Marian Rivera: "Yung mga taong sinasabing masyadong selosa si Marian, okay, fine. Ang importante, akin si Dingdong, tapos!"

"Kapag kaibigan ko, kaibigan ko. Kapag kaaway ko, kaaway ko. Ganoon ako, e. Transparent kasi ako. Lovable naman ako. Sweet naman ako," says Marian Rivera.


Kung si Dingdong Dantes ay nagse-celebrate ng kanyang 31st birthday ngayong araw, August 2, ang kanya namang kasintahan na si Marian Rivera ay magdiriwang ng kanyang 27th birthday sa August 12.

Ano ang birthday wish ni Marian para sa kanyang sarili?

"Ay, peace of mind!" natatawa sabi ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na dumalaw sa taping ng Amaya sa Pagsanjan, Laguna kahapon, August 1.

Dugtong pa niya, "Siyempre, hindi naman mabibili ang peace of mind.

"Siyempre ako, sa birthday ko, sa pamilya ko, wala naman akong marereklamo.

"Maayos naman lahat. Wala namang nagkakasakit. Lahat naman kami may communication.

"Sa career ko naman, masaya naman ako nang bonggang-bongga.

"Sa lovelife ko, bakit naman hindi? Nakita n’yo naman, lagi namang nandiyan si Dong para sa akin.

"So, ano na lang siguro, peace of mind lang talaga."

DETRACTORS. Isa ba rito ang wish niya na tigilan na rin siya ng detractors niya?

"Ay, hindi, hayaan n’yo na sila!" bulalas niya.

"May ilang bagay talaga na kahit anong pilit mo, hindi mo makukuha.

"Ganoon ang pagba-balance ng buhay. Hindi lahat nasa ’yo.

"Hindi naman sa tanggapin na lang, maige na rin ang may balanse.

"Hindi naman lahat perfect.

"May mga something diyan na paudlot-udlot, pero madali rin namang..."

Dugtong pa ni Marian, "Ano ako, e, kapag kaibigan ko, kaibigan ko. Kapag kaaway ko, kaaway ko.

"Ganoon ako, e. Transparent kasi ako.

"Lovable naman ako. Sweet naman ako."

NADINE SAMONTE. Hiningan din si Marian ng reaksiyon sa naging pahayag ni Nadine Samonte na wala naman daw lock ang room kaya paanong ni-lock. Obviously, ipinagtanggol siya ni Nadine sa isyu noon ni Marian kay Bela Padilla.

Magkakasama ang tatlo noon sa primetime series na Endless Love.

Ayon naman kay Marian, "Alam n’yo, ’yun ang maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng katotohanan, lumalabas din naman.

"So, wala akong kailangang i-explain kung alam mong nasa tama ka."

Ngayong isa ng Kapatid si Nadine, ano ang naging reaction niya rito?

"Siyempre, ayoko namang sabihin na, ’Go, lipat ka!’

"Ang pangit naman nun bilang Kapuso, Kapuso."

Pero kay Marian daw unang nagsabi si Nadine ng paglipat nito sa TV5.

Aniya, "In-advice ko na kung saan siya magiging masaya, doon siya.

"Kung ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo—gusto mo ba ng fame or gusto mong kumita? Siyempre, iba-ibang level ’yan.

"Kung ano ang gusto mo para sa sarili mo, na alam mong makakabuti sa ’yo, doon ka."

SELOSA ISSUE. Sinagot din ni Marian ang palaging ibinabatong isyu sa kanya na kesyo sobra siyang selosa.

"Alam n’yo minsan, kapag sinabi mo minsan, o isang beses mo lang sinabi na, ’Ay, oo, nagseselos ako,’ feeling ng tao, buong buhay mo nagseselos ka na.

"Hindi naman ibig sabihin na kapag nagselos ka ng isang beses, e, habambuhay ka nang magseselos. Iba naman yun," saad niya.

So, ano ang reaksiyon kapag sinasabing sobrang selosa siya?

"Siya rin naman!" natawang sabi ni Marian, na ang tinutukoy ay ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Kailan at kanino huling nagselos si Dingdong?

"Wala namang sino," sagot ng Marian.

"May mga bagay lang na halimbawa, busy ka, ’Ay, busy ka na, hindi mo na ako...’ mga ganoon lang.

"Hindi naman porke’t kapag nagselos, e, sa tao yun. Hindi naman laging sa tao."

Paano kung sa tao palagi ang selos?

"Depende. Baka may dahilan kung bakit nagseselos," sagot ni Marian.

On her part, kung nagseselos man siya, may dahilan naman?

"Alam n’yo, mahirap magbuhat ng bangko kapag sinasabing selos-selos.

"Unang-una, siguro naman, nai-interview n’yo rin si Dong.

"Very vocal naman siya kung anong klaseng relationship meron kami. Kung ano ako sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, doon na lang sa mga salita niya, yun na lang ang pinanghahawakan ko.

"Wala na akong dapat i-explain or patunayan sa sarili ko.

"Yung mga taong sinasabing masyadong selosa si Marian, okay, fine.

"Ang importante, akin si Dingdong, tapos!"

Dagdag niya, "Mahirap i-explain na ’hindi po ako nagseselos, hindi po talaga.’

"Ay, sige, huwag na lang... Si Dingdong na lang ang tanungin n’yo para fair.

"Para naman hindi ako ang nagbubuhat ng sarili kong bangko.

"Si Dong na lang ang tanungin n’yo, mas okay yun."

AMAYA. May bagong timeslot ang pinagbibidahang epicserye ni Marian sa GMA-7, ang Amaya. Mapapanood na ito ngayon pagkatapos ng 24 Oras.

Matagal pa ang itatakbo ng Amaya, pero obvious ang closeness na nabuo sa pagitan ng cast at production team.

Sabi ni Marian, "Sa Amaya, ang dami-raming revelations at masasalimuot na pangyayari na talaga namang magugulat talaga sila.

"Unti-unti nang lumalaban si Amaya at marami na siyang natutuklasan, at marami na rin nakakatuklas ng lihim nila.

"Nakakatuwa rin ang mga writers na maraming naiisip para mas mapaganda pa ang Amaya."

Kung noong una, marami ang nagki-criticize sa kanilang palabas at sa tapang nito na ihatid ang kuwentong hindi halos recorded sa history, ngayon, maging ang historians at critics ng iba’t ibang eskuwelahan at pribadong sektor ay pumupuri na sa paghahatid nila ng kuwento ng Amaya.

Sabi naman ni Marian, "Palagi namang ganyan. Palagi namang kasali sa lahat ng trabaho.

"Hindi lamang sa soap na Amaya kung hindi maging sa totoong buhay bilang tao, palagi namang may ganyan.

"Pero at least, di ba, habang nagtatagal, napapatunayan, napapakita.

"At least, hindi lang ako.

"Palagi kong sinasabi na ang Amaya ay hindi lang si Marian Rivera kung hindi sa lahat ng cast, kay Direk [Mac Alejandre], production, lahat kami rito.

"E, ako umaarte lang ako, nagbabasa ako ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ano pa kaya yung sa likod ng camera. So, sila ang mas nag-e-effort dito."

Ano ang mga naging realization sa kanya sa paggawa ng Amaya?

"Ay, bongga!" bulalas niya.

"Hindi naman ako medyo nahirapan, pero siguro, sa mga salita lang.

"Although, Tagalog din naman akong magsalita, hindi naman ako Inglesera. Pero nahihirapan pa rin ako sa mga salitang malalalim.

"Minsan, talagang, ’Ay, ano po ang ibig sabihin no’n?’

"So, natututo rin ako. Minsan nga sa text, malalim na rin akong mag-text."

Excited na rin daw si Marian sa susunod na mapapanood na character niya sa Amaya bilang isang mandirigma naman.

"Oo, sobra!" sambit niya.

"Noong sinukat ko ang costume ko, ibang-iba na, tuwang-tuwa talaga ako.

"Mas ginawa sigurong mas malambot, mas fit na siya."

DINGDONG AS GUEST. Marian was asked kung nakarating na ba sa kanya na marami ang nagre-request na makapag-guest si Dingdong sa Amaya.

Pero ayon kay Marian, "Ano naman ang role niya rito?

"Gusto ko naman kapag nagkasama kami, yung malaking character naman. Ayoko naman ng singit siya.

"Malay n’yo, sa susunod, di ba?"

Bati na ba sila ni Dingdong?

Pinaalala ng PEP kay Marian na noong mag-guest si Dingdong sa show ni Arnold Clavio, ay hiniritan ng host ang aktor na "bati na raw sila."

Ano ba ang ibig sabihin nito?

"Alam n’yo, si Dong, minsan ’yan, ang hirap i-explain. Akala kasi ng iba, ako lang.

"Siyempre, may mga topak din naman itong si Dong na minsan, hindi ko na lang iniintindi. ’A, okay,’ so dinededma ko siya.

"Hindi naman niya nakakaya kaya sasabihin niya, ’Puwede ba, bati na tayo?’ Siya naman ang sumusuko.

"Nakita n’yo naman. Ganoon talaga ang relationship.

"Yun ang sign para maglambingan after," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN