Venus Raj on getting into acting: "Why not? Lahat naman ’yan napag-aaralan."

Sa ngayon ay nag-e-enjoy si Venus Raj sa pagho-host sa ABS-CBN morning program na Umagang Kay Ganda. Pero sa kalaunan, nais din ng dating beauty queen na subukan ang pag-arte sa harap ng camera. "Gusto ko din talaga [i-try ang acting] para ma-experience ko din naman kung ano yung feeling."


Unang beses na dumalo ngayong taon si Venus Raj sa Star Magic Games na ginanap noong July 31, Linggo, sa Colegio de San Agustin sa Makati.

Kabilang ang 2010 Miss Universe fourth runner-up sa team na binubuo ng staff ng ASAP Rocks kung saan ay nagho-host at nagpe-perform siya from time to time.

Masayang-masaya ang beauty queen-turned-TV host sa pagkakasali niya sa volleyball lineup ng Red Team.

"Okay naman, sobrang enjoy," aniya.

"Okay naman yung first na match. Red Team and then Yellow Team, nanalo kami dun and then yung parang championship with the Blue Team, natalo kami.

"Pero okay lang. Sobrang enjoy. Magagaling naman yung nanalo," saad ni Venus.

KAPAMILYA. Matapos ang Miss Universe pageant na ginanap sa Las Vegas last August 23, 2010 ay napabilang na si Venus sa Kapamilya network.

Bukod sa ASAP Rocks, makailang beses na rin siyang nag-guest sa Showtime at iba pang programa ng ABS-CBN.

Full-time na ba ang kanyang pagiging Kapamilya?

"Hopefully this coming siguro mga few months, kasi matatapos na rin ang contract ko with Binibining Pilipinas.

"Hopefully I’ll [be able to] answer that. Tingnan natin kung anong mangyayari," nakangiting sagot ni Venus.

Diumano’y wala pang formal offers mula sa ABS-CBN at Star Magic upang gawing exclusive contract artist si Venus. Pero sa ngayon, napapanood siya bilang isa sa regular hosts ng Umagang Kay Ganda.

"Daily ako ngayon sa UKG. Kahit papaano yung hosting ko, nakaka-relate ako sa mga ginagawa ko kasi Journalism din naman ang course ko nung college."

Nagtapos sa Bicol University ng Communication Arts major in Journalism ang 5’9" Bicolana beauty queen sa tulong ng Francis Padua Papica Foundation na siyang nagbigay sa kanya ng scholarship grant.

Open naman si Venus na pasukin ang pag-aartista kung sakaling mabigyan ng pagkakataon. Willing din niyang subukan ang pag-arte bukod sa nakagawian na niyang pagho-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Why not? Lahat naman iyan napag-aaralan," aniya.

"So far, hindi pa [ako nagwo-workshop] pero gusto ko din talaga [subukan ang acting] para ma-experience ko din naman kung ano yung feeling."

Samantala, may mga nakapila namang product endorsement offers para kay Venus.

"Meron nang mga paparating and still we’re praying na sana marami pang dumating," sambit niya.

SHAMCEY SUPSUP. Nalalapit na rin ang pagsabak ng reigning Bb. Pilipinas-Universe na si Shamcey Supsup sa Miss Universe ngayong Setyembre sa Sao Paulo, Brazil.

Puspusan ang paghahanda ngayon ni Shamcey kung saan kaakibat din niya si Venus.

Todo ang suporta niya sa bagong kandidata lalo pa’t baguhan ito kung tutuusin sa pagsali sa beauty pageants.

Ayon kay Venus, ang Miss Universe pa lang ang ikalawang beauty pageant na sasalihan ng 25-year old UP magna cum laude; una na rito ang Binibining Pilipinas.

"Tumutulong ako sa training niya. Kahit papano talagang pumupunta ako dun kahit hindi na ko yung reigning queen, kasi pinapapunta rin ako nila Mrs. Araneta [Stella Marquez-Araneta, chairwoman ng Binibining Pilipinas Charities] to help Shamcey.

"So, yun, ang dami-dami ko na rin naturo kay Shamcey and I hope na kung ano man yung mga naituro sa kanya, kasi hindi lang ako, marami kasing trainor din siya, madami ding mga classes siyang ina-attend-an.

"Sana yung mga tinuro ng trainors niya, sana madala niya din yun."

Ano ang tips na ibinigay niya kay Shamcey ukol sa pagsali sa Miss Universe?

"Unang-una [independence], kasi sabi ko, siyempre ikaw lang talaga yung pupunta dun mag-isa. Kung halimbawa sanay siya na kasama ang parents niya or friends, pagpunta niya dun, siya lang talaga mag-isa.

"Kailangan talaga marunong siyang gumawa ng sarili niyang makeup, sarili niyang buhok.

"Usually merong makeup artist doon, pero mahirap din kasi kung mag-aantay ka nang mag-aantay.

"Kung gagawa ka ng sarili mo, at least, sa dinami-dami ng candidates, kahit matapos sila, at least ikaw gawa ka na kasi alam mo na kung paano gawin yung sarili mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang pinaka-importante sa lahat, ayon kay Venus, ay ang pagiging totoo sa sarili.

"Kung ano man yung feeling niya sa sarili niya," sabi niya.

"Kahit naman kasi anong turo sa ’yo, pagdating doon, ikaw din mismo yung lalaban, e, hindi naman yung mga taong nagturo para sa ’yo.

"So just be yourself, sabi ko.

"And kung ano lang yung talagang kaya niyang ipakita, yun lang ang ipakita niya.

"Hindi naman puwedeng mag-pretend siya ng kung sino siya kailangan talaga yung kaya niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN