Marian Rivera prepares special dishes for boyfriend Dingdong Dantes’s birthday

"Ang mga niluto ko, Japanese fried rice, tapos gusto raw niya ng kaldereta, tapos pork steak. Gusto raw niya yung garlic shrimp ko. Garlic lang siya na nilagyan ng sauce," says Marian Rivera about the dishes she cooked for Dingdong Dantes’s birthday celebration.


Kahapon, August 1, ay dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng epicserye ng GMA-7 na Amaya sa Pagsanjan, Laguna.

Doon napag-alaman ng PEP na mas maaga ang packup ni Marian Rivera sa taping noong araw na iyon.

Ito ay dahil pagkatapos ng taping niya ay didiretso na siya sa pagsalubong naman ng pamilya ni Dingdong Dantes sa kaarawan ng aktor ngayong araw na ito, August 2.

DINGDONG’S BIRTHDAY. Siyempre pa, hindi maiiwasan na ang unang itanong kay Marian ay kung ano ang inihanda niyang regalo para sa 31st birthday ni Dingdong.

"Basta may ibinigay ako sa kanya... binigay ko na.

"Tapos siguro, yung pinaka-espesyal do’n, sasalubungin namin ang birthday niya today, mamayang gabi.

"Kaya nagmamadali ako sa mga eksena ko para makaabot ako!" natatawang biro pa niya.

Pero ayon kay Marian, ang makukunsidera raw siguro niyang special gift para sa kasintahan ay ang effort niya sa pagluluto ng ilang pagkain na special request ni Dingdong sa kanya.

Kuwento ng aktres, "Kagabi, pagkagaling namin ng Laoag, nag-promise kasi ako sa kanya na magluluto ako.

"Kung tonight pa ako magluluto, sobrang kakapusin.

"So, nagluto na ako kagabi ng mga food na panghanda niya."

Ipinakita pa ni Marian ang pictures ng mga niluto niya noong gabi ng July 31 para may ebidensiyang nagluto nga siya.

Kuwento pa niya, "Ang mga niluto ko, Japanese fried rice, tapos gusto raw niya ng kaldereta, tapos pork steak.

"Gusto raw niya yung garlic shrimp ko. Garlic lang siya na nilagyan ng sauce."

Sa condominium daw niya ito niluto lahat pagkagaling ng shooting niya ng Ang Panday 2 sa Laoag.

"Hindi pa niya nakakain. Kasi, mamaya pa lang kami magkikita.

"Ini-MMS ko pa lang sa kanya," masayang sabi pa ni Marian.

Tawanan naman ang lahat nang magbiro si Marian when asked kung ano ang dessert na hinanda niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Me!" natatawang biro ng aktres.

Pero sabi rin niya, "May dala akong cake sa kanya ngayon. Pero binili ko na lang ang cake bilang hindi ko na kaya yun, at bilang gabi na kaming umuwi.

"Sabi ko noong nagluluto ako, ’Hay, for the love!" tawa niyang muli.

Ayaw sabihin ni Marian ang eksaktong gift niya kay Dingdong.

Aniya, "Basta may binili akong gift sa kanya. Basta siya na lang ang tanungin n’yo kung sasabihin niya. Basta gusto niya yun.

"Ang importante, ang effort ko sa pagluluto, yun na lang.

"Yun ang hindi mababayaran."

SPECIAL DAY. Ngayong araw na mismong kaarawan ni Dingdong ay wala raw trabaho si Marian.

"Wala. Doon kami sa Batangas, sa rancho ng tito niya.

"Nandoon na ang lahat... family niya.

"Tapos, on the day, kasama yata namin ang daddy niya.

"Hindi ko pa alam ang balak niya," sabi ni Marian.

Kanino siya mas close, sa daddy o sa mommy ni Dingdong?

"Pareho lang," mabilis niyang sagot.

Ano naman ang birthday wish niya for Dingdong?

"Birthday wish? Alam ko kasi na marami pa siyang gustong gawin hindi lang bilang artista.

"Alam n’yo na yun. Sana matupad niya yun," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN