Maria la del Barrio director Richard Somes says Erich Gonzales has no attitude problem

"For me, in my personal experience, I’ve worked with her several times already. One with her movie coming up na di pa naipapalabas, yung Corazon. Dito sa TV, wala pa akong nae-experience sa attitude [problem ni Erich] na tinatawag," say Direk Richard Somes regarding Erich Gonzales’s rumored diva-like attitude.


Isa sa isyung matagal nang ibinabato sa bida ng upcoming ABS-CBN drama series na Maria la del Barrio, si Erich Gonzales, ay ang pagakakaroon daw niya ng attitude problem.

Depensa ng young actress, mas maganda raw na tanungin na lang ang mga nakakatrabaho niya dahil sila ang madalas na nakakasama at nakakasalamuha niya.

Isa na nga sa nakakatrabaho at nakakasama ni Erich ay ang direktor na si Richard Somes. Direktor siya ng pinagbibidahan ni Erich na indie film na Corazon kung saan kasama niya si Derek Ramsay.

Si Richard ay co-director din ni Direk Rory Quintos sa seryeng Maria la Del Barrio.

Ayon sa direktor, "It’s always a kind of comment naman na maririnig mo sa TV [stars], most especially with somebody who is fast rising [to stardom].

"So, ganun talaga yun.

"For me, in my personal experience, I’ve worked with her several times already.

"One with her movie coming up na di pa naipapalabas, yung Corazon.

"Dito sa TV, wala pa akong nae-experience sa attitude [problem ni Erich] na tinatawag.

"Never akong may na-experience kay Erich.

"Coming from an outsider’s point of view, dahil baguhan pa lang naman ako sa ABS, I should be the one na dapat may masabi diyan.

"But personally, wala akong nakitang ganun at wala akong na-experience na ganun sa kanya."

ENCHONG DEE. Papuri rin ang binitawan ni Direk Richard kina Erich at sa kapareha nitong si Enchong Dee.

"Well, very lovable actor and actress, so wala kang problema sa shoot nila. Very professional na mga bata.

"Yung chemistry nila, as a director, masaya ka rin na paglaruan yun. I-discover yun.

"Kung paano mo mamu-mold into one yung chemistry nila into [the] screen."

DIREK RICHARD. Unang nakilala sa paggawa ng horror movies si Direk Richard.

Hindi na rin siya maituturing na baguhan sa telebisiyon. Para sa direktor, napaka-challenging ng pagdidirek daw niya ng Maria la del Barrio dahil iba nga ang tema nito kaysa sa mga nakasanayang niyang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una, 2006 Rounin, tapos Imortal.

"Challenging kasi siya [Maria la del Barrio] kasi kailangan mo talaga yung discipline.

"Kasi, number one, TV at the same time, yung genre ba.

"Kailangan mong pag-aralan, yung drama talaga totally.

"Kaya ko namang gawin, pero may formula na dapat mong pag-aralan.

"Mahirap, pero as a director, kailangan mo ring mag-adjust, e."

Katrabaho niya si Direk Rory Quintos na kilalang isang mahusay na director.

Hindi naman itinago ni Direk Richard na nakaramdam siya ng kaba at pressure nang una silang magtrabaho ng batikang direktor.

"Oo, ang pressure nandun. Siyempre kailangan mong i-gauge kung ano ang gusto niya. Kung ano ang di niya gusto. Ano yung style niya.

"So, babagay ka dun, kasi siya yung anchor. Siya yung nagsimula ng show, so dun ka babagay.

"Di puwede na sundin mo ang sarili mong style, otherwise mag-iiba ang hitsura nito."

Paglalarawan pa niya kay Direk Rory, "Briliant, generous, straightforward, very disciplined, and medyo timeless ang style niya.

"Maganda dahil marami siyang bago na binibigay."

Bakit naantala ang airing ng Maria la del Barrio?

Dapat ay ipinalabas daw ito last summer, pero nalipat ng August 15 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Direk Richard, "Dahil binusisi pa talaga yung kuwento, e. Siyempre mas magandang mabigyan ng time para mabusisi. And siyempre, marami ang input.

"Even yung pressure nito, kasi adaptation siya. Mas kailangan na makakuha ng maraming input."

Sa mga Koreanovelas na nire-remake ng mga Pinoy, may agreement lagi na hindi puwedeng ilihis nang husto ang istorya nito sa orihinal na pagakakagawa nila. Wala ba silang masyadong binago sa orihinal na Maria la del Barrio ng Mexico?

"Maraming pagkakaiba, pero siyempre nag-stick kami sa mga main characters in terms of story, plot, and how does it look. Ibang-iba talaga siya.

"I think maganda naman ang kuwento that’s why napapayag sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, maganda na binigyan nila kami ng freedom na may mga baguhin, but just stick with the characters na ginawa nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN