Jhong Hilario admits dating non-showbiz girl

Inamin ng dancer turned actor na si Jhong Hilario na may dine-date siyang non-showbiz girl. Aniya, "Inspiration. Kailangan natin ng inspirasyon at kailangan nating mag-move on."


Balik sa pagiging Showtime judge ang dancer turned actor na si Jhong Hilario simula noong Lunes, August 1.

Ito’y matapos niyang iwanan ang show para makapag-focus sa taping niya ng primetime show ng ABS-CBN noon, ang Mara Clara.

Sa panayam niya sa ABS-CBN News, sinabi niyang masayang-masaya siyang bumalik sa naturang show.

"Yes. Thank you ang sarap talagang bumalik sa Showtime!" bulalas niya.

"Iba talaga ang energy ng madlang pipol, at nagpapasalamat ako at mainit pa din ang pagtanggap sa akin, ng show at ng hosts."

Dagdag pa niya, "Talagang kapag nasa Showtime ka, gagawin mo lahat, kahit delikado ang tumbling, gagawin mo para makapagpasaya ng tao.

"Na-miss talaga nila ang Sampol King."

LOVELIFE. Matatandaang noong nakaraang buwan ay inamin ni Jhong na hiwalay na silang ng kanyang five-year British wife na si Michelle Westgate.

Ang long-distance relationship at pagkakaiba ng kultura ang naging dahilan daw ng kanilang paghihiwalay.

Pero inamin ng aktor na meron siyang dine-date ngayon na non-showbiz girl.

Aniya, "Yes, oo! Inspiration. Kailangan natin ng inspirasyon at kailangan nating mag-move on."

Sa ngayon daw ay hindi pa alam ng kanyang ex-wife ang tungkol sa dine-date niyang girl.

"Hindi pa niya alam, malayo kasi siya," saad ng aktor.

"Kailangan pa din malaman niya pero di pa kami nag-uusap lately.

"Pero soon siguro malalaman niya"

Ano kaya ang pinakagusto niya sa non-showbiz girl na ito?

"Siguro yung pagiging sweet sa akin," nakangiting sagot ng aktor.

"Mayroon kasi siyang factor na wala doon sa ibang nakarelasyon ko."

Dagdag pa niya, madali siyang mahulog sa gano’ng babae. Pero ang pinakamahalaga sa kanya ay ang pagiging komportable nila sa isa’t isa.

"So, parang yun lang, nahulog ako," aniya.

"Ganoon naman ako, yung mapasaya ka at yung kumportable kayo sa isa’t isa, and yung parang walang problema kapag kasama mo siya"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN