Isabel Granada says looking young is a setback in getting mother roles

Isabel Granada on why she can’t get mother roles: "Sa akin, walang problema sa akin, kahit nga 20 [years old] na nga magiging anak ko sa movie or TV. Walang problema sa akin. But the thing is, yung rehistro natin [ko] sa TV, siyempre iba. Para lang daw kaming magkapatid [ng mga nagiging anak niya sa TV]."


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pictorial ni Isabel Granada sa Cainta Rizal, para sa bago nitong endorsement na Vital-C.

Kahit mayroon na siyang asawa at anak, halos walang ipinagbago sa kagandahan at kaseksihan ng magaling na singer-actress.

Kumusta naman ang pictorial ng bago niyang endorsement?

"Everyone was happy naman with the outcome nung photoshoot," panimula ni Isabel.

"’Tsaka lahat naman had fun. Hindi masyadong seryoso yung pictorial namin. Nag-enjoy kaming lahat."

NEW SHOW. Masayang ibinalita ni Isabel na soon ay makikita na siya uli sa telebisyon na umaarte.

"This September or October makikita niyo na uli ako sa GMA-7. Abangan niyo na lang po kung ano yun?

"Secret. Di puwedeng sabihin sa ngayon kung ano yun. Sorpresa na lang po. Basta, kakaiba siya!"

Medyo matagal-tagal din yatang nawala siya sa sirkulasyon?

"Actually, hindi naman ako nawala. I was busy during the election. Then after elections, I went to Japan and the States for the concert tour.

" After that, medyo nawala tayo sandali. Actually, maraming offers. All channels have offers, kaya lang, yung offers mother role.

"Sa akin, walang problema sa akin, kahit nga 20 [years old] na nga magiging anak ko sa movie or TV. Walang problema sa akin.

"But the thing is, yung rehistro natin [ko] sa TV, siyempre iba. Para lang daw kaming magkapatid [ng mga nagiging anak niya sa TV].

"Wala akong magawa kahit na i-insist ko na okay lang sa akin. They [production people] don’t want us to see na parang alanganin."

MOMMY OF HUBERT. Eight years old na ang anak niyang si Hubert. Kumusta naman ang kanyang pagiging mommy?

"Eto, nagpipigil," sabay tawa. "Ng init ng ulo," patuloy niya. "Hindi, joke lang. Of course I’m very supportive naman of what he wants to do," referring to son Hubert.

"He loves sports also, e. Kaso nga lang he stopped for a while kasi nga, bumalik na naman siya sa klase. Hindi na naman siya makapag-Taekwondo, badminton.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano yung ginagawa ng magulang niya, gusto niya ring gawin. So, as of now, gina-guide ko rin siya sa school.

"And since, it’s gonna be a busy month in the next few months to come, I have to take care of him. I have already explained to him kung bakit ako mawawala for a while.

"And he understands naman. Basta trabaho, naiintindihan niya naman," pagmamalaki pa niya sa kanyang anak.

REAL WIFE. Sa pagiging isang maybahay, kumusta rin siya?

"Okay naman. Siyempre, I take care of my family. I take care of my husband.

"Kasama rin naman kasi namin si Mama sa bahay. So lahat kami tulung-tulong sa bahay."

Bakit napapabalitang hiwalay na sila ni Geryk Genaskey?

"Ha? That’s not true! We are good," paliwanag ni Isabel.

Saan nanggaling yung balita before na "namatay" siya?

"Yes, actually nabalita ako sa PEP.ph na tsugi na raw ako. It was a text message sent to a few people from showbiz na nagkalat.

"Na ovarian cancer daw ang ikinamatay ko. Di ba ang mga previous operation [ko] was reproductive organs ko ang tinamaan?

"So, medyo kinabahan din ako. At the same time, natawa na lang rin ako.

"At that time nasa bahay lang ako. Bigla na lang akong tinawagan ng mga kaibigan ko, at ng ibang press. Kinumusta kung okay lang ba ako."

NEXT BABY. At this point, may balak na ba silang sundan si Hubert? Kung tutuusin ay malaki na ang kanilang anak para maging kuya sa kanyang magiging kapatid.

"Alam mo, hindi natin masabi, e. Kami okay lang sa amin, e. Pero, siyempre pareho kaming may trabaho, e.

"Ako nasa showbiz, si Geryk naman nasa pulitika.

’’Sa panahon ngayon, kung kaya mo munang alagaan yung isa. Kapag stable ka na uli, na mag-alaga ng pangalawa at pangatlo, di dun ka magplano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap naman na biglain," pagtatapos ng young-looking pa rin na si Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN