kasi wala naman akong kaaway, so hindi ko talaga maisip kung bakit gustong gawin ito sa akin ng mga tao."

SAME SEX MARRIAGE IN NEW YORK. "Too much pa ang mga kuwento nila na walang katotohanan, mga kuwento na imposibleng mangyari.

"Nakakatawa nga, e, magpapakasal daw ako New York. Hello, bakit naman ako magpapakasal, di ba?

"Funny lang. Maybe gusto lang talaga akong siraan.

"Sana tumigil na sila. Wala naman akong ginagawang masama."

NO TO TV INTERVIEWS. Sa ngayon ay ayaw muna raw ni Prince na magpa-interview sa TV upang sagutin ang mga bagong kontrobersiya na ipinupukol sa kanya.

Paliwanag niya, "I am not ready yet.

"Marami akong pinagdaraanan ngayon. Hindi ko pa alam kung ready na ako for interviews."

Si Prince ay huling napanood sa afternoon soap ng GMA-7 na My Lover, My Wife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN